A/N: Guyth, sa chap na ito ay may malaking bahagi akong binago. Sorry kung binago ang 1/4 sa chap na ito, pero nandito parin naman ung pinakakwento, inimprove ko lang sya para mas feel na basahin sya. SALAMAT sa pag-iintindi ^__^
Warning: Medyo SPG
~~~
Walo
*Dos*
Kung iisipin nyo ung kalagayan ni Boss ngayon. Naawa ako sa kanya. Mas lalo pa nga akong naaawa sa kanya.
Alam kong masasaktan sya sa bandang huli. Hindi ako nega mag-iisip, pero kahit anong gagawin ko. Nandoon pa din yung sakit. Masasaktan at masasaktan pa din sya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Nandito pala ko sa rooftop ng isang building ng university na to, nakahiga sa sahig. Balak matulog. Walang magawa eh. Wala daw klase ngayon dahil may urgent meeting ang mga teachers.
Nahiga lang ako at nakapikit nang may narinig akong may pumasok pero hinayaan ko nalang. Mas gusto ko pang matulog kaysa pagkabahalaan kung sino man ang pumasok.
Naririnig ko naman ung yabag ng paa nya pero ako nanatiling nakahiga na nakaunan ako sa bag ko at nakatakip ang mata gamit ang braso ko.
Nahinto ang yabag ng paa at naramdaman kong umupo sya gilid ko.
"Hoy, gumising ka nga dyan. Alam kong gising ka pa" nagulat ako, sya pala yun, but nanatili parin ako sa pwesto ko. Nagkukunwaring natutulog, sa madaling salita nagtutulog-tulugan
"Gumising ka na nga!" Sigaw nya at niyugyog nya ako.
"Psh! Away mo bumangon ahh" sabi nya. Ginawa nya ang lahat para magising ako pero gising naman, paano kaya ako gigising?
Sa lahat ng ginawa nya. Hindi parin ako natinag. Ganun padin ang pwesto. Kinikiliti nya ako, pero eto pinipigilan kong matawa o gumalaw man lang.
Siguro napagod na sya kaya tumigil na.
"Ang hirap talagang gisingin ang nagtutulog-tulugan" sabi nya, napangiti naman ako dun
"Psh! Pangiti ngiti ka pa dyan. Bumangon ka na dyan" napasimagot ako pero hindi pa din ako nagalaw..
"Uyy !!—— WAIT—— EH KUNG....."
Ano nanaman ang gagawin nito? Eh halos gawin na nya ang lahat. Eh hindi parin ako natitinag.
".... HALIKAN KAYA KITA. HIHIHIHI" with that napabalikwas ako ng upo. Nakita ko sya na nakaupo at ngising ngising.
Sh*T! Alam ko ung mga ngiti nyang yan. Hahalikan nya talaga ako.
"Don't you dare or else—"
"Or else what?" Sabi nya na nang-aakit.
Sh*T! Ayoko nang mangyari ung nakaraan. Hinalikan nya ako dati. Hindi naman sa ayaw kong mahalikan ng babae pero etong babaeng to, kung makahalik, wagas, I mean— basta, ang wild nya! Hindi mo sya mareresist kapag nasimulan ka na nyang halikan. Malapit na kami nun sa kasukdulan, SOBRA! But buti nalang napigilan ko pa yung sarili ko. Kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko, baka may anak na ako ngayon at tatay na ako.
Nangyari yun nung hindi pa ako lumayas sa pamamahay namin—
Nagulat naman ako nga bigla syang gumapang papunta sa akin na nang-aakit.
Sh*T! Natetemp ako sa ginagawa nya. Pwede na ako ngayon kumanta nang 'Oh tukso, layuan mo ako'
Wag nyang sabihin na kahit dito kami, gusto nya pa din gawin ang gusto nyang mangyari.
BINABASA MO ANG
Do I Know You?
Teen Fiction[ C O M P L E T E D ] - [ T E E N F I C T I O N ] Date Started: 2014 Date Ended: 2016 [1st] Do I Know You? [2nd] May I Know Who You Are? [3rd] I Really Know You [4th] I Love You So Much Note: Sorry for typ...