ILYSM: Six

74 10 0
                                    

Six

*Alyssa*

Napamulat ako nang narinig ko ang pagsara nang isang pinto. Nandito pa pala ako sa kotse. Pero nasa tapat na kami ng bahay at gabi narin pala.

Umayos ako nang upo para makaalis na sa loob nang kotse. Lumabas na pala sya. Hindi man lang ako ginising para makababa.

Napatingin naman ako sa labas nang bintana at nakita ko syang nasa tapat nang gate namin, habang pinipindot yung doorbell. Hindi nagtagal may nagbukas nang gate. Hindi ko makita kung sino yun dahil nakaharang si Daryl dito.

Pinagmasdan ko lang sila habang nag-uusap. Hindi rin nagtagal ay natapos silang mag-usap at lumapit si Daryl sa kotse kung nasaan ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako pumikit at nagtulog-tulugan.

Sa pagkakapikit kong yun ay naramdaman kong bumukas yung pinto, na muntikan pa nga akong mahulog. Buti nalang ay agad nya akong nasalo at binuhat na din.

Pinakiramdaman kong nalang ang paligid. Mula sa paglalakad nya, pagpasok sa bahay namin, pag-akyat sa hagdan para makapunta sa kwarto ko.

"Daryl, ihiga mo nalang sya sa kama nya. Mukhang mahimbing ang tulog." Narinig kong sabi ni Mama.

"Pero kung gusto mo, dito ka matulog. Hindi ka naman na bago sa amin. Atsaka boto ako sayo para sa anak ko. Kailan ba ang kasal? Excited na akong magka-apo." Sabi ni Mama na ikinapikit ko nang mariin.

Kung hindi lang ako magtutulog-tulugan ay agad akong magrereact. At kung wala lang nangyari sa amin ni Daryl ay kikiligin ako sa sinabi ni Mama. Susuportahan ko pa sya sa gusto nya. Kaso, hindi eh.

"Tita, naman. Kasal po agad. Hindi pa nga po kami nakakagraduate eh."

"Edi, pagkagraduate nyo pala gustong magpakasal? Anong araw nam--"

"Hon, kasal agad nasa isip mo at apo." Nagpasalamat ako ng husto sa biglang pagdating ni Papa, dahil kung hindi sa kanya ay magpapatuloy parin ang usapan nila na ayaw kong marinig at sa tingin ko ay hindi na mangyayari.

"Namimiss ko na kasing mag-alaga nang bata. Wala nang makulit, wala nang maingay at wala nang tanggal nang stress." -- Mama

"Eh, kung ganun naman pala. Bakit hindi nalang tayo mismo ang--"

"Hon, alam mo namang hind--"

"Ahm... Tito, Tita. Ihihiga ko lang si Alyssa sa kama nya." Biglang sabi ni Daryl.

Naramdaman ko naman na muling naglakad si Daryl papasok nang kwarto ko nang biglang tinawag sya ulit ni Mama.

"Daryl, mula ngayon, tawagin mo na kami nang tulad nang pagtawag mo sa mga magulang mo."

Sa sinabi ni Mama-ng yun ay hindi maiwasan na masaktan at malungkot, dahil malamang sa malamang hindi na iyon mangyayari.

Matapos nun ay agad pumasok si Daryl sa kwarto ko habang buhat buhat ako. Hindi ko nakita yung reaksyon ni Daryl sa sinabi ni Mama. Gusto kong makita yun, kaso natatakot na baka masaktan lang ako dahil dun.

Maya maya pa'y naramadaman ko na inihiga na nya ako sa kama ko. Tinanggal yung mga sapatos ko, kinumutan. Matapos nun ay hindi parin sya umaalis. Alam kong pinagmamasdan nya ako. Inaalam ang bawat detalye nang mukha.

Gusto ko nang maiiyak sa nangyayari ngayon. Gusto ko syang sampalin at yakapin. Gusto kong bumalik kami sa dati. Pero, paano kung sa ganitong nangyayari sa amin ay malabo na talaga na bumalik ang dati naming pakikiktungo sa isa't isa.

Narinig ko naman ang ugong nang silyang alam kong inupuan nya at naramdaman kong lumapit sa sa akin. Yung lapat nang mga labi nya sa aking pisngi. Yung mainit at mabango nyang hininga na dumadampi sa aking leeg patungo sa aking tenga.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon