❤ Magical 27 ❤

11.1K 222 9
                                    

Kathryn's POV

After ng event kahapon, naisipan akong ihatid ni Dj para iupdate na niya rin mismo si mommy sa improvement ng status namin. Ang alam kasi ni mommy ay manliligaw ko pa rin si Dj eh haha!

Then ayun, inaya siya ni mommy na magdinner sa bahay at kaunting chikahan lang then pinauwi na rin ni mommy si Dj dahil gabing gabi na. Haha!

Kinabukasan, heto ako ngayon at pababa na mula sa kwarto ko papuntang kitchen para kumain ng breakfast.

"Dalian mo na diyan, nak. Andyan si Dj sa labas, susunduin ka raw para sabay na kayo pumasok  sa school." Nanlaki naman ang mata ko.

"Talaga po?!" gulat na tanong ko na tinanguan naman ni mommy.

"Yup! Kumain ka na riyan. Yayain mo na rin si Dj at baka hindi pa siya nakakain ng almusal." ani ni mommy sabay turo sa direksyon ni Dj. Agad naman akong tumango at inaya si Dj na kumain.

Nang matapos na kaming kumain, pumunta na rin kami sa school.

Pagkaparking naman namin, bumaba agadsi DJ at pinag-buksan ako ng pinto. NAKS NAMAN! Hahaha!

"Salamat!" ani ko ng nakangiti sa kanya bago bumaba na sa sasakyan.

Nandito na kami ngayon sa hallway at naglalakad papuntang room namin ng biglang may tumawag kay DJ.

"PRE!" bati ni Jerome ata yun? Basta kaklase namin siya. Nasa basketball varsity rin siya. Si DJ rin naman eh, Captain Ball pa nga siya. Hahaha!

"Oh! Pre, bakit?" DJ.

"May sasabihin daw si coach eh. Lika na!" ani ni Jerome.

"Ah. Eh." ani ni DJ sabay tingin sa akin. Agad naman akong umiling bago ngumiti sa kanya.

"Okay lang! Sige na, mauna na kayo. Baka mahalaga yun eh."ani ko.

"Okay naman na pala pre eh. Lika na?" aya ni Jerome na tinanguan naman ni Dj bago bumaling uli sakin.

"Sige, maya na lang uli Kath." paalam ni DJ at humalik sa noo ko at umalis na. Kumaway na lang rin ako sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Habang naglalakad ako may nakabunggo akong lalaki. Tsk! Ba't ba siya natakbo sa hallway? My goodness.

"Tumingin ka nga next time sa dinadaanan mo." sabi ko ng malumanay bago pinagpagan ang sarili ng makatayo na ako.

"Sorry, sor---- KATH?" napalingon naman ako sa kanya nang banggitin niya pangalan ko.

"QUEN? Aba! Tagal nating hindi na nagparamdam ah? Hahaha!" bati ko at sinabayan niya naman muna yung lakad ko bago nagsalita.

"Oo nga eh." ani niya Quen.

"Pero alam mo, kahit halos tatlong buwan lang tayo hindi nagkita, namiss ko yung kagandahan mo." Quen.

"Hahaha! Sira! Daming alam ha." naiiling na ani ko na lang.

"Pero totoo naman eh." parang sincere niya pa pang sagot na nginitian ko nalang na medyo pilit ang dating. Hahaha! Ang awkward kasi.

"Nga pala Kath. May itatanong sana sayo ako eh. Pwede bang manligaw?" tanong ni Quen. Huh? Ay! Oo nga pala. Matagal siyang nawala kaya hindi niya siguro alam na kami na ni DJ.

Magsasalita na sana ako ng biglang humarang sa gitna namin si DJ.  Andito na pala siya? O.o

"Hindi na pwede pare. May BANDA na kasi kami." ani ni DJ.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Quen.

"KAMIKAZEE.*smirk*" hirit ni DJ na nagpatawa naman sakin.

"So, kayo na?" ulit pa nito.

"Ay! Hindi, pare. Joke ko lang yun. Paulit-ulit tayo?" sarcastic na sabi naman ni Dj. Agad namang umiling si Quen sa kakulitan ni Dj.

"Psh! Ge na Kath. See you around na lang." paalam sa akin ni Quen na tinanguan ko lang.

"Kung magkikita pa kayo." parinig naman ni DJ bago tuluyan na ngang nawala sa paningin namin si Quen.

Binatukan ko naman agad si Dj after madigest sakin nung mga nangyari.

"Aww! Para saan naman yun? >3< " tanong ni DJ at nagpout pa.

"Ikaw naman kasi eh. Hahaha! Masyado kang harsh kay Quen." iling ko.

"Bahala siya. Pero aminin, kinilig ka sa mga banat ko kanina no?" asar sakin ni DJ. Hahaha! Muntimang lang.

"Lels! Mukha mo! Ako? Kinilig? Hindi kaya." ani ko nalang bago siya tinalikuran.

"WEHH?" patuloy niya paring pangungulit habang sinusundan ako.

At ayun nga po hanggang sa makarating kami sa classroom. Pati habang naglelesson at hanggang sa uwian. Kinukulit niya pa rin ako. HAY! Hahaha! Ang kulit talaga ang bata!



Magical Academy [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon