A/N: Guyth, sa chap na ito ay may malaking bahagi akong binago. Sorry kung binago ang 1/2 sa chap na ito, pero nandito parin naman ung pinakakwento, inimprove ko lang sya para mas feel na basahin sya. SALAMAT sa pag-iintindi ^__^
~~~
Pang-apat
*Melissa*
"Girl !!"
*Poke*
*Poke*
"Girl !, gising na po"
"Girl, mamaya na. Inaantok pa ako" sabi ko sabay talukbong ng kumot. Istorbo naman kasi eh, nanaginip pa nga nagkita kami at naging kami ni MB eh.
Tinanggal naman nya ung kumot. Tinignan ko naman sya ng masama, kaso tinaasan naman nya ako ng kilay, kaya pinagtaasan ko rin sya ng kilay. Aba'y di ako magpapatayo sa kanya no. Patayaran ba ang laban?, di ako magpapatalo.
"Nakalimutan mo na ba ??" sabi nya at inirapanan ko lang sya. Ano man kasi ang nakalimutan ko?, wala naman akong dapat kalimutan. Ah ! baka naman naniningil na sya sa pinamili ko. Aba parusa nya un, bakit sya maniningil sa akin?
"Ano naman ang nakalimutan ko?, ung pera mo bang ginastos ko ?, Para sabihin ko sayo na paru--"
"Haist !! Hindi un !!. At pwede ba wag mo nang ipaalala un masalimuot na pangyayaring un." sabi nya
"Un naman pala. Istorbo naman to. Tignan mong natutulog eh. Manggigising tapos wala naman palang matinong sasabihin" sabi ko sabay irap. Ready na ulit akong italukbong ang kumot sa buong katawan ko at ready naring bumalik sa panaginip ko. Kasi naman bitin eh, nanduon na nga ung kissing scene namin tapos manggigising lang.
Pero dahil may lahi itong mabilis ang kamay sa paghahablot ng mga gamit. Agad nyang hinila ung kumot na sana ay itatalukbong ko sa katawan ko. Tinignan ko sya nang pinaka-matalim na tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin ko, patay na siguro itong si Sam
"Bumangon ka dyan. Maligo at mabihis ka. May pupuntahan tayo." madiing sabi nya na kinilabutan naman ako. Pero hindi ako papatinag, gusto ko pa kayang matulog.
"Ayoko ko nga. Umalis ka mag-isa mo. Basta ako matutulog pa." sabi ko sabay higa nang kama ko at pinikit ang mga mata dahil gusto ko pa ngang matulog at ibalik ang panaginip ko. Sayang kasi, kahit sa panaginip man lang mahalikan ko sya.
"Okay, sige. Sabi mo yan ah. Sayang pa naman na sa Trinoma pa naman si MB. Magmomodel sya dun. Plus hindi lang sya magmomodel mamimigay pa sya ng libreng magazine with his signature and kung sino daw ang makakuha nang magazine na ipinamimigay nya na may Kiss Mark sa loob nang magazine ay siyang pagkakakalooban ng Halik Mula Sa Kanyang Labi. Take Note, nag-iisa lang un and once in the lifetime lang un. Sayang naman kung hindi ka makakapunta." sabi nya na ikinadilat nang mata ko at ikinalaki pa.
"Tara na, ano pang hinihintay mo" sabi ko at agad na tumayo sa kama ko.
WAAHH !! Ang matagal ko nang pinapangarap ngarap ay ang mahalikan ang malambot na labi ng aking mahal na si MB. Eto na ang pagkakataon ko. Eto na ang panaginip ko. Mangyayari na sya. KYAAHH !! Kinikilig ako. hehehe
"Anong tara na?, Mag-ayos ka muna. Maligo at magbihis. Anong sa tingin mo, hahalikan ka ni MB nang nakapanjama ka at may panis pa na laway sa pisngi mo?" sabi naman ni Sam at napatingin naman ako sa suot ko at napahawak sa pisngi ko.
Psh !! kahit kailan talaga, panira nang momment ung babaeng un. Babatuhin ko sana sya nang unan kaso huli na ang lahat dahil nakalabas na sya nang kwarto habang tumatawa. Bwisit !. napairap nalang ako sa hangin. Saka nag-ayos nang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Do I Know You?
Teen Fiction[ C O M P L E T E D ] - [ T E E N F I C T I O N ] Date Started: 2014 Date Ended: 2016 [1st] Do I Know You? [2nd] May I Know Who You Are? [3rd] I Really Know You [4th] I Love You So Much Note: Sorry for typ...