ILYSM: Side Story

56 9 0
                                    

Side Story of Bryan Kennedy Lopez Villaruel

Entitled: Misteryoso.1

*Author*

Nasa isang coffee shop si Ken. Umiinom ng favorite nyang frappe na ang flavor ay mocha. Nagbabasa din sya ng libro habang umiinom ng frappe. Ganito ang ginagawa nya kapag wala syang ibang ginagawa at madalas na pampalipas oras nya ito.

"Ken!" Napasara agad sya ng librong binabasa nya ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likod sa pagkakaupo nya sa upuan at sa malambot na labi na dumampi sa kanyang pisngi.

Kinilabutan sya naman sya. Nakilala nya agad kung sino ang gumawa sa kanya nun. Dahil siya lang ang nakakagawa nun sa kanya.

Everyone scared at him. Isang dahilan lang ang alam nyang dahilan kung bakit takot sa kanya ang mga kaklase nya at ang buong University. At iyon ay ang pagiging mayaman.

Ang pamilya nya ay isa sa mga pinakamayaman sa buong Pilipinas. Maraming business sa bawat sulok ng Pilipinas ang pamilya na mismong mga magulang nya ang nagpapatakbo. Maraming koneksyon din ang pamilya. At dahil sa koneksyon na iyon ay maaaring mapahamak ang mga kaklase nya at ang buong University. Dahil kapag nasaktan Ken kahit kinurot lang sya ay baka hindi na sikatan ng araw ang nangurot sa kanya.

Ken wants a normal life. Kaya nga sya umalis sa pamamahay ng pamilya. At ngayon ay nakikitira sa mga nag-alaga sa kanya ng bata pa sya dahil laging wala yung mga magulang, sa kadahilanan na mas inaasikaso ng mga magulang nya ang business nila kaysa sa kanilang magkapatid.

Isa ding dahilan kaya sya umalis ay ang pagmamaltrato sa kanya ng kapatid nyang babae. Hindi sya tanggap nito bilang kapatid. Actually, ampon lang sya. And actually, may kambal na lalaki ang kapatid nya kaso namatay ito dahil mahina ang resistensya nito. Hindi naman matanggap ng mga magulang nya ang pagkamatay nung sangol kaya inampo sya.

"I miss you, Ken." Sabi ng babaeng nakayakap sa kanya ngayon. Hinigpitan pa lalo nung babae ang yakap nya kay Ken..

"Kayla, please. Wag ka nang lumapit sa akin kung ayaw mong masaktan." Napabitaw namang ang babae at humarap ito kay Ken.

"Paano kung ayaw ko?" Matigas nitong sabi.

"Kayla, hindi mo ba nakikita na kung sino man ang lumapit at saktan ako ay masasaktan din ng mas doble. Kaya please, wag ka ng lumapit sa akin." Pinanliitan naman sya nito ng mga mata.

"Bakit, wala naman akong ginagawa na ikinasasakit mo ah."

"Kayla, please! I beg--"

"Ayokong lumayo sayo. Mahal kita at hindi kita lalayuan. Iniisip ko palang na malalayo ako sayo ay nababaliw na ako."

"Kayla, please lumayo ka na sa akin. Ayaw kitang masaktan."

"Ibig bang sabihin yan, mahal mo narin ba ako?"

"Wala akong sinabing mahal kita. Ang gustong lang sabihin na ayaw kong masaktan ang mga taong malalapit sa akin."

"Edi, mahal mo nga a--"

"Anong hirap intindihin sa salitang hindi kita mahal?" Napatikom naman ang bibig ni Kayla sa sinabi ni Ken sa kanya.

"Kayla, mahal kita pero hanggang kaibigan lang at wala ng hihigit pa dun. Ayaw kitang masaktan kasi kaibigan kita. Ayaw kong may nasasaktan dahil sa akin."

"Hindi ba talagang pwedeng maging magka-ibigan tayo?"

"KAYLA, ILANG BESES KO BANG SABIHIN SA IYO NA HINDI KITA MAHAL. WALA AKONG GUSTO SAYO O KUNG ANO PA MAN. KAYA PWEDE BA, UMALIS KA NA AT WAG NA WAG KA NG LALAPIT SA AKIN. KUNG AYAW MONG MASAKTAN AT KUNG MAHAL MO PA BUHAY MO." Sigaw ni Ken kay Kayla. Buti nilang ay uunti lang ang mga taong nasa coffee shop kaya unti lang din ang nakakakita ng ganitong eksena.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon