EPILOGUE

70 8 0
                                    

Epilogue

*Melissa*

'Ikaw na ang isusunod ko.' Hinawakan nya ang mahaba kong buhok at hinila nya ito.

Napasigaw ako sa sakit ng pagkakahila nya sa buhok ko. Feeling ko anytime makakalbo na ako sa kahihila nya sa buhok ko.

'Melissa.' Nagulat naman ako ng may biglang may humawak sa balikat ko.

"Tulala ka nanaman. Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi ka pala nakikinig." Nakasimangot nyang sabihin. Tampuhin talaga ang isang to. Actually, ngayon ko lang napansin na tampuhin pala sya.

"Sorry, ano nga ulit yung sinabi mo?" Sabi ko na mas ikinasimangot nya lahat. I sighed. Lagi kasi akong napapatulala lately, eh.

Bigla naman syang napangiti at ginulo ang buhok ko. Hinawi ko naman ang kamay nya. Aba! Ang hirap kayang mag-ayos ng buhok. Napatawa naman sya bigla na ikinainis ko naman.

"Wag mo nang intindihin yung sinabi ko. Hindi naman yun importante. Ang mas mahalaga ay ikaw." Sabi nito.

"Huh?"

"Fries?" Bigla naman nyang inalok ang fries na hawak nya na hindi ko alam kung saan nya nakuha.

"Saan yan nanggaling?"

"Sa tindihan, ninakaw ko."

"Ninakaw mo? Kailan ka pa natutong magnakaw?" Gulat kong tanong at tumawa naman sya ng malakas. Ano bang mali sa sinabi? Nakakagulat naman talagang ninakaw nya yung fries na hawak nya, eh.

"A-anong na-nakakatawa?" Hinawakan naman nya ako sa buhok at ginulo ang buhok ko. Napasimangot naman ako sa ginawa nya. Giluhin ko rin kaya ang buhok nya para malaman nyang mahirap mag-ayos ng buhok.

"Tulala ka kasi palagi, kaya hindi mo napansing bumili ng fries sa tindihan na nadaan natin kanina." Napatahimik naman ako sa sinabi nya. He sighed.

"Naaalala mo parin ba ang nangyari sayo, sa atin?" Ngumiti naman ako ng pilit sa sinabi nya.

"Ako rin nama--"

"Actually, hindi naman yun ang pinoproblema ko." Napatigil naman sya at napatingin sa akin ng malungkot.

"Si Zeke ba?" Napatango naman ako.

"Huwag kang mag-alala. Magigising din yun. Tiwala lang at dasal lang." Nakangiting sabi nya na nagpagaan ng loob ko kahit papaano.

"Salamat." Sinuklian ko naman sya ng ngiti na kahit pilit nang biglang may tumawag sa phone nya.

"N-napatawag ka?" Sabi nya sabay sumenyas na lalayo lang sya saglit. Tumango naman ako sa kanya. Ilang saglit lang ay bumalik din naman sya.

"Ahm... sorry, hindi kita maihahatid sa ospital. May importante lang akong gagawin." Sabi nito.

"Okay lang. Atsaka, hindi ko naman hiniling sayo na ihatid mo ako. Ikaw pa nga tong nagpumilit na ihatid ako." Sabi ko at napangiti lang sya.

"Sige, alis na ako. Bye!" Sabi nito at hindi na ako hinintay na makapagpaalam sa kanya.

I sighed. At napailing nalang ako. Kailangan ko pang puntahan si Zeke sa ospital. Sana nga lang wala ang ate nya dun. Ako kasi ang sinisisi nito sa nangyari kay Zeke. Ako daw ang may kasalanan kung bakit comatose ngayon si Zeke. Ako naman talaga ang may dahilan. Miski ako sinisisi ko ang sarili ko.

Bago ako pumunta sa ospital ay bumili ako ng ilang prutas para sa paggising ni Zeke ay may makain sya sakaling magising na sya.

Habang bumibili ako ng prutas. May tao akong nakita na pamilyar sa akin. Hindi, sya talaga yun. Alam kong sya yun. Hinding hindi ako nagkakamaling sya yun. Kilalang kilala ko sya.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon