❤ Magical 36 ❤

10.2K 196 10
                                    

Daniel's POV

Nandito pa rin kami sa sasakyan at hinahabol yung kotse nina Kath. Pina-plano naman ng barkada kung papaano namin magagamit ang powers namin tungkol dito.

"Uy! Ano na?" ani ko.

"Teka lang, DJ. ATAT MUCH?! " Barkada. Sabay sabay nila yang sinabi ah. Musta naman daw yun? =__=

"Alam ko na!" sabi ni Katsumi tapos tinaas niya yung hintuturo niya na parang meron siyang bright idea. Anong itsura niya? Kayo na lang mag-imagine bwahaha!

Lahat naman kami tumingin sa kanya na parang nagtatanong...

"Juls! Diba may land powers kayo ni Neil?" Kats.

Tumango naman sina Juls at Neil. Ano naman ang tungkol dun?

"Edi gumawa kayo ng harang sa dadaanan nina Kath para hindi sila matuloy." Katsumi.

"Naks naman! Tumatalino na si parekoy ah. Anong kinain mo, at makakain nga rin." Lester.

"Adobo, pre. Yun yung kinain ko kanina. Diba nakikain ka sa amin? Edi pareho lang tayo ng kinain. Hm~ Sabihin nalang siguro natin na, hindi na lang talaga tatalab sayo ang katalinuhan, Les." asar ni Kats.

Binatukan naman ni Seth si Katsumi at nagsalita..

"Tama na nga yan, tingnan niyo si DJ oh. Pareng ewan na natatae lang eh. Dalian niyo na kasi." Seth. Napaface palm na lang ako. Talagang nilait muna ako eh no? >.<

"GAME! Neil, ano Ready?" Julia.

Ngumiti naman si Neil at tumango. Whooooo! Sana mag-tagumpay kami!

Nag-concentrate naman yung dalawa. Maya-maya para nilang tinataas yung mga kamay nila ng dahan-dahan. Kasabay naman nun yung pag-taas nung lupa sa may dadaanan nina Kath.

Medyo mataas din yun kaya hindi pwedeng tumalon na lang yung  kotse. =___= Tapos, eto na. Papunta na sina Kath dun sa may harang.

Tumigil naman yung sasakyan bago bigla namang lumabas yung driver ni Kath at chineck yung harang. Pagkatapos pumasok ulit siya sa sasakyan. 


Kathryn's POV

Habang nagba-biyahe, bigla nalang tumigil yung sinasakyan. At dahil nga sa hindi ako alert, na untog lang naman po ako sa upuan. Stay strong sa noo ko guys.

Nung napatingin naman ako sa harapan, napakunot naman ang noo ko. Ba't naman nagkaroon ng harang dito sa gitna ng daan? Napailing na lang ako bago sinabihan si Manong na tingnan niya yung nakaharang kung ano.

Nung lumabas na siya, tiningnan niya na kung ano yun. Habang ako naman napatingin sa side mirror.

Yung kotse, parang familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan pero, parang nakita ko na yan dati. Hmm~

Nakakapagtaka lang kasi na, yung kotse lang na yan ang kasama namin banda dito. Bale yung kotse lang namin at yung kotseng nakita ko lang sa side mirror ang padaan dito.

Eh ba't parang hindi naman nagalaw? Hmm. Siguro nakaparking lang.

Pumasok naman na agad si Manong at nagsalita.

"Miss Kath, isang malaking tipak ng lupa po yung nakaharang. Hindi ko po alam kung saan nang-galing yan." Manong.

Weird naman. Tumango na lang ako kay Kuya.

"Ma'am, babalik na po ba tayo?" tanong ni manong. Agad naman akong umiling.

"No, manong. Ako ang bahala." ani ko.

Magical Academy [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon