ILYSM: Eleven Point One

42 8 0
                                    

Eleven Point One

*Tres*

Yawn~~

"Tres, sige magpahinga ka muna. Kami muna dito."

"Sige, salamat, kuya." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

He sighed. At ngumiti sya sa akin. Matagal-tagal na din ng huling beses ko syang tinawag na kuya. Years na din na ata ang nakakalipas. I think the day before our graduation ng 4th high school ko huling beses ko syang tinawag na kuya. Napailing nalang ako at ngumiti nalang din.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko. Grabe ang pagod ko kahit nakaupo't nagtitinda lang ako. Hindi rin naman biro ang magtinda. Hindi ka naman laging nakaupo at nagbabantay. Dapat kapag may dumating na costumer ay agad kang tatayo at aasikasuhin mo sila. Ang nakakainis lang ay inasikaso mo na sila pero hindi naman pala bibili, nagpagod ka lang. Pero syempre dapat pagtimpian ang mga costumer para walang away na magaganap.

Naglibot ko muna ang buong parte ng damitan. Nandito kasi ang isang stall namin. Bale, sa bawat parte ng tiangean ay may tig-iisa kami stall. Ganun din naman ang ibang University. At dahil nandito naman na ako sa damitan, eto muna ang lilibutin ko.

Gabi na, siguro 7 na nang gabi pero ang dami pa ding bumibili. Patagal ng patagal, padami at padami pa din ang nabili. May mga matatanda, mga bata, mga kabataan, basta ang madami, yun na yun.

Habang naglilibot ako, nakita ko ang isang batang lalaking umiiyak na nasa isang sulok. Agad ko naman itong nilapitan, baka naliligaw sya dahil sa dami ng tao.

"Bata." Sabi ko dito nang makalapit ako. Pero hindi man lang sya tumingin sa akin. Patuloy parin syang umiiyak. Kaya umupo ako para maging magkapantay kami.

"Bata." Ulit kong sabi sabay hawak ko sa dalawang balikat nya. Nagulat naman sya at agad na tumingin sa akin. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan nito. Basang basa ang mukha nito dahil sa kakaiyak. Kaya agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa ko at ibinigay sa kanya para mapunasan ang mukha nya.

Tinitigan lang nya ito at mas lalo pa itong umiiyak. Nataranta naman ako dahil baka isipin ng ibang tao na inaway ko yung bata, na pumapatol ako sa bata. Napalunok tuloy ako.

"B-bata, w-wag ka ng umiyak. Sige ka, papangit ka kapag hindi ka tumahan." Napabuga ako ng hangin dahil agad naman ito tumigil sa kakaiyak. Pero patuloy parin nagsisilabasan ang mga luha nito sa mata at halatang pinipigilan nya ito.

"Kuhain mo to, para mapunasan yung mukha mo. Para hindi ka na maging pangit at maging gwapo ka katulad ko." Sabi ko at agad naman nyang kinuha yung panyong hawak ko at pinunsan nya ang mukha nya. Natuwa naman ako sa kanya dahil ayaw nyang maging pangit. Naalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya noon.

'Hoy! Tres, tumigil ka nga kakaiyak. Tignan mo yung mukha mo ang pangit na.'

'Waahh! Sabing hindi ako pangit eh.'

'Atsaka, ang lalaki, hindi agad umiiyak dahil nadapa lang at nagsugat. Dapat pinapakita mo na matapang ka. Kaya ka binubully ng mga kaklase mo dahil iyakin ka. Buti nalang lagi akong nanduon para iligtas ka. Kung hindi, nasa clinic ka nalang palagi.'

Napailing ako ng maalala ko yun. Si Dos ang laging tagapagligtas ko nun. Sya ang umaayaw sa mga nangbubully sa akin noong bata pa kami. Yun nga lang, kapag lagi nya ang inililigtas, lagi naman syang napupunta sa guidance office noon. At kapag hindi naman nya ako naliligtas, nasa clinic naman ako palagi.

"K-kuya, salamat." Sabi nya at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

'Ang lalaki, hindi dapat yakap ng yakap sa kapwa nya lalaki. Hindi magandang tignan yun, dahil sa paningin ng iba, bakla ang yumayakap sa kapwa nya lalaki.'

Do I Know You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon