Kathryn's POV
Hey guys! Halos 3 months na rin ang lumipas simula ng tanungin ako ni Dj kung pwede ba siyang manligaw, and fortunately naging smooth naman ang samahan namin until now.
At dahil nga dun, tutal dahil damang-dama ko naman ng sincere si DJ eh, naisipan ko nang sagutin na siya mamaya. *O* Walang maingay ha? Secret lang yun. Hahaha!
"BES!"
"AY, TOKWA! Naman bes! Kailangang manggulat?" napapokerface ko na lang na ani kay bes. Siya lang naman po yung sumigaw at kasalukuyang naka-akbay na sa akin ngayon.
"Hehehehe! PEACE!" panimula niya. "Ikaw naman kasi, parang ang lalim lalim ng iniisip mo." patuloy niya pa. Napabaling naman kami nang makarinig kami ng mga pamilyar na tawa.
Mukhang kararating lang rin nina Kiray at Yen sa school.
"Lika na!" aya samin ni Yen sabay hila na sa amin papuntang classroom.
"Kath! Hindi mo pa ba sasagutin si DJ? Ang tagal niya ng nanliligaw ah." panimulang chika ni Yen habang on the way pa rin kami sa room.
"Hm~ About that. Actually, sasagutin ko na nga siya eh." panimula ko.
"WAAAAHHHHHHHH! TOLOGO?! OMG!" ani nina Yen, Kiray at Bes Julia with matching talon talon pa. Hahaha! Ang saya ha.
"Shh!" sita samin nung napadaan na Teacher. Bwahaha ingay kasi eh. Napatahimik naman na yung tatlo.
"Lung maka-Shh naman, wagas! Talsik pa laway eh." bulong ni Bes sabay punas pa sa pisngi niya. Pft.
"Hahahha! Sira! Lika na nga, baka ma-late pa tayo eh." naiiling na lang na aya ko sa kanila na sinangayunan naman nila agad.
At ayun nga pumasok na kami sa room. Buti na lang at wala pa yung teacher namin. Hoho! Chikahan time!
Umupo naman na agad ako sa chair ko na katabi nung kay DJ at as usual ay nag-smile siya sa akin nung napalingon ako sakanya. Nag-smile din naman ako pabalik bago ko kami nagbatian ng good morning.
Wala naman akong magawa after nun, kaya nag-doodle na lang ako, ng biglang tumunog yung cellphone ko.
TEXT MESSAGE
--------------------------------------------------------
From: Bes Julia <3Bes! Mamaya pag-usapan natin yung pag-sagot mo kay DJ ha? Kailangan BONGGACIOUS! *O* Hehehehe.
--------------------------------------------------------Napakunot naman ang noo ko. HAY! Kailangan pa ba yun? Eh parang ako yung manliligaw eh. =_=
REPLY
--------------------------------------------------------
To: Bes Julia <3Kailangan pa ba nun bes?
--------------------------------------------------------
TEXT MESSAGE
--------------------------------------------------------
From: Bes Julia <3
Bruha! Malamang! Para naman maibalik mo yung effort niya sayo no. >.< Two way dapat ang effort!
--------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/5269971-288-k112466.jpg)
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...