ILYSM: Eighteen Point Three

36 6 0
                                    

Eighteen Point Three

*Author's POV*

Time passed. Simula na nangyari yun ay hindi nagkulang ang ginoo sa pagdalaw sa kanyang asawa sa mental. Halos araw-araw syang nanduon at kulang nalang ay duon sya tumira. Medyo naging madali ang naging buhay ng ginoo ng mapunta ang kanyang asawa sa mental. Pero, hindi mo parin maaalis ang pagsisisi nya dahil sa pagpayag sa gusto ng kanyang asawa.

Sa kabilang banda, hindi lubos maisip ng ginang kung bakit pinayagan sya ng asawa nya sa gusto nya. Nasasaktan parin sya dahil dito kahit ilang araw na sya sa mental at kahit na sya naman ang may gusto. Madami katanungan sa kanyang isipan na hindi rin naman nasasagot na dahilan kung bakit mas lalong lumalala ang sakit nya.

Ang masakit na katanungan na lagi nyang naiisip ay 'hindi na ba sya mahal ng kanyang asawa? Totoo kayang nagsisisi ito dahil pinakasalan sya?' Sa mga katanungan na yan ay parang gusto nalang nyang mawala. Naiisip nya na sana ay hindi nalang sya nabuhay kung may sakit lang pala sya sa pag-iisip, nang dahil kasi sa sakit nya ay nasasaktan at nahihirapan sya. Hindi naman sya nasasaktan pisikal, nasasaktan sya emosyunal.

"Dad, si Mom? Hindi pa ba sya uuwi? Matagal pa ba sya sa ibang bansa? Pwede ko ba syang makausap? Miss na miss ko na kasi sya, eh. Hindi nalang dapat pala ako umalis nun, para nakapagpaalam kami sa isa't isa nun." Nagulat ang ginoo sa biglang pagpasok ng batang babae sa opisina nya. Napabuntong hininga sya dahil sa paulit-ulit na tanong ng kanyang anak.

"Lex, hindi pa uuwi ang Mom mo. Masyado busy ang Mom mo sa pag-aasikaso ng business natin sa ibang bansa na kahit ako ay hindi ko man lang sya nakakausap kahit sa phone lang. Ayoko naman syang tawagan at baka may kausap syang clients, at baka maistorbo sila sa pag-uusap nila about business." Yan, yan ang laging sinasabi ng ginoo sa kanyang anak sa pa-ulit-ulit na tanong nito sa kanya.

"Wala ba syang pahinga dun? Pwede ko bang puntahan sya dun?" Makulit na tanong ng batang babae sa ama.

"Lex, hindi pwede yang gusto mo. Kapag pinuntahan mo ang Mom mo dun, marami kang ma-mi-miss dito, especially ang pag-aaral mo."

"Pero--"

"Wala nang pero-pero, Lex. Sige na, matulog ka na. Gabing gabi na. Maaga ka pang papasok bukas. Marami rin akong ginagawa dito." Wala namang nagawa ang batang babae at umalis nalang ng opisina ng kanyang ama sa kanilang bahay.

Napangalumbaba ang ginoo sa lamesa at napabuntong hininga ito. Malungkot na tinignan ng ginoo ang pintuang nilabasan ng kanyang anak.

Ayaw nyang sabihin sa kanyang anak ang totoo, na kung nasaan ba talaga ang kanyang asawa. Ayaw nyang sabihin ito dahil baka ito din ang dahilan kung bakit mas lalong lumalala ang sakit sa pag-iisip ng kanyang anak.

Sa labas ng pinto, nanduon pa din ang batang babae. Nagtataka na din sya sa paulit-ulit na sagot sa kanya ng kanyang ama. Matalino ang batang babae, kaya alam nyang may tinatago ang kanyang ama sa kanya tungkol sa kanyang ina. At, gusto nyang malaman yun. Hindi sya titigil hangga't hindi nya nalalaman yun.

Makalipas ng maraming araw. Masayang nasa loob ng kotse dahil pupuntahan nya ang kanyang pinakamamahal na pinsan. Hindi sya nagkulang sa pangakong binitawan nya sa ginoo at sa batang babae.

Habang nasa byahe sya kasama ang driver nya na nagmamaneho ay naipit sila sa mahabang traffic. Parang may pumupigil sa kanila na makapunta sa destinasyon nila. Kanina ay muntikan na silang mabangga, muntikan na silang makasagasa, nasiraan sila ng makina, pahinto-hinto sila dahil biglang mamamatay ang makina at ngayon ay nasa kahabaan sila ng traffic.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon