DIKY: Pang-pito

705 91 16
                                    

A/N: Guyth, sa chap na ito ay may malaking bahagi akong binago. Sorry kung binago ang 1/4 sa chap na ito, pero nandito parin naman ung pinakakwento, inimprove ko lang sya para mas feel na basahin sya. SALAMAT sa pag-iintindi ^__^

~~~

Pang-pito

*Melissa*

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng akong mga paa. Basang basa narin ako dahil sa lakas ng ulan.

Hindi ko makita ang daan dahil nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha kong ayaw tumigil sa pagwaldas ng mula sa mga mata ko.

Hanggang sa napagod ako. Napatakip ako ng mukha at nahinto sa paglalakad. Napaupo ako sa sahig, side walk, kalsada, lupa, ewan ko kung nasaan na ako. Hindi ko rin maramdaman ung inuupuan ko.

Namamanhid na ang mga paa, binti at hita ko. Sobrang sakit na nila dahil sa katatakbo ko, ayaw kong mahabol nya, ayaw ko syang makita pang muli. I hate him so much. I hate him dahil sa pag-iwan nya sa akin. Sa lahat nang sakit nang katawan ko, hindi nito mapapantayan ang sakit nang nararamdaman nang puso ko.

Bakit pa kasi sya bumalik? Matapos nya akong iyan, babalik nalang syang bigla. Argh !! And all this time, si MB at sya ay iisa lang na hindi ko man lang napansin.

Namamanhid na ang buong katawan ko sa sobrang sakit, hindi lang physical, emotional din, sobrang sakit nang puso ko at pati din ata ang ulo ko nakikisabay sa sakit nang buong katawan ko. Nanghihina ako kaya napatakip ako nang mukha. Nananakit na din ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko. Wala na bang hindi masakit sa akin?

Isang malakas na ingay ang narinig ko. Hindi ko mawari kung anong ingay yun. Kaya agad kong tinanggal ang mga kamay ko sa mukha at napatingin sa side ko kung saan nanggaling ang napakalakas na ingay.

Pagkalingon ko, nanlabo ang paningin ko dahil sa nakakasilaw na liwanag na unting unti naman ang pagbalik nang paningin.

Isang kotse papalapit sa akin ang nakita ko. Palapit ito nang papalapit at tinitigan ko lang ito. Bigla naman itong bumusina nang malakas at duon ko lang napagtanto na masasagasaan na pala ako.

Gusto ko sanang umalis sa kinauupuan ko, kaso hindi ko kaya. Hindi ko maigalaw ang mga paa, binti at hita ko. Sobrang manhid na sila.

Sapaglapit nang kotse sa akin. Unting unting bumabalik ako sa wisyo ko. Naririnig ko narin ang mga taong sumisigaw pero hindi ko maintindihan kanilang sinisigaw dahil sa iba't iba ang kanilang mga sinasabi ko.

At nakafocus lang sa kotseng papalapit ng papalapit sa akin. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata sabay ng muling pagbasag ng mga luha. Walang tigil ang pagwaldas nito sa aking mga mata

Nahihilo na ako. Hindi ko na kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong mahina ngayon. Masyadong lampa. Hindi ako ito. Hindi ito ang Melissa-ng kinatatakutan.

Eto na ba talaga ang katapusan ko. Eto na ba ang karma ko dahil sa ginagawa kong kab*tchesan sa mga hindi ko kaibigan.

Yan ang iinisip ko habang hinintay bumangga sa akin ang kotse.

Pero parang antagal naman bumangga sa akin, kaya binuksan ko ang mga mata at nakita ko ang isang kotseng nakatigil sa harapan ko. May dalawang tao akong nakita, pero ko alam kung sino sila dahil nanlalabo ang paningin ko, pagod na pagod na din ako at hilong-hilo na ako.

Hindi ko na kinaya, kaya napahiga na ako sa kalsadang inuupuan ko.

"MELISSA !!" yan ang huli kong narinig at nawalan na ako ng malay.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon