Kath's Point of View
2nd day na ng school namin, at nandito ako ngayon sa may garden ng bahay namin, hinihintay ang barkada. Si Neil daw kasi ang magsusundo samin para sabay-sabay na rin kami pumasok.
Habang naghihintay, naisip kong magpractice muna ng powers ko sa water. Kinocontrol ko yung tubig galing sa pond namin at gumagawa ako ng water ball.
Kaso habang tumatagal, yung water ball na ginagawa ko biglang nagsolidify at unti-unting naging bola na gawa sa yelo. Sa sobrang pagkabigla, napatakbo ako ako pabalik sa bahay para ibalita kay Mommy ang nangyari.
"Mommy!" Bati ko agad ng matagpuan ko si mommy sa kitchen.
"Oh, bakit anak?" Gulat na tanong niya.
"Mom, tingnan niyo po ito oh!"
"Hm, san mo naman nakuha yang yelo?" takang tanong niya uli.
"Eh kanina po kasi, habang nagpapractice ako gumawa ng water ball, bigla nalang pong naging yelo." Kwento ko. Napaisip naman si mommy.
"Baka nag-evolve yung powers mo.." banggit niya.
"Bwahhaha parang pokemon lang?" biro ko.
Napatawa naman saglit si mommy. "Bakit? Nothing's impossible, especially na we live in the world where magic exists, although hindi siya common, pwedeng nag-evolve nga ang powers mo, nak. Well, depende na lang kung may ibang gumawa ng yelo. May kakilala ka bang may powers ng ice?" tanong nya.
"Wala naman po." Iling ko naman.
"Hm. Sige, sa susunod na lang na mangyari uli yan, sabihin mo agad sakin. Magtatanong-tanong rin ako sa mga kakilala ko kung may kakilala ba silang may ganito ring nararanasan." Bilin ni mommy. Tumango naman ako at ngumiting sumagot ng "Okay po!".
*Beep**Beep*
"Ah, mommy! Mukhang nandiyan na po ang barkada. Maauna na po ako" paalam ko kay mommy at humalik sa pisngi niya.
"Okay, kita nalang tayo sa school. Ingat kayo!"
------------
"Hey guys!" excited kong bati pagkapasok ko pa lang sa van.
"Hi Kath!" balik na bati naman nila. Pagsakay ko, sinara ko na rin ang pinto given na ako na rin ata ang kahuli-hulihang susunduin nila.
Agad namang kumapit sa braso ko si Julia nang makaayos na ako ng upo. "Hahaha! Miss mo na ako agad bes?" biro ko pero mas lumapit pa ako sa kanya.
"Hmp! Ikaw din naman eh! Hahaha miss ako." Asar niya pa at dumantay sa balikat ko. Napadaan saglit ang tingin niya sa may bandang leeg ko at medyo nagstay doon ang mata niya.
"May problema ba, Juls?" tanong ko.
"Bes, parang bigla ata nagbago ang kulay ng necklace mo?" takang tanong niya.
Napatingin naman ako agad sa kwintas ko dahil sa sinabi niya. At napansing nagbago na nga ito. Aside sa Blue and Red, nadagdagan na rin siya ng Light Blue.
Naalala ko naman bigla yung nangyari kanina sa may garden. "Omg bes, feeling ko tatlo na powers ko." Shookt na chika ko sa kanya.
"Light blue?" takang tanong niya pero kitang-kita pa rin sa expression niya ang excitement.
"Ice." nakangiti ko namang sagot.
"Omg! Bes, ikaw na talaga! Hindi ka na nakuntento sa Fire and Water, nadagdagan pa ng Ice! Hahaha!" bati niya. "Shh!" pagtatahimik ko naman sa kanya sabay tawa .
"Oh sige, kami na ang out of place." Sabi ni Yen na nakaupo sa likuran namin ni Juls.
"Wag kang mag-alala Yenbabes, sa mundo ko di ka maa-out of place." Hirit naman ni Neil while driving. Hahaha! Napuno naman ng "Yiieee" at "Kekeleg-keleg nemen" ang van.
"Che!" react nalang ni Yen na nagpatawa naman saming lahat. "Kaya nga, ano nga ba yang pinagbubulungan niyo diyan ni Juls ha, Kath?" balik na tanong naman ni Kiray.
"Secret!" sabay naming sagot ni bes at nagtawanan. Napa-iling nalang ang tropa sa kabaliwan namin.
Pagkatapos ng ilang inuto ay narating narin namin ang school. Pagkababa naming, as usual nasa amin na naman ang atensyon. Pero compared sa dati, mukhang mas maraming girls na ang nakatitig. Napa-iling nalang ako at napatingin kina DJ at Diego, paano ba naman, instant heartthrob agad ang dalawang to.
Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sakin. Napatingala naman ako para matignan kung sino ng magsalita siya. "Kath, baka matunaw na niyan si DJ." Asar ni Neil sakin.
"Huh?" nasabi ko na lang. Omg! Di ko narealize na nakatitig rin pala ako sa kanya. Namula naman ako sa pagkapahiya. "H-heh! Hindi ko siya tinititigan no. Napadaan lang ang mata ko sa kanya." Pangangatwiran ko naman na tinawanan ni Neil.
"Hahaha! Weh? Eh bat ka defensive?" pagpapatuloy niya pa rin sa pangangasar. Inirapan ko nalang siya at di na sumagot na mas lalo niyang kinatawa.
Di sinasadyang napabalik ang tingin ko sa lalaking pinaguusapan namin. Nagulat na lang ako ng makitang mukhang kanina pa siya nakatingin sa gawi namin ni Neil. Agad ko naman itinaas ang kilay ko sa kanya para hindi niya mafeel na affected ako sa titig niya.
Nang akala ko ay iiwas na siya ng tingin, naloka na lang ako ng bigla siyang ngumisi at kumindat sa gawi ko bago lumapit sa pwesto naming ni Neil. Halos hindi ko naman maitago ang pagkataranta ko ng nasa harap na namin siya.
"Aminin mo na kasi na inlove ka na sa kagwapuhan ko." Napanganga naman ako sa naturan niya. My goodness!
"Grabe, ang hangin naman masyado rito! Diba Neil?" react ko naman with matching panginginig pa para damang-dama ko kunwari yung lamig.
"Sus, kunware ka pa." ngisi niya. Nagititigan lang kami after nun. Yung akin titig ng panggigigil yung kanya naman, pangaasar. Naputol lang iyon ng pumagitna na samin si Juls para pakalmahin kami, or ako specifically.
"Oh sige, tama na yan. Baka magkadevelopan na kayo niyan ah." Asar ni Juls. Sabay naman kaming napatingin sa kanya ni DJ sabay sabing "Eww! Kadiri!" sa isa't-isa.
"Kailangan sabay? Kailangan duet?" pagpapatuloy na asar samin ni Kiray.
"Kung gusto mo Kirs, sali ka para trio na tayo. Masaya dali!" balik na pangaasar ko naman.
"Che!" Napatawa nalang kaming lahat sa reaction ni Kiray. Forever pikon talaga.
Pagkatapos naming magkulitan ng barkada ay dumeretso na kami sa classroom at nagdiscuss. At oo nga pala, before I forget, dahil nga kasama na rin sina DJ at Diego sa Enchanted officially, iba na rin ang colors ng mga upuan nila. As you guys might've already figured, Black ang kay DJ at Blue naman kay Diego.
Skipping through all the boring parts which is basically being IN CLASS particularly, hahaha! Natapos na rin ang klase at sakay ng van ni Neil, naisip naming gumora sa pinakamalapit na mall upang maghangout.
Aside sa nag-arcade at karaoke, kumain rin kami sa favorite fast food chain namin at nagkwentuhan as usual. After magshopping saglit while pinahihirapan ang boys sa pagbibitbit ng mga binili namin, nagkaayaan na rin kaming umuwi.
---------------------------
Next Chapter: Magical 3
VOTE, COMMENT AND FOLLOW me. :*
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...