Seven
*Melissa*
"Ayusin mo nga yang mukha mo? Wag pang digma."
"Huh?"
"Sabi ko, wag kang masyadong mag-alala kay Zeke. Lagnat lang yun. Gagaling din yun."
I sighed. Tama sya. Gagaling din naman si Zeke. Masyado lang akong nag-aalala sa kanya.
Tinignan ko naman si Zeke na nakahiga sa kama dito sa clinic. Sabi nang nurse, wag daw akong masyadong mag-alala dahil sa ilang araw nya dito sa loob nang clinic. Mabilis daw ang recovery nya.
"Girl, ano ba? Tulala ka nanaman." Sabi nya sabay hampas sa balikat ko. Nakuha naman nya yung atensyon ko.
"Alam mo kaysa nagmumukmok ka dyan ay mamasyal kaya tayo ngayon." She smiled at me.
"Alam mo namang kagagaling ko lang sa mall."
"Ay, oo nga pala. Edi, tumulong ka nalang sa paggawa nang project ng University nyo."
"Nagawa ko na ang lahat ng task ko dun at pagod na ako."
"Eh, anong gagawin mo? Tutunganga lang dyan at hihintayin gumaling si Zeke." Sabi nito at tamad na tamad akong tumango.
"Girl, sa tingin mo ba matutuwa si Zeke kung ga--"
Hindi nya natapos yung sasabihin nya nang biglang magring yung phone nya. Actually, kanina pa may tumatawag sa kanya. Hindi nga lang niya sinasagot.
Katulad kanina ay tinignan nya lang yung phone nya hanggang sa tumigil itong magring. Kapag titignan ko naman yun ay agad naman nyang pinapasok yun phone nya sa pouch nya.
"Sino ba yan at kanina pa tawag nang tawag? Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang yun. Mga kaibigan ko lang yun. Makukulit lang kaya taw--"
"May problema ka ba?" Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Actually, kanina pa ako tanong nang tanong at yan nalang ang palagi nyang sagot. Hindi ko narin napigilan na magtanong nang ganyan.
"P-problema? Naku, girl, wala akong proble-ma." Sabi nya. Napansin ko namang nilalaro ng mga daliri nya yung keychain na nasa bag nya.
"Alam mo, girl, kilala kita." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Ganyan si Sam, kapag hindi makapakali ay hindi nya mapigilang laruin ng kamay yung mga bagay na malapit sa kanya.
"Pero naiintindihan kita, girl. Kung ayaw mong sabihin, okay lang sa akin. Pero kung hindi mo na kaya, nandito lang ako. Magbestfriend tayo, wag mong kakalimutan yan." Sabi ko at nginitian nya lang ako.
"So, ano palang pinapunta mo dito? Kung pera ang problema mo. Naku! Hindi mo ako maaasahan dyan. Pumunta ka nalang dyan sa may kanto at mamalimos ka. Madami ka pang makukuha." Sabi ko to enlighten up the atmosphere.
"Ikaw kaya ang pinunta ko, hindi pera." Sabi nito sabay irap.
"Kikiligin na ba ako? Pero, naku, girl. Malala na yan. Tigil-tigilan mo na yan. Masama yan sa kalusugan."
"Che!" Sabi nito sabay pout.
"Wag kang gumanyan. Hindi bagay sayo. Mukha kang kuhol."
"Shut u--"
"Ugh!"
"Ano yun? Ikaw ba yun?" -- siya
"Bakit ako? Bakit naman ako uungol nang ganung kalakas?"
"Uhm..."
"E-eh, si-sino naman yun?" Shocks. Sino kaya yun?
"W-wag mong s-sabihin na....?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Do I Know You?
Teen Fiction[ C O M P L E T E D ] - [ T E E N F I C T I O N ] Date Started: 2014 Date Ended: 2016 [1st] Do I Know You? [2nd] May I Know Who You Are? [3rd] I Really Know You [4th] I Love You So Much Note: Sorry for typ...