Fourteen
*Zeke*
"Tch." I hissed.
Napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa akin ni Ate Chloe. Sh*t. Ang sakit.
"Para saan--"
"Bakit mo to itinago sa amin?" Walang emosyon na sabi ni ate sabay bato sa dibdib ko ng mga papel at nahulog naman ito sa sahig.
Pinagmasdan ko ang dahan dahang paglapat ng mga ito sa sahig. Nanlaki naman ang mga mata ko ng mabasa ang mga nakasulat dito. Ang mga resulta ng sakit ko. Ang dahilan ng madalas na pagsakit ng ulo ko. Hindi lang simpleng magraine lang, kundi may...
"So, hindi ko pwede sabihin sayo yung condition mo. Dapat masabi ko muna to sa mas nakakatanda sayo o sa kapamilya mo, bago mo malaman at para matulungan ka nila."
"Doc, please sabihin mo na sa akin yung condition ko. Lalo't na nagpahiwatig kayo na may iba sa akin. May iba ba akong condition na hindi dapat?"
"Zeke, hindi talaga pwede. Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang lahat."
"What the F*ck! Doc, wag nyo akong gawing bata. I'm f*cking 18 years old. Hindi na ako bata at nasa hustong edad na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya, pwede ba Doc. Sabihin mo na. I begged you"
"Sorry Zeke-"
"No! I want to know it. Gusto kong malaman yung condition ko. Katawan ko to. Buhay ko to. Bakit hindi ko pwedeng malaman yung condition ko? So, please Doc? Kailangan kong malaman ang condition ko."
He sighed. At umalis nalang bigla.
Hindi ako makakapayag na hindi malaman ang kalagayan. Paano nalang kung malala na pala ang kalagayan? Dapat malaman ko ito para maging handa man ako kung sakaling ma-- ano bang pinag-iisip ko? I sighed.
Paikot-ikot akong naglalakad sa loob ng room na kung nasaan ako. Hindi kasi ako mapakali. Gusto kong malaman ang kalagayan ko. Napahawak ako sa sintido ko, bahagya kasi syang sumakit.
Napailing nalang ako at pumunta sa may pinto. Wala mangyayari kung magpaikot ikot lang ako dito. Kailangan kong makausap si Doc.
Binuksan ko naman ang pinto at bahagya akong nagulat ng makita ko si Doc sa harapan.
"Doc, gusto kong malaman ang kalagayan ko. Please, sabihin nyo sa akin?" Sabi ko at ikinabuntong hininga naman nya.
"Sumama ka sa office ko at duon ko sasabihin sayo." Tumango naman ako. Nagsimula naman syang maglakad at sinundan ko naman sya.
Sinundan ko lang sya hanggang sa makapunta kami sa office. Agad syang umupo sa may table nya na may nakalagay na pangalan nya. Ako naman ay nanatiling nakatayo.
"Maupo ka." Mahinahon nyang sabi at sinunod ko naman yun.
May kung ano naman syang kinuha sa drawer sa ilalim ng kanyang table. Agad naman nyang ipinakita ang isang folder na may nakasulat na pangalan ko. Kinuha ko naman yun at binasa ang mga nakasulat. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Doc dahil sa mga nabasa ko. Nakita ko naman syang nakangiting malungkot.
"Kaya ayaw kong sabihin ang kalagayan mo kasi alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo." Napatingin ulit ako sa hawak kong mga resulta ng kalagayan ko. Tinignan ko ang bawat papel na nasa loob ng folder.
"Namana mo ang sakit ng Papa mo. Sa inyong dalawa ni Chloe, ikaw lang ang nakamana nito. Zeke, may stage 2 brain tumor ka. Sa ganitong sakit kailangan ko nang magpa-opera para na lumala ang sakit mo. Mahihirapan ka kapag pinatagal mo pa yang sakit mo." Malungkot na sabi ni Doc.
BINABASA MO ANG
Do I Know You?
Teen Fiction[ C O M P L E T E D ] - [ T E E N F I C T I O N ] Date Started: 2014 Date Ended: 2016 [1st] Do I Know You? [2nd] May I Know Who You Are? [3rd] I Really Know You [4th] I Love You So Much Note: Sorry for typ...