Kathryn's POV
Kakakain lang namin ng breakfast. Nasabi rin samin ni miss na may ia-announce daw siya samin, kaya nandito kami ngayon sa may tabing dagat nakagather.
"Ano daw ba ang sasabihin ni miss?" tanong ni Yen.
"Hmm~ Ang alam ko may ipapakilala raw siya satin." ani naman ni bes.
"Hm? Sino naman kaya?" tanong naman ni Kiray.
"Baka naman sila?" ani ni JC. Lahat tuloy kami napabaling sa kanya.
"SILA?!" sigaw naming lahat habang iniisip yung grupo na nagpagigil samin kahapon.
"OA naman kung maka-react! Baka nga lang diba." naiiling na nasabi na lang ni JC na nagpatawa naman samin.
"Guys!" napalingon naman kami kay miss nang may mapansin akong babaeng pamilyar ang mukha sa tabi niya.
.
.
.
Si Ella!
"Guys, eto nga pala si Ella. Pamangkin ko." nakangiting panimula ni miss.
"EL-EL?" ani ko.
"Ryn-Ryn?" ani naman ni Ella.
Napangiti naman ako kasi nakikilala niya pa rin pala ako. Si Ella nga pala ang pinaka una kong best friend. Yep! Mas nauna pa kay Julia. Kaso nga lang lumipat sila ng bahay nung mga bata pa kami kaya nagkahiwalay rin kami agad.
Yinakap naman agad ako ni El-El. Yun ang tawag ko sa kanya dati. Yinakap ko rin naman siya pabalik.
"Ryn-Ryn namiss kita!" aniya.
"Ako rin El-El." sabi ko naman.
"OP MUCH na po kami. Uso mamansin." sabi ni Kiray haha! Nandito nga pala ang barkada.
"Mukhang magkakilala na kayo ni Kath ah?" nakangiting sabi ni Ej kay Ella na ikinatango naman nung huli.
"Yep! Haha! Bes Juls! Siya yung naikwento ko sayo noon na bestfriend ko." ani ko naman kay Julia.
"Ohh~ yeah. Tanda ko." nakangiting sabi naman niya sakin bago bumaling kay Ella. "Hi! Ako nga pala si Julia." pakilala niya.
"Hi din, Julia! Nice to meet you! Sana maging bff din tayo." nakangiting bati ni Ella sa kanya.
"Naman!" ngiting ani ni bes.
"Okay~ guys baka naman pwedeng kumain na tayo? Nagugutom na ako uli." singit ni Kats samin.
"Kakakain lang natin ng breakfast ah?" tanong ni Dj kay Kats. Haha! Oo nga naman.
"Ehh! Sa nagugutom pa ako eh! Dun na rin tayo magpakilala sa isa't-isa kung gusto niyo." suggest ni Kats na tinanguan na lang namin bago kami nagsibalikan sa hotel.
At dahil sa busog pa kami ng barkada, chips na lang ang kinain namin. Bale si Kats lang talaga yung nagorder uli na kanin. My goodness. Haha! Ang lakas maka-pg.
"Whoooooo! RATED SPG!" sigaw ni Les sabay takip pa ng mata.
"Huh?" ani ko at napatingin sa paligid kung may nagp-pda nga. Wala naman?
"Rated SPG kako. Super Patay Gutom. Bwahahaha!" ani ni Lester.
"Lels! Baka naman SPG, as in Super Pogi ni Gino?" biro ko.
"Psh! Mas gwapo pa ako dun eh!" napatingin naman ako kay Dj na bigla-bigla nalang nagsasalita sa gilid.
"Nangangamoy selos. Asuuuus~" natigil sa kaasar si Neil nang makatikim siya ng batok mula kay Dj.
"Lika na guys swimming na tayo!" aya samin ni Kats pagkatapos kumain. Hahaha! Hyper forever.
At ayun, after naman magpakilala sa isa't-isa ay dumeretso na rin kami agad para magswimming, and this time kasama na ako haha!
After magswimming, maglaro, at magkulitan, naisipan muna naming lahat na tumambay sa tabing dagat at hintayin ang paglubog ng araw.
"Hay~ ambilis ng araw. Ayoko pa namang umuwi muna." ani Kiray na tinanguan naman naming lahat.
"Wag kang mag-alala vanilla, sa tingin ko babalik rin naman na tayo dito eh."nakangiting ani ni Ej kay Kiray sabay akbay dito.
"Yung totoo? Bastusan? Sa harap ko pa talaga nagharutan? Hustisya sa mga single na gwapong tulad ko!" pagdadrama ni Les na tinawanan na lang naming lahat.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
ComédieMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...