Kathryn's POV
Paalis na kami ngayon sa hotel na tinutuluyan namin. Parang kahapon lang, nagu-unpack pa lang kami, pero heto kami ngayon papauwi na. Waaa! Mamimiss ko ang Boracay!
Pagsakay sa van, as usual, tamang kulitan lang ng barkada ang naganap sa byahe papuntang airport. Hahaha!
"OMG! Girls, tingin kayo sa right side!" ani ni Yen. Takang napalingon naman ako sa kanya.
"Huh? Bakit? Anong meron?" tanong ko. Wala pa ring lumilingon sa direksyon na tinutukoy ni Yen. Bwahaha! Katulad ko, iniisip rin ng iba na baka nangeechos lang si Yen.
"Kung tumingin na lang kaya kayo." ani ni Yen at napapokerface.
Dahil sa mukhang seryoso si Yen, ay sabay sabay naman kaming nagsi-silipan sa kanang bahagi ng van at omg! Nagiritan naman kami agad ng may makita kaming pamilyar na mukha sa billboard.
.
.
Si GINO DELA ROSA!
(A/N: Guys! Yung Gino nila dito eh parang si Daniel Padilla sa atin. Haha!)
"OMG! Ang gwapo niya diyan!" dreamy na ani ni bes.
"Guys! Nagugutom na ba kayo? Punta tayong KFC! Para streetwise! EMEGHED!" kilig na aya naman ni Kiray na sinangayunan naman naming girls. Hahaha! KFC kasi yung ine-endorse ni Gino sa billboard.
"Yeah! GORA NA TAYO!" excited naming sabi.
"Huy! Para naman kayong mga ewan diyan. Eh di hamak na mas gwapo naman kami diyan." iling na sabi ni Neil.
"Hooooo! Ang hangin! Tinatangay na ata yung van manong!" hirit ni Yen sabay kapit pa dun sa upuan sa harap niya para dama. Bwahaha!
"Totoo naman ah! Kahit ba halos magkamukha lang kami niyang Gino na yan, mas gwapo pa rin AKO!" segunda naman ni Dj na nagpailing saming girls.
"Hahaha! Bahala kayo." ani na lang ni Seth.
"Sus! Walang issue sakin. Ayos lang yan! Basta kakain tayo. Manong pakibilis na." pagsangayon naman samin ni Kats na nagpatawa saming lahat. Hay nako talaga Kats.
At ayun, gumora na nga talaga kami sa KFC para kumain. Para nga kaming ewan kanina eh. Pano ba naman, yung pinuntahan naming fast food chain eh may standee sa labas ng entrance.
At ang nakakaloka, standee pa ni Gino, kaya ayun! Todo fangirl kami sa kanya sa labas. Tamang picture at yakap lang sa standee hahaha! Dapat nga itatanong pa namin sa guard kung pwede bilhin yun para maisama namin pauwi kaso gigil na ang boys, kaya hindi tuloy namin naituloy yung plano. Hmp!
*Fast Forward*
After chu chu hours, hahaha! Nakauwi na rin kami ng matiwasay sa kanya-kanya naming mga bahay. Hays. Back to school na naman. Sakit sa bangs ng mga assignments at quizzes. Dagdagan pa ng projects. Naiisip ko palang kung gaano karaming gawain ang naipon samin dahil sa limang araw naming pagkawala, naloloka na ako. Pero fighting lang! Hahaha!
Nang makauwi sa bahay ay sinalubong naman ako agad ni Mommy. After niya akong tulungan sa mga bagahe ko ay nagchikahan din kami about sa mga events na naganap habang wala kami sa tabi ng isa't-isa.
Pero dahil na rin siguro sa pagod sa byahe ay pipikit-pikit na ako habang nagdidinner kaya naisipan ni mommy na ipagpatuloy na lang bukas ang kwentuhan bago niya ako hinatid sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...