DIKY: Pang-anim

622 90 17
                                    

A/N: Guyth, sa chap na ito ay may malaking bahagi akong binago. Sorry kung binago ang 1/4 sa chap na ito, pero nandito parin naman ung pinakakwento, inimprove ko lang sya para mas feel na basahin sya. SALAMAT sa pag-iintindi ^__^

~~~

Pang-anim

*Zeke Ivan*

"Zeke, relax. Huminahon ka nga." James said. Napatingin naman ako sa kanya at napahinto sa paglalakad nang pabalik balik.

"I can't" I said and pinagpatuloy ang paglalakad nang pabalik balik. Hindi ko kayang magrelax ngayong pang ito na ang araw ito ay araw nang pagkikita namin ni Melissa. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita na kami. Kinakabahan ako nang sobra, dagdag mo pa ung pinagsasabi ni James sa text.

"Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling magkita kaming dalawa." I said habang naglalakad pabalik balik.

"Act normal. Gawin mo din sa kanya ung ginagawa mo sa ibang babaeng lumalapit sa'yo." He said. Napahinto ko sa paglalakad at tinignan sya.

"Magiging rude ako sa harapan nya? Edi mas lalo pang magagalit un sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga pala. Galit ka pala sa mga babae except kay Melissa" he sighed.

"Bakit ka nga ba galit sa mga babae?" Tanong nya sabay kain nang cupcake na nakalagay sa locker ko. Hindi ko alam kung bakit nalaman nang mga nagkakagusto sa ang ung number lock nang locker ko. Ako lang at si James ang nakaka-alam nun.

"Hindi ako galit sa kanila. Ganun lang ako sa kanila kasi baka matukso ako at mataksilan ko si Melissa sa puso ko." Sabi ko sabay tapon nya sa akin nang walang laman na box nang cupcake.

"Corny mo Espren, alam mo ba un?. Bakit hindi ka nalang gumawa sa akin? Masarap ang buhay, maraming babae." Nakangiting sabi nya. Wow !! Proud pa sya dun ah.

"G*gu, igaya mo pa ako sayo. Mas okay na ang maging corny, dahil stick-to-one ako, kaysa sayo na bawat araw nagpapalit nang babae. Hindi ka ba natatakot sa karma?" Sabi ko sa kanya.

"Ansakit nun, Espren." Sabi nya sabay himas sa dibdib nya at napailing ako sa ginawa nya. Minsan talaga ang drama nitong lalaking to eh.

"At anong sabi mo? Karma? Ha-ha, nagpapatawa ka ba? Hindi naman totoo ang karma. Kung totoo nga yang karmang yan, edi sana namatay na ako dahil sa pagdumog sa akin nang mga babaeng niloko ko. Sila rin naman ang may kasalanan kung sila umiiyak ngayon eh. Alam na nga nilang manloloko ako, nagpapaloko parin sila." Napailing nalang ako sa sinabi nya. Malala na talaga tong bestfriend kong to.

"Kung ako sayo, magbago ka nang buhay mo hanggat may oras pa. Tigilan mo na yang panloloko mo. Hindi yan maganda sa kalusugan." Sabi ko sa kanya na ikinasandal nya sa pader at tinitigan nya ako nang maiigi.

"Bakit ba napunta ang usapan sa akin? Diba dapat tungkol sayo ang pinag-uusapan natin ngayon. So anong plano mo ngayon?" He said. Kumuha sya nang isang stick nang sigarilyo sa bulsa nya, sinindihan nya ito at nagsimulang manigarilyo. I sighed. Ganyan sya kapag kinuquestion ang mga ginagawa nya.

I think I need to go. Hindi ko sya makakausap nang maayos at baka magsuntukan pa dito. Kung ayaw ko magpatalo, mas ayaw magpatalo.

"Saan ka pupunta?" Madiing sabi nya nang hindi ko sya sinagot at papaalis sana ako.

"Uuwi." Simpleng sagot ko. Umayos naman sya nang tayo at tinapon ang sigarilyo sa sahig kahit hindi pa ito nauubos.

"Anong uuwi? Hindi ka uuwi. May pupuntahan tayo." Sabi nya sabay labas nang susi nang kanyang itim na kotse at may pinindot dito at tumunog ang kotse nito.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon