Nineteen Point Two
*Author's POV*
"Alam ko kung nasaan na sila ngayon. Sa may...."
"Tumawag kayo ng ambulansya."
Kahit hindi alam ni Zeke kung saan makikita si Melissa at si Lex dahil tuluyan nang nahimatay si Daryl. Tumakbo parin sya palabas ng mini gate na sinundan naman sya ni Uno.
Takbo lang sya ng takbo at sinusundan pa din sya ni Uno, nang biglang nakaramdam sya ng sakit sa kanyang ulo.
Bakit ba laging wrong timing nalang ang pananakit ng ulo ko? Tanong nito sa kanyang sarili at napailing nalang. Nagpatuloy lang sya sa pagtakbo nang hindi alam kung saan sya pupunta. Ang alam nya lang ay kailangan nyang mahanap at mailigtas si Melissa bago pa mahuli ang lahat, at bago pa sya mamatay.
Nasa likod naman nya ay si Uno na sinusundan sya. Napapagod na si Uno sa kakasunod dito pero nang bigla nyang nakita ang isang napakalaking maze na kung saan ay duon ang punta ni Zeke aya agad nyang binilisan ang takbo nya para maabutan niya ito.
Nang maabutan nya ito ay hinablot nya agad ang braso nito upang matigil sa pagtakbo. Natigil naman sila sa pagtakbo at napaupo sa damuhan habang parehas silang hingal na hingal.
"Ano bang balak mo?" Hingal na sabi ni Uno kay Zeke.
"Susundan ko sila." Sabi nito sabay tayo at agad na naglakad papasok ng maze. Agad naman ding tumayo si Uno upang habulin si Zeke.
"Teka nga! Wag kang padalos-dalos. Hindi nga natin alam kung saan sila pumasok dyan, eh." Sabi ni Uno sabay turo sa tatlong pasukan paloob ng maze.
"Edi, iisahin kong pasukin lahat para mahanap ko sila." Simple at determinadong sabi ni Zeke.
"Nababaliw ka na ba? Kung iisahin mo yan lahat, mas lalo ka lang magtatagal sa paghahanap sa kanila."
"Wala akong paki--"
"Hindi mo ba naiintindihan, Zeke." Napakunot ang noo ni Zeke sa sinabi ni Uno. Alin ang hindi nya maintindihan sa nangyayari ngayon?
"Hindi lang ikaw ang naghahanap kay Melissa. Nandito din kami. May malasakit rin kami kay Melissa, hindi lang ikaw. Mahal din namin si Meliss--"
"Mahal nyo rin o mahal mo rin?"
"P're, hindi ako sumama sa paghahanap kay Melissa para makipagkumpitensya lang sayo."
"Hindi nakikipagkumpitensya? Eh, halos angkinin mo na si Melissa sa mga kwento mo kanina tungkol sa inyo. Hindi mo naman ganun sya kakilala. Mas kilala ko sya kaysa sayo. Mula, bata palang magkakilala at magkaibigan kami. Eh, kayo--"
"Kanina ka pa, ah. Alam mo, kung wala ka lang sakit, kanina pa basag yang pagmumukha mo." Sabi ni Uno sabay duro nito sa pagmumukha ni Zeke. Hinawi naman ito ni Zeke ng malakas.
"Basagan ba ng mukha ang gusto mo? Sige ba! Para magka-alaman narin tayo." Maangas na sabi ni Zeke at humanda na akala mo at susugod sa laban.
"Wala akong panahon makipagbasagan ng mukha sayo. Sayang ka lang sa oras, wala ka naman kasi panama sa akin. Baka isang suntok ko lang tulog ka na. Psh!" Sabi ni Uno at tinalikuran si Zeke. Pero, agad namang hinakawan ni Zeke ang balikat ni Uno at saka ito sinapak sa mukha.
Napamura naman ng mahina si Uno at napaupo sa damuhan sa lakas ng suntok sa kanya ni Zeke.
"Sino ngayon ang isang suntok lang tulog na agad?" He smirked.
Hindi gustong patulan ni Uno si Zeke. Alam nyang mas malakas sya dito. May sakit si Zeke, at kapag pinatulan nya ito ay mas lalo pang lumala ang kalagayan nito. At, alam nyang hindi matutuwa sa kanya si Melissa kung papatulan si Zeke. Oo, inaamin nya na nakikipagkumpitensya kay Zeke. Pero, wala naman syang balak na kuhain si Melissa kay Zeke, dahil kahit anong gawin nyang pakikipagkumpitensya, lagi syang talo.
BINABASA MO ANG
Do I Know You?
Teen Fiction[ C O M P L E T E D ] - [ T E E N F I C T I O N ] Date Started: 2014 Date Ended: 2016 [1st] Do I Know You? [2nd] May I Know Who You Are? [3rd] I Really Know You [4th] I Love You So Much Note: Sorry for typ...