❤ Magical 3 ❤

19.1K 365 10
                                    

Kathryn's POV

Good morning everyone! Wednesday, at 3rd day na sana namin sa school kaso sabi ni mommy, half day daw muna kami ngayon kasi may iaannounce pa raw siya sa mga staffs about something.

At heto na ako ngayon at pababa na sa living room mula sa room ko. Sasabihin raw kasi sakin ni mommy ang ibabalita niya sa mga school staffs bago siya umalis.

"Good morning, mom!" bati ko sabay halik sa pisngi niya ng makita ko siya. "Good morning din anak!" balik na bati naman niya.

"Ah, ano nga po pala yung iaannounce niyo?" tanong ko habang inaayos ang medyo magulo kong buhok. Just woke up lang kasi ang peg ko.

"Yun nga nak, balak ko sanang gumawa ng major revisions sa way ng pagcoconduct ng school natin ng classes." Panimula ni Mommy.

"What do you mean by major revisions po?" takang tanong ko.

"As you know, hindi iba ang way ng pamamalakad natin sa mga ordinary or normal schools dito sa bansa natin. Eh, obvious naman na we are nowhere near an ordinary school kaya naman napagdesisyunan ko na gawing half day na lang ang regular class niyo. " page-explain niya.

"Kung ganoon po?"

"Kung ganoon, ang afternoon class niyo then ay ilalaan na lang sa pagt-train niyo ng kanya-kanya niyong mga powers." Pagpapatuloy niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko dahil medyo Malabo pa rin bwahaha sorry at slow.

"For short, sa morning session, magkaklase kayo ng kung ano man ang usually na tinetake niyo bilang high school students, which then includes your core subjects like math, science, etc., and as for your afternoon session naman, magt-train kayo to improve or better yet, master your given powers. Which is very vital sa inyo, given na dalawang powers ang aaralin ng mga kaibigan mo. Lalo na sayo na may tatlo."

Napatango-tango naman ako sa explanation ni Mommy. "Edi ibig sabihin po may mga teachers na naka-assign sa particular powers? Like for example po, isang teacher na for Fire students lang?" tanong ko.

"Possibly, dahil more than anyone else, hindi ba at mas maganda kung kapareha ng mga powers ng students ang powers ng magtuturo sa kanila?" sagot ni mommy. *Beep**Beep*

Napalingon naman kami ni Mommy sa may pintuan, nang makita namin ang driver namin na naghihintay na pala kay Mommy. Bumalik naman ang tingin sakin ni mommy at nagpaalam. "Sige nak, nakahanda na nga pala ang breakfast mo sa kitchen. Sunod ka na lang sakin sa school after. Mauuna na ako." Ani niya at hinalikan ako sa pisngi.

Tumango naman ako at ngumiti, "Sige po, ingat po kayo."

----

Pagdating ko sa school ay nakasalubong ko na agad ang barkada. "Hi Kath!" paunang bati nila sakin. Napangiti naman ako at bumati rin pabalik. "Hey guys!"

As usual ay naka-cling na agad sa braso ko si Juls after naming magbeso. "Nga pala bes! Ang astig naman ni tita, may pa-half day na event." Ani niya at tumawa.

"Hahaha! Well~ bongga talaga eh." Nasabi ko na lang.

"Ngayon na naisip ko, makakaya kaya natin yun? I mean dala-dalawa powers natin diba. Paano yun?" tanong ni Yen.

"Naman sis! Wag masyadong nega. Baka nakakalimutan mong bestie natin ang anak ng may-ari ng school. We are in good hands. Hahaha! Diba Kath?" Biro naman ni Kirs.

Napa-iling naman ako at natawa nalang. "Hay nako, Kiray." Nasabi ko nalang.

Pagkatapos ng usual kulitan namin ay pumunta na kami sa bago naming tambayan na mala-garden lang ang peg, green house kasi. Habang naghihintay ng cookies na binebake nila Yen at Julia, naisipan kong tawagan si mommy para tanungin kung ano mangyayari sa amin, at sa schedule namin particularly.

"Hello, mommy?" pagbati ko.

"Hello, Chandria? May problema ba?" tanong ni mommy.

"Paano po mangyayari sa schedule ng royalties? Nailabas na po kasi yung schedule para sa mga may Fire, Water, Earth, at Air, pati na rin po yung may mga special powers like Telekinesis and etc. pero medyo torn po kami sa kung saang class po kami sasama." Pagbabahagi ko ng concern namin.

"Ah, about that. Hindi ba lahat ng mga kasali sa Enchanted ay royalties?" pagco-confirm ni Mommy.

"Yes po. Bakit po?" sagot ko.

"Paparating na siguro siya. Iisa lang kasi ang magtuturo ng powers niyo sa inyo." Pagpapatuloy ni mommy.

"Po? Ibig po bang sabihin nun ay meron siya ng lahat ng powers namin?" shookt na tanong ko.

"Yep! And actually, she is a very close friend of mine, I'm sure madali niyo lang siyang makakasundo. Makikilala niyo rin siya later. For now, nasaan ba kayo? Para puntahan niya nalang kayo diyan mamaya." Ani ni mommy.

"Nasa green house po kami sa may bandang likod ng campus." Sagot ko.

"Okay, hintayin niyo na lang siya riyan."

"Sige po, salamat Mommy!" pagpapasalamat ko. "Okay~" huling banggit ni mommy bago ibinaba na ang tawag.

"Kumusta, Kath? Ano raw sabi ni tita Min?" tanong ni Diego nang mapansin na tapos na ang tawag. Ngumiti naman ako ni-gather ang barkada para sabihin ang good news.

"Hey guys, so nakausap ko si Mommy at sabi niya sakin, hintayin nalang daw natin dito ang teacher na naka-assign satin." Panimula ko.

"Natin?" tanong ni DJ.

"Yep. Isa lang daw kasi magtuturo sating lahat." Pagbibigay alam ko. Nakatanggap naman ako ng sari-saring reaction.

"Ang lupet naman! Siguro napakagaling ng teacher natin. Andami kaya nating powers. To think na iba-iba pa ha." Ani ni Juls.

"Korak ka diyan girl!" pagsang-ayon naman ni Kiray.

Naputol ang usapan namin ng biglang may napansin kaminmg babae na papalapit sa amin. "Ah, excuse me? Kayo ba ang mga student royalties?" nakangiti niyang tanong samin.

Tumango naman ako at lumapit sa kanya. "Kami nga po. Kayo po ba si Ms. Maricar Reyes?" tanong ko. Na itinango naman niya.

"Ma'am, bakit ang bata niyo pa po?" tanong ni Yen. Nangingiti naman umiling si Miss. "Hahaha! Naku, hindi lang halata."

"Ohh~ nga po pala, kung kayo po ang magtuturo sa amin, ibig sabihin po ba nun na marami kayong powers?" sunod na tanong naman ni Neil.

"Yup! At balita ko, may dalawa rin dito sa inyo na may kakaibang kapangyarihan raw? Electricity at Ice?" ani ni Miss.

"Kami po ni DJ. Sakin po ang Ice at Electricity naman po ang kanya." Kwento ko. "Tungkol nga po pala sa Ice powers, possible po ban a may ganoon talagang powers?" pagpapatuloy ko.

"Super rare ang power na yun pero hindi naman ibig sabihin na impossible nang magkaroon ng ganun. Base rin sa mga naaral at nalaman ko, karamihan sa mga may Ice na powers ay merong water din. Although syempre hindi naman ibig sabihin na if may water powers ang isang tao ay guaranteed nang magkaka-ice powers na siya. As I have said, it's really a rare case." Kwento ni miss.

Napatango-tango naman kaming lahat sasinabi ni miss. "So!" panimula ni miss. "Start na tayo sa practice niyo?" banggit niya.

Excited naman kaming napatango. "Yes miss!"

"Okay! So bago tayo magsimula, gusto ko munang malaman ang mga paunang kakayanan niyo sa ngayon. No pressure, dahil hindi naman to graded. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan na ang kaya niyo. So showcase your powers guys, be proud!" paglift up ni miss sa mga confidence namin.

"Magstart muna tayo kay.."

-------------------------

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng story kong nito. I love you all!

VOTE, COMMENT, and FOLLOW me. :*

Magical Academy [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon