Kathryn's POV
Kakatapos ko lang gawin ang aking morning rituals at pababa na ako para kumain ng breakfast.
"Good Morning Mom!" bati ko kay Mommy.
"Good Morning din Princess!" balik na bati ni mommy.
"Ah, Ma. Pupunta nga po pala kami ng barkada sa Boracay." panimula ko.
"Ah, oo. Nasabi nga sa akin ni Ms. Reyes." nakangiting tango ni mommy.
"Eh mommy, payag po ba kayo?" medyo kabadong tanong ko.
"Oo naman anak. You all deserve a vacation after all." sagot niya. "Bale, 3 days and 2 nights lang kayo dun ah?" pagpapatuloy niya.
"Hala, mommy! Pwede po bang 1 week na lang, para makapag-enjoy talaga ang barkada." pamimilit ko with matching puppy eyes pa.
"No. That's too much. 5 days na lang. Last deal?" napangiti naman ako sa sinabi ni mommy.
"Okaaay! Thanks mommy! I love you!" sabi ko bago hinalik-halikan ang pisngi ni mommy. Naku kailangan ko ng ishare ang balita na to sa barkada...
"Una na po ako Mommy!" paalam ko bago umalis na. Nakita ko naman agad si Manong na driver namin kaya agad na akong sumakay
------------
Habang naglalakad ako papunta sa tambayan namin ay bigla akong napatigil nang may magtakip ng mga mata ko
"Sino to?" sabi nung tumakip sakin ng mata. Kaso kahit anong pilit pa ata niyang palitan ang boses niya halatang pa rin naman kung sino siya.
"Yung totoo? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? Ikaw kaya nagtatakip sa mata ko. Sino ka ba, ha." naiiling kong sabi. Narinig ko naman ang pagsinghap ng tao sa likod ko.
"Seryoso? Di mo ko kilala?" ani ni DJ sabay tanggal ng kamay niya sa mga mata ko at hinarap ako ng nakanguso.
"Hahaha! Ito naman loko ko lang yun. Wag mong masyadong dibdibin at may likod ka pa." hirit ko at nagsimula ng maglakad para mapantayan ko na siya sa daan.
"Ikaw ah! Ibig sabihin kilalang kilala mo na talaga ang boses ko?" sabi niya sa akin ng may tonong mapang-asar.
"Psh. Ang sabihin mo, hindi ka lang kamo marunong magtago ng totoo mong boses." sabi ko ng may pailing-iling pa. Binelatan niya naman ako.
"Nga pala. Ano, pinayagan ka ba ng parents mo sa Boracay?" tanong ko. Umismid naman siya.
"Naman! Ano akala mo sakin, bata?" pagmamayabang niya. Napataas tuloy kilay ko.
"Ay, hindi ba?" asar ko.
"Psh!" sabi niya at mas lalong binilisan ang paglalakad. Naiwan tuloy ako.
"Hoy! Wag ka ngang magwalk out. Ano ka? Walk Out King? Hahaha!" pagpapatuloy ko pa rin sa pang-aasar habang binibilisan na rin ang lakad para makapantay uli siya.
Fortunately, nakarating naman agad kami sa tambayan ng walang gerang nangyayari. Bwahaha!
" Oh, tol anung nangyari sa mukha mo?" tanong ni Diegs kay DJ nang mapansing nakabusangot ang loko.
"Itanong mo na lang sa iba diyan." sabi naman ni DJ habang pinandidilatan ako ng mata. Halata tuloy na ako ang pinaririnigan niya. Psh!
"Bes, anyare?" tanong naman ni Juls sa akin.
"Napakapikon kasi ng iba diyan." ginaya ko yung tono ni DJ kanina habang sinasabi yun with the same look na binigay niya rin sakin.
"HEPEPEPEPEP! Awat na yan ha! Nga pala, pinayagan ba kayong lahat?" pagche-change topic ni Neil.
"YEP!" sagot naman ng barkada.
"Mamaya na nga pala sasabihin ni miss yung details tungkol sa vacation natin." pagpapaalam sa amin ni Kiray na tinanguan naman namin.
*ring**ring*
"Oops! Lika na! Malelate pa tayo eh. " ani ni Ej bago nagsipuntahan na kami sa room.
---------
*Break Time*
Nang magbell ay nag-alisan naman na agad yung mga classmates namin. Although may mga natitira paring nag-aayos ng mga gamit nila. Lalabas na rin sana kami ng room nang mapansin namin si Neil na ang himbing pa rin ng tulog sa desk niya.
"Guys! Gisingin niyo na si Neil. Kain na tayo." ani ni Kiray.
"Sige, kami na mag-gigising kay Neil." sabi naman ni Dj at nag-ngitiang nakakaloko sila ni Diego.
"Hoy! Ano na naman yang balak niyo ha?" tanong naming girls. Nagsign naman samin si Dj ng "Shh" bago nagpatuloy.
"Just watch and learn..." aniya.
Dahan dahang lumapit si Diego kay Ej at bumulong. Tumawa naman si Ej bago tumango at lumapit na silang tatlo nina DJ kay Neil. Napapalibutan na nilang tatlo si Neil. Bale ganto yung position nila.
EJ Neil DJ
DiegoNagulat na lang kami ng bigla silang sumigaw.
"SUNOOOOOG!" sigaw nina Ej, DJ, at Diego kay Neil.
Bigla namang tumayo at tarantang tumakbo papalabas ng classroom si Neil.
"Hala! San kaya pupunta yun?" takang tanong ni Kiray.
"Pft. Hahahahha! Mag-hahaha hintay lang kayo." Muntimang na sabi ni Diego na hindi na halos makapag salita sa katatawa.
Nagulat na lang kami ng biglang pumasok si Neil ng classroom.
"Nasan ang sunog? Nasaan?" Sigaw ni Neil na may pagkataranta. At hindi na namin napigilang humagalpak sa tawa ng barkada.
"HAHAHAHAHAHAHA!" tawa namin. Pano ba naman kasi habang sinisigaw niya yun may dala-dala siyang tabo na may lamang tubig. HAHAHA! Ang laking tulong nung isang tubig ng tabo sa sunog if ever ha. Pfft. Note the sarcasm hahahah!
Sinamaan niya na lang kami ng tingin ng ma-realize niya na nagmumukha na siyang tanga.
"PEACEEE! (^.^)V" sabi namin kay Neil. Hahaha!
"Psh! Pasalamat kayo barkada ko kayong lahat." ani niya.
"SALAMAT!" sagot namin sabay takbo papuntang canteen. Hahaha! Para tuloy kaming mga bata na naghahabulan sa hallway.
------------------
*LUNCH TIME*
After matapos ng morning class namin ay tumakbo na agad ang barkada sa canteen para bumili ng lunch at pumunta sa tambayan. Kaso pagpunta namin dun, may bigla na lang tumawag kay DJ na ikinalingon naman naming lahat.
"DEEEJAAAAAY! I MISS YOUUUUUUUU!"
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...