DIKY: Pang-una

1.8K 108 56
                                    

Pang-una
*Melissa*

"Sam, nasaan na yung bagong issue ng magazine ni MB, yung 'Do I Know You' ?" Excited na sabi ko kay Samantha, Sam for Short. My childhood friend slash best friend slash partners in crime slash kasama ko sa lahat at katulong ko sa lahat ng kab*thchesan namin. Wag na kayong umanggal dahil lagot kayo sa akin.

"Eto na po, madam. Ibibigay ko na po, excited ka lang girl, relax ka lang." Sabi ni Sam sabay labas ng dalawang copy ng 'Do I Know You' Magazine, sabay ung isa ay ibinigay sa akin.

"Ang gwapo talaga ni MB. Sya na talaga, kasing edad lang natin sya at model na agad sya." Sabi nya na parang kinikilig. Akin lang si MB no, kaya naman ay binatukan ko nga sya.

"Aray ko naman girl. Oo nga, gwapo sya, hindi ko naman sya type no! Kaya sayong sayo na sya"

"Good!" Sabi ko naman sabay buklat ng magazine ni MB, nang may bumangga sa amin.

"WHAT THE--!" Sabay sigaw namin ni Sam

Paano ba naman kasi may bumunggo sa amin. Anong akala nyo sa akin? Ako ang bumungo? NO WAY! Para sabihin ko sa inyo na hindi ako tanga para mabunggo o matapilok or what? May mata kaya ako at ginagamit ko iyon.

ARGH! Yung damit kong bagong bili natapunan ng shake. Ang lagkit, EWW!

And WHAT THE! Yung magazine ni MB. ARGH! Humanda sila sa akin-- este sa amin. May kasalanan silang dapat pagbayaran.

"Sorry!" Sabay ba sabi nila. Actually, dalawang babae sila. Ngayon ko lang sila nakita dito, transferee(s)?

"SORRY? WHAT THE--? Hindi nyo ba alam kung magkano tong damit namin at magazine na ito. Sa tingin nyo ba mababayaran ng sorry nyo itong ginawa nyo sa amin? HINDI! Mas mahal pa to sa mga buhay nyo." Sabi ni Sam sa kanila na ngayon ay kulang nalang ay sabunutan niya itong dalawa.

"Sam, Let me handle this." Sabi ko kay Sam at ngitian ko yung dalawa. Masyado na kasi kaming pinagtitinginan nang mga estupidyante, akala mo naman nag-aaral ng mabuti.

"So, bago lang kayo dito. A transferee, I guess?" Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanila. Argh! Sino ba ang makakangiti sa mga pagmumukha nila. It's so disgusting, a nerd and a clown. Psh!

"YES" sabi nila ang sabay at inirapan ko lang sila.

"BTW idiots-- I mean girls, dahil bago lang kayo dito. May ibibigay ako sa inyo." Sabi ko at hindi nawawala ang pilit na ngiti sa mga labi ko, nakakangawit na nga eh.

"Ano nama--" I cut her at inilabas ko naman ang isang chocolate syrup sa paper bag na dala ko. I don't know, kung bakit nya kami pinadala nito. Cake decoration? Nope. Btw, she is an English Teacher. So, I guess hindi naman ito kailangan kaya ibibigay ko nalang sa kanila to.

"This! Hindi naman namin to kailangan, kaya ibibigay nalang namin sa inyo. Sayang naman kung itatapon lang namin to, diba Sam?" I said casually at inirapan nya lang ako. Aba't hindi man lang ako suportahan.

"So here, kunin nyo na." Sabi ko sabay hawak sa may takip at unting-unti itong buksan, syempre hindi pinahalata.

Aabutin na nung isa. Sige lang, abutin mo lang sa akin. I know you'll be surprised. At nang mahawakan na nya. Pinisil ko ung lalagyan. And GUESS WHAT? Puno ng chocolate ung mukha nya. Hahahaha. Nakakatawa. Hahaha.

Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. This is my simple revenge. Simple palang yan ah. May mas malala pa, pero dahil bago lang silang dalawa, simplihan lang muna natin.

Naawa naman ako doon sa isa. Wala pa syang chocolate eh, kaya ang natirang laman ng bottle ay ibinuhos ko sa ulo nya.

"Masarap no? Imported yan. Mayayaman lang ang nakakatikim niyan katulad namin at dahil nga mabait ako ngayon, pinatikim ko sa inyo. Pang-welcome narin namin yan sa inyo. So, I guess you'll be enjoy your entire life in this precious school." Sabi ko sabay talikod sa kanila. Nakakasawa na kaya yung mukha nila.

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon