Kath's POV
Hey everyone! Kakagising ko lang at nagre-ready na ako ngayon para pumasok sa school. At syempre pagkatapos ng morning rituals ko, pumunta na rin ako sa dining table para magbreakfast.
"Good morning!" bati ko kay mama.
"Good morning din, nak! Kain ka na." balik na bati naman sa akin ni mama at inaya na akong umupo sa tabi niya.
"Okay po!" sagot ko bago umupo at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato ko.
"Nga pala, tumawag si Julia kanina dito. Sabi niya sabay na daw kayong pumasok. Susunduin ka na lang daw niya." pamamalita sakin ni mama na ikanatango ko naman.
"Ohh~ sige po." nakangiting sagot ko naman bago inubos na ang pagkain ko.
*beep beep*
Sakto namang katatapos ko lang kumain ng dumating na ang van nina Julia. Agad naman akong tumayo at lumapit kay mama.
"Una na po ako Ma." paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Alright. Ingat kayo." nakangiting ani naman niya bago sinimulan ng ayusin ang lamesa.
Pagkalabas ko sa bahay, nakita kong papalabas pa lang si bes sa sasakyan nila. Kumaway naman ako ng magtama ang tingin naman.
"Lika na Bes!" nakangiting aya niya sakin at pinauna akong sumakay bago siya sumunod sa tabi ko. On the way, naikwento rin sakin ni Juls na nasabihan niya rin ang barkada na pumasok ng maaga ngayon.
Nang makarating na kami sa school, nakita naman na agad namin ang barkada kaya nagsimula na kaming magbatian.
"Good morning!" sabay na bati namin ni bes.
"Good morning din!" balik na bati naman ng barkada samin.
"Tutal, napakaaga pa naman, tara at doon muna tayo sa green house." yaya ni Neil sa amin na sinangayunan naman naming lahat.
"Sige! LEGGO NA!" ani ni Kiray at pumunta na kami dun sa tambayan.
Nang makapasok sa gren house ay may nakita kaming grupo na nakatambay dun. Napataas naman ang kilay ni Kiray nang makita niyang mag nakaupo rin sa upuan niya. Agad naman akong lumapit sakanya at inilagay ang kamay ko sa balikat niya bago nagsalita.
"Ahmm. Excuse me?" panimula ko. "Nandito kasi kayo sa tambayan namin ng tropa ko." pagpapatuloy ko ng may mga ngiti sa labi.
"May pangalan ba? Bat nang aangkin ka?" irap na sabi sakin ng babaeng maputi sa tono ng pang-aasar. Okay, mukhang hindi mapapakiusapan ng maayos tong mga to ah?
"Hindi ko to sinasabi lagi pero ako lang naman ang anak ng may ari ng school na to. At siguro naman, that being said, may karapatan akong magkaroon ng sarili kong territory inside this campus." nang matapos ako ay may ilan na sa kanila ang medyo nag-alangan nang makipag-diskusyon samin.
"And so? Share mo lang?" halatang kinakabahang banggit ng katabi nung maputing babae.
"And so, I have my rights then para paalisin kayo dito. Ano? Aalis ba kayo dito ngayon, o hihintayin niyo pang pakaladkarin ko kayo papalabas?" gigil kong ani.
Inirapan nalang ako nung mga babae sa kanila pero nagsimula narin naman na silang magsitayuan para umalis na. Kasunod narin yung mga boys. Although nagmouth sila ng sorry sa mga ginawang pagsasagot nung mga babaeng kasama nila kanina na tinanguan ko naman bilang pagsagot.
Nang makaupo na kami sa mga pwesto namin, ay binasag na agad ni Neil ang katahimikan. "Hahahaha! Epic yung mga mukha nung mga babae kanina nung nalaman nila na ikaw yung anak ng may-ari ng school" natatawang ani niya na ikina-iling ko na lang habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...