MIKWYA: Pito

372 55 6
                                    

A/N: Guyth, sa chap na ito ay may malaking bahagi akong binago. Sorry kung binago ang 1/4 sa chap na ito, pero nandito parin naman ung pinakakwento, inimprove ko lang sya para mas feel na basahin sya. SALAMAT sa pag-iintindi ^__^

~~~


Pito

*Melissa*


Here I Am. Nasa railings ng rooftop ng isang building dito sa university.


Kung tinatanong nyo kung bakit nandito ako sa rooftop. Wala lang, trip ko lang I mean puro sa garden nalang ako tumatambay. Para maiba lang.


At isa pa, ayoko makita si Zeke sa garden, I mean madalas din kasi dun si Zeke, parang laging may hinahanap.


Isa yun sa reason ko kaya ako nandito. Diba nga nag-mo-move ako? Kapag nakikita ko sya, nasasaktan lang ako.


Napabuntong hininga naman ako. Bigla namang lumakas yung ihip nang hangin. Napapikit ako at dinama ko yung hangin na dumadampin sa akin. Ang sarap ng hangin. Nakakarelax.


Tumingala ako. Ang ganda ng langit. Ang aliwalas, maraming ulap pero hindi naman makulimlim na parang uulan, basta ang ganda ng kalangitan.


Bigla ulit lumakas ang hangin kaya naman habang nakatingala ako ay nakapikit ako at dinama ulit ang malakas na hangin.


Nasa ganun lang ako posisyon nang biglang may nagtakip ng mata ko.


Agad ko nang hinawakan ung kamay ng kung sinong nagtakip ng mata ko, makakalitikim sya sa akin. Pilit kong tinatanggal ang pagkakatakip nya sa mga mata.


Pero sa laki ng kamay at tindi ng pagkakatakip. Hindi ko matanggal.


"Hey" sigaw ko and I heard someone chuckled, dahil dun, nakilala ko na sya.


"Tanggalin mo nga yang kamay mo Uno" utos ko sa kanya.


"Panu kapag ayaw ko?" Pang-asar nya habang yung kamay nya ay nakatakip parin sa mga mata ko


"Baka nakakalimutan mo na may rules may mga bagay na off limits ka."


"Hindi naman to kasama sa rules mo, kaya oka--"


"And rule#4 - bawal mong takpan ang mga mata ko."


"Ang daya naman nun. Lahat nalang off limits ako."


"Tatanggalin mo ang kamay mo sa mata ko or I will kick your---" I said at bigla naman nya naman tinanggal yung kamay nya sa mata. Psh!


Humarap ako sa kanya pero nanlalabo ang paningin ko. Ang higpit ba naman ng takip nya sa mata ko eh?


Kaya pumikit ako ulit ang mga mata ko at kinusot ang mga mata ko.


Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon