ILYSM: Eighteen Point Two

43 6 0
                                    

Eighteen Point Two

*Author's POV*

"Can I call you, Kuya?"

"Oo naman. Pero, ang awkward naman nun kung tatawagin mo akong Kuya, eh, mas matanda ka sa akin. Ako dapat ang tatawag sa iyo ng Ate." Sabi ng batang lalaki sa kausap nyang batang babae.

"Ah, basta! Ikaw ang gusto kong maging Kuya kahit na nas matanda ako sa iyo. Atsaka, isa oras lang naman ang tanda ko sayo." Sabi ng batang babae sabay yakap sa batang lalaki.

"Alam mo, Kuya, kahit hindi na ako magkaroon ng kapatid. Okay lang sa akin. Kahit hindi man tayo sa iisang magulang nagmula, kahit pinsan kita ay ikaw ang gusto kong maging Kuya at maging kapatid." Nakangiting sabi ng batang babae habang nakayakap ito sa batang lalaki at nakatingala ito dahil mas matangkad ang batang lalaki kaysa sa kanya.

"Basta Kuya, promise me na hindi mo ako iiwan, magkakasama tayo hanggang sa huli at magkapatid ang turing natin sa isa't isa hanggang sa huli." Sabi ng batang babae habang nakapout na bumagay naman sa kanya. Napangiti naman ang batang lalaki dahil nacute-an sya sa itsura ng batang babae.

"I promise." Simpleng sabi ng batang lalaki at ngumiti ng ubod ng tamis sa batang babae. Napangiti din naman ang batang babae. Niyakap nya ang batang lalaki at isiniksik ang mukha sa dibdin nito.

"Basta magpromise ka din sa akin." Agad namang napaangat ng mukha ang batang babae at tinignan ang batang lalaki.

"Ano naman ang ipapangako sayo, Kuya?" Hinawakan naman ng batang lalaki ang buhok nito at ginulo. Imbis na magreklamo ang batang babae at napangiti nalang ito.

"Dahil gusto mo akong tawagin na Kuya, ipangako mo sa akin na dapat lagi kang makikinig sa lahat ng sasabihin ko dahil ayokong masasaktan ka at magkamali ka. Ipangako mo din sa akin na hindi ka magiging makulit dahil ayaw na ayaw ni Kuya ang makukulit na bata. At ipangako mo din sa akin hindi ka rin magiging pasaway kay Kuya." Seryosong sabi ng batang lalaki at tumango naman ang batang babae bilang pagsang-ayon. Muling isiniksik ng batang babae ang mukha nya sa batang lalaki at niyakap ito ng mahigpit. Sinuklian din naman ito ng batang lalaki ng mahigpit din na yakap.

~~~

"Kuya! Gusto ko nung hawak nyang laruan! Pwede ko ba yung kuhain at angkinin?" Bahagyang nagulat ang batang lalaki sa sinabi sa kanya ng batang babae.

"Lex, hindi mo pwedeng kuhain yun at angkinin dahil hindi yun sayo. Sa kanya yung laruan na yun." Mahinahong sabi ng batang lalaki sa batang babae.

"Pero Kuya, gusto ko yun." Maligalig na sabi ng batang babae.

"Sige, ganito nalang. Bibili nalang tayo ng katulad ng ganung laruan na hawak nya."

"Ayoko! Gusto ko nung hawak nyang laruan!" Masungit na sabi ng batang babae.

"Lex. Diba, sabi ko sayo ayoko ng makulit at pasaway na bata? Diba, nangako ka din sa akin na makikinig ka dapat sa mga sinasabi ko? Lex, mali yung gusto mong gawin. Masama ang kumuha at mang-angkin ng hindi sayo. Pagnanakaw yun. At kapag nagnakaw ka, makukulong ka. Gusto ko bang makulong katulad ng mga napapanuod natin sa balita?" Mahabang esplinasyon ng batang lalaki. Tango at iling lang ang nasagot ng batang babae.

"Good." Sabi ng batang lalaki at niyakap ang batang babae. Niyakap din naman sya pabalik ng batang babae.

"James, Lex." Biglang may tumawag sa dalawang bata na mag-asawa. Kaya agad silang napabitiw sa pagyayakapan nila.

"Mommy! Daddy!" Sigaw ng batang babae sabay takbo papunta sa dalawang mag-asawa na mga magulang naman nya.

"Lex! Dahan-dahan lang sa pagtakbo, baka madapa ka." Agad namang nagdahan-dahan ang batang babae sa pagtakbo sinabi sa kanya ng itinuturing nyang Kuya.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon