Kathryn's POV
Hey guys! Bale ngayon ko na kakausapin si DJ about sa dun sa nangyari. Nga naman, mali rin naman sa part ko na bigla bigla nalang akong iiwas sa kanya ng hindi niya alam ang dahilan.
Kaya eto ako ngayon at papunta ng basketball court. Sabi kasi may practice ulit sila ngayon kaya pupuntahan ko na lang siya.
Nag-dala na rin ako ng tubig at towel para sa kanya. As peace offering na rin sa pagiging distant ko sa kanya this past few days. Napatigil ako sa paglalakad ng may pumasok sa isipan ko.
Pero... Pano nga kung niloloko niya nga lang ako? Na wala talagang valid reason na naghihintay sakin dun?
Aish! Think POSITIVE! HOOOO! Keribells ko to. After ng maikling pangungumbinis sa sarili ay gumora na aketch dun sa court.
At ngayon naman para na akong nasasapian ng baklang ispiritu. Bwahahah! Sorry na.
Ewan! Maka-punta na nga! Kanina pa ako daldal ng daldal eh. >_<
Daniel's POV
Nandito ako ngayon sa basketball court. Practice kasi namin ngayon. Papalapit narin kasi yung labanan kaya kailangan nang mag-ensayo ng todo.
Nasa game na nga pala ako ngayon. Na kay Jerome na yung bola. At as expected, ipinasa niya sa akin..
Pumwesto naman agad ako sa may 3 pointer line, at i-shinoot yung bola sa ring. At syempre...
PASOK! Orayt!
"Okay! Good job guys. Break muna kayo in 20 minutes." sabi ni Coach na sinangayunan naman naming lahat.
At nag-sipuntahan na nga kami sa mga bleachers ng mga ka-team ko. Hay. Naaalala ko na naman si Kath.
Ayaw niya na ba sa akin? Ba't niya kaya ako iniiwasan? Hindi ko pa rin siya makausap hanggang ngayon. *sigh*
Napatigil ako sa pagmu-muni muni ng may umakbay sa akin. Tiningnan ko naman kung sino ito.
Si Katsumi lang pala at nasa likod niya sina Seth, Lester at JC.
"Si Kath na naman ba, DJ?" ani ni Seth sabay ngiti at tumabi sa akin. Natutuwa naman ako dahil kahit kelan hindi nila ako iniiwanan.
"*sigh* Oo eh. Ba't kaya hindi niya ako pinapansin." sabi ko at tumingin sa baba.
"Na-misunderstand lang niya kuya. Maiintindihan ka rin niya." ani naman ni JC kaya napabaling ako sa kanya.
"Misunderstand?" ulit ko.
"Basta! Sa ngayon, ayusin niyo na muna yan bago pa lumaki ang gulo. Hindi muna kami mangingialam. Pero pag hindi niyo na talaga kaya, nandito lang kami ng barkada." ani ni Les na tinanguan ko na lang.
"Siguro nga." sabi ko na lang.
"Dhieeeeeeeee!" napalingon naman kaming P5 sa babaeng sumigaw.
Si Barbie lang pala. Agad naman akong napangiti. Napatingin naman ako kina Kats, Les, at Seth na ang sama makatitig kay Bhie.
"Ah, guys. May problema ba?" takang tanong ko.
At bigla na lang nila ako tinitigan na parang nagsasabi na... Ano-yan-ha?-akala-ko-ba-loyal-ka?!
Huh? Ano namang connection yun?
"Wag niyong sabihin na akala niyo pinagpapalit ko na si Kath kay Bhie?" naiiling na sabi ko.
Hindi sila sumagot pero tinititigan lang nila ako na parang may nagawa akong mali. =_= Napapokerface na lang ako. Yun pala yung misunderstanding.
"Psh! Ano ba kayo! Kapatid ko kaya siya." ani ko naman at saktong nakalapit na sa amin si Bhie.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...