ILYSM: Eighteen Point One

33 6 0
                                    

Eighteen Point One

*James*

Kinuha ko yung mansanas sa lamesa at agad kong kinagatan yun. Napaisip ako ng malalim sa sa kaganapan na nakita ko kanina.

Bakit magkakasama sila kanina? May pinag-uusapan sila nun, kaso hindi ko marinig dahil malayo ako sa kanila. Ayoko ko namang lumapit sa kanila dahil ayokong mabuko ako na sinusundan ko pala sya. I mean, matagal ko na syang sinusundan. Kahit alam kong malabo pang maging kami ulit.

Simula nung huling pagkikita namin sa event at nagka-usap kami ay umalis ako nun. Pero, hindi porket umalis ng ganun ay susuko na ako. Pinagbigyan ko lang sya sa gusto nya. Pero, kapag medyo umayos na ang sitwasyon ay lalapitan ko ulit sya at susuyuin ulit. At, sa pagkakataong bibigyan nya ulit ako ng chance ay hindi na ulit ako magkakamali at ipapangako ko yun.

Pero, hindi ko talaga alam kung bakit sila magkakasama nun at nag-uusap? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi sila magkakakilala. Except, kay Zeke at kay Sam na magkakilala na talaga. Si Alyssa na hindi ko alam kung bakit nya kilala yung dalawa. Ang hindi ko lang kilala sa kanila ay yung isa nilang kasamang lalaki.

"Saan ka galing, Son?" Nabigla akong nagulat sa pagbigla biglang pagsulpot ng isa nga babaeng pinamamahal ko, si Mom.

"Dyan lang." Kahit ano nalang ang una kong maisio ay yun nalang din ang isasagot ko. Tutal, kahit ano din namang sa sabihin ko ay hindi rin naman nya paniniwalaan, eh.

"Dyan lang o sinusundan mo parin si Sam hanggang ngayon?" Tignan nyo, hindi sya naniwala sa akin.

I sighed. Sabagay, hindi rin naman kasi kapani-paniwala ang sagot ko. Atsaka, anak nya ako at paniguradong alam nya ang ginagawa ko. Maraming connections si Mom kaya nya nalalaman kung anong ginagawa ko at kung saan saan ako pumupunta.

"Sinasabi na nga ba, eh. James, tigilan mo na yang pagsunod kay Sam. Wala ka rin naman mapapala dyan. I mean, Son, kahit ano pang gawin mo, ang mga magulang na ni Sam ang nagdesisyon na hindi na nila itutuloy ang kasal nyong dalawa. Wala nang kasalan ang magaganap." Sabi niya sa may buntong hininga.

"Kahit anong mangyari, susundan ko pa rin siya, Mom." Madiin kong sabi.

"Kahit makulong ka?"

"Makulong?"

"Nagfile sila sa korte ng temporary restraining order sayo at na-aprobahan na yun ng korte. Hindi ka pwedeng lumapit kay Sam. At, sa oras na mahuli ka nilang sinusundan siya ay makukulong ka ng dalawang linggo dun. Son, ayoko naman na makulong ka dun." Malungkot na sabi nya at napabuntong hininga naman ako.

"Wag kang mag-alala, mom. Hindi naman ako magpapahuli sa kanila." Sabi ko sabay lapag ng mansanas na hawak ko sa lamesa at saka umalis na kusina. Hindi ko na pinagsalita si Mom. Alam ko naman na pipigilan lang nya ako.

Buti sana kung sa susunod na linggo ay hindi matutuloy ang flight nya papuntang ibang bansa, magpapapigil ako. Pero hindi, eh. Gusto ko lang kahit saglit lang ay makita ko sya kahit hindi ko na sya makausap.

Paglabas ko ng kusina ay diretsyo rin akong lumabas ng bahay dala ang susi ng kotse ko. Agad akong pumunta sa kotse ko at sumakay sa loob. Agad kong ini-start ang kotse at pinaandar ito.

Habang nagmamaneho ako ay agad kong hinawakan ang phone ko. Binuksan ko ang map at may nagbli-blink na green na tuldok. Napangiti naman ako ng makita ko yun.

Nakita ko sa mapa na nanduon parin sila sa ospital na pagmamay-ari ng pamilyang Smith, which is, anak ng may-ari si Alyssa. Agad ko naman yun pinuntahan. Hindi naman ako maliligaw dahil may mapa akong dala.

Habang nagmamaneho ako ay may nakita akong isang pamilyar na kotse na nakaparking sa labas ng isang sementeryo. Kung hindi ako nag-kakamali kay Alexis yung kotseng yun. Ano naman ang ginagawa nya dito ng dis-oras ng gabi? Para dalawin si Tita(ang mom nya)? Pero, bakit ganitong oras?

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon