ILYSM: Ten

55 9 1
                                    

Ten

*Author*

Sa kabilang banda,

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni James. Nakapikit syang dinadama ang bawat sampal na dumadampo sa magkabilang pisngi nya na nanggagaling kay Sam.

Wala syang paki kung pagsasampalin pa sya nito ng buong araw. Maibsan lang ang nararamdaman nitong sakit at galit sa kanya. Tama lang ito sa kanya dahil sya rin naman ang may kagagawan kung bakit nasasaktan at nagagalit sa kanya si Sam. Sya ang may kasalanan ng lahat.

He sighed. Pero sana, ganun nalang talaga ang nangyayari ngayon. Yan ang nasa isip nya. Na ganito nalang ang nangyayari ngayon. Lahat tatanggapin nyang sakit, lahat ng sampal, suntok o kung ano pa man. Tatanggapin nya lahat ng masasakit na salita, kahit murahin pa sya nito. Atleast, kahit papaano ay nakikita nya ito. Hindi tulad ngayon, wala syang kaalam alam sa nangyayari kay Sam.

Kasalukuyan sya ngayong nasa kwarto sya nagkukulong este para syang kinulong. Dahil hindi sya pinapaalis ng kwarto nya. Bakit? Dahil sa pinag-gagawa nyang kalokohan. Grounded sya ngayon at hindi nya pinapalabas ng kwarto nya ng kanyang ama. Parang high school lang kung tutuusin ang turing sa kanya ngayon. Pero, wala naman syang karapatang magreklamo dahil hindi na uubra ang lahat ng dahilan nya sa kanyang ama.

He sighed. Gusto nyang tumakas sa kwarto nya at puntahan si Sam sa kinaruruonan nito. Pero, kapag ginawa nya ito ay alam nyang lalala lang ang sitwasyon. Pinababawalan kasi syang lapitan si Sam, ng ama ni Sam at miski ang ama nya ay pinagbabawalan sya. Gustong gusto nyang puntahan si Sam at humingi ng tawad pero pinipigilan nya ang sarili nyang gawin yun. Dahil, baka kapag ginawa nya yun ay tuluyan na talaga silang paghiwalayin.

Napatingin naman sya sa suot nyang singsing. Eto ang engagement ring nilang dalawa. Actually, tuloy parin ang pagpapakasal nila, yun nga lang ito ang naging parusa ni James dahil sa ginawa nyang kalokohan. Ang hindi sila pagsamahin at kahit magkita lang sila ay hindi pwede hanggang sa araw ng kasal nilang dalawa.

Ilang weeks narin syang nakakulong sa kwarto nya at ang event ay nagaganap na ngayon. Isa pa naman sya sa mga organizers ng big event na iyon, sila ni Sam. Pero dahil bawal silang magkita ay hindi na sya sinali dun.

Nasa malalim sya na pag-iisip ng biglang kumatok sa pinto ng kwarto nya.

"Pasok." Sagot nya dito. Bumukas naman ang pinto at inuluwa ang isang babaeng may mga ngiti sa kanyang mukha.

"Alexis?" Takang tanong nito. Dahil sa pag-kakaalam nya ay walang ibang makakapasok sa kwarto nya kundi ang mga magulang lang nito at ang personal maid nito.

"Bakit ka nandito?" Tanong nito sa pinsan nya.

"Hindi mo man lang ba ako na-miss?" Malambing na sabi nito.

"Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Bakit ka nandito at anong kailangan mo?" Kilala nya ang pinsan. Sa lahat ng magpipinsan ay sila ang pinaka-close isa't isa.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nakapasok dito?"

"Alam ko naman din ang sagot. Tatanungin ko pa ba?" Sabi nya dito at ngumiti naman si Alexis.

"Kamusta ka naman dito? Balita ko, na-grounded ka daw dahil may nangyari sa inyo ni Sam. I mean, nagloko ka nanaman." Nangiting nangangasar na sabi ni Alexis.

"Kaya ka ba nagpunta dito dahil para asarin ako?"

"Hindi ah! I'm just stating the fact!" Tumaas naman ang kilay ni James sa sinabi ng pinsan nya.

"Okay, okay. Sorry na. I'm just kidding. Eto naman, hindi ka mabiro." She flipped her hair at napabuntong hininga nalang si James.

"So, anong merun at bakit ka naparito?"

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon