ILYSM: Seventeen Point Two

48 6 0
                                    

Seventeen Point Two

"Lissa!" Sigaw ng isang binatang lalaki sa kawalan. Puro puti ang kanyang paligid. Wala syang ibang nakikitang kulay, kundi puti lamang. Pati ang kanyang suot ay puti din. Ang buhok lang nya ang itim ang kulay.

"Lissa!" Muli nyang sigaw sa babaeng hinahanap nya.

"Lissa! Nasaan ka?"

"Nandito ako, gummy." Nakarinig naman sya ng mumunting tinig. Kilala nya ang boses na yun. Kaya agad syang napalingon sa pinanggalingan ng tinig na yun. At, hindi nya sya nagkamali.

Nakita naman nya ang nagngangalang Lissa na babae. Nakatayo ito na hindi nalalayo sa kanyang kinatatayuan. Katulas nya ay nakaputi din itong dami at ang natatanging itim lang ay ang buhok ng dalaga.

Agad namang lumapit ang binata sa dalaga at niyakap nya ito ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ng dalawa, niyakap din sya ng mahigpit. Hindi rin nagtagal ang pagyayakapan nila sa isa't isa at bumitaw sila sa isa't isa.

"Natutuwa ako na sa wakas ay nahanap na kita, Lissa. Sa wakas, magsasama na tayo at hindi na tayo maghihiwalay." Sabi ng binata sa dalawa at hinawakan ang dalawang kamay nito. Ngumiti naman ang dalaga sa sinabi ng binata.

Napaiyak naman ang dalaga dahil sa tuwa na nararamdaman nya. Hindi nya ito macontain sa puso nya kaya napaiyak nalang sya. Agad namang binitawan ng binata ang dalawang kamay ng dalaga at hinawakan naman nito ang dalawang pisngi ng dalaga. Gamit ang dalawang hinalalaki ng binata ay pinunasan nito ang mga luhang nagwawaldas sa mga mata ng dalaga.

Matapos nun ay dahan dahang inilalapit ng binata ang mukha nya sa mukha ng dalaga. Ngunit, sa hindi inaasahang panggayayari ay nalalayo nalang sila sa isa't isa. Nagulat sila sa nangyayari. Hindi naman sila makakilos sa kinatatayuan nila para lapitan nila ang isa't isa. Parang may marami silang natapakan glue kaya hindi nila magawang maihakbang ang mga paa nila.

Napakalayo na nila sa isa't isa pero patuloy parin na lumalayo sila. Nang biglang may narinig silang dalawa na putok ng baril. Agad namang napatumba ang dalaga. At, napatingin naman ang binata sa pinanggalingan ng putok ng baril at nakita nya ang isa pang dalaga na may hawak ng baril na nakatutok sa kanya.

Agad syang napatingin sa dalaga na nagpapatibok ng mabilis sa puso nya na ngayon ay nadapang gumagapang na nakataas ang kang kanang kamay, na tipong gustong gusto syang abutin.

"ZEKE!"

~
*
Zeke
*

Napabangon ako bigla ng may tumawag sa akin. Napahawak naman ako sa ulo nang bahagya syang sumakit. Feeling ko one week akong tulog sa isang malambot na higaan na maraming unan na sobranh lalambot. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Tama nga ang hinala ko na nasa ospital ako ngayon.

I sighed. At, dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ulo ko. Kailangan ko nang umalis dito baka mahanap pa ako ni Ate Chloe at ni Doc. Sayang naman ang pagtakas na ginagawa ko sa tulong ni Mira kung mahahanap lang nila ako. Ayoko nang bumalik dun dahil alam kong ikukulong lang ulit nila at hihigpitan pa lalo ang pagbabantay sa akin.

Ibinaba ko naman ang dalawa kong paa sa sahig at nakaramdam ako ng lamig sa paa. Ininom ko naman ang nakita kong gamot na alam kong pampawala ng sakit ng ulo para naman maka-alis naman ako dito na walang iniindang sakit.

Bago ako umalis ng kwarto kung nasaan ako, napaisip ako. Paano ako makakaalis dito? Nasaan yung damit ko? Naka-hospital dress lang kasi ako at naka-boxer shorts lang ang tanging suot kong panloob. Hindi naman akong pwedeng lumabas ng ganito. Baka pabalikin lang nila ako dito. Ayt. Bahala na nga. Lalabas akong ganito. Kung pababalikin man nila ako, tatakbo ako.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon