Kathryn's POV
Kakatapos ko lang uli gawin ang morning rituals ko at as usual ay pababa na ako ngayon para magbreakfast. Ngayon na nga pala kami pupunta ng barkada sa Boracay. At dahil mamayang 1 pa daw ang alis namin, a-attend pa kami bale ng morning class."Good morning princess!" bati ni mommy ng makita ako.
"Good morning din mommy!" bati ko rin pabalik.
"Ready ka na ba para sa pag-alis niyo mamaya?" tanong ni mommy.
"Yes po! Actually, kahapon ko pa po naayos ang lahat ng dadalhin ko." nakangiting ani ko.
"Mabuti kung ganoon. Mag-iingat kayo dun, anak ha. Nagtitiwala ako sayo." paalala ni mommy na tinanguan ko naman.
"Yes, mommy. Papakabait po ako. Salamat po sa lahat ha!" ani ko at tinapos na ang pagkain.
"Mommy una na po ako ha? See you na lang po sa school." paalam ko bago bumeso kay mommy at lumabas na ng bahay.
------
"Good Morning!" bati sakin ni bes ng magkasalubong kami sa hallway at nagsimula na kaming maglakad papuntang tambayan dahil mahaba pa naman ang time bago magstart ang morning class namin.
"Good morning din! Nasaan na yung iba?" balik kong bati.
"Yung barkada? o si DJ?" asar na tanong naman sa akin ni bes na nagpakunot sa noo ko. Huh? Nagpeace sign naman siya sakin after kaya napailing na lang ako at napatawa.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating na kami sa green house. Nakita ko naman na mukhang kumpleto na silang lahat. Yep, kasama ang P5.
"Good morning guys!" bati namin ni bes sa kanila.
"Good morning din!" sagot naman nila.
"Lika! Punta na tayong classroom. If ever, first time lang kasi ata nating tatambay sa classroom before class diba?" suggest ni Neil. Nagsitanguan naman ang lahat kaya nagsimula na kaming maglakad papuntang room.
Nang makarating kami sa classroom, bigla naman nagsitahimikan yung mga classmates namin. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Oh, guys. Chill! Hindi kami criminal." ani Neil with matching taas kamay pa. Hahaha!
"Adik ka Neil!" natatawang sabi ni Seth.
"Teka, guys ba't nga ba kayo tumahimik? ANYARE?" tanong ni Kiray.
"May bagong balita daw po kasi na may kumakalaban po sa grupo ninyo." classmate 1.
"WHAAAAAAT?!" sabay sabay naming react ng barkada. LETSUGAS! If ever, ngayon pa lang may nagtangkang kalabanin ang ENCHANTED ah. Sino naman sila?
"At sino naman sila?" inis na tanong ni bes.
"Hmm. Fire Knights po ang grupo nila. Fire kasi po, lahat ng powers daw nila ay konektado sa Fire. By Two's din po kasi ang powers nila." Classmate 2. Napataas naman ang kilay ko.
So, mga maharlika din pala sila. Pero hindi yun yung point eh. Kahit tiglilima pa sila ng powers wapakels ako. Ang point ko, bakit nila kailangang kalabanin ang ENCHANTED? For what reason? Hindi naman namin sila ina-ano ah. Nananahimik ang grupo namin.
"Kilala niyo ba ang bawat members nun?" tanong naman ni Diego.
"Konti lang po kasi ang kilala ko dun eh. Pero ang leader nila sa pagkaka-alam ko ay si Barbie. Barbie Forteza." Classmate 3
Teka... Parang narinig ko na yung name na yun dati. Omg! Sila yung dating nakita namin na nakatambay sa tambayan namin!
"Tsk! Sabi ko ng haba. Popularity lang ang gusto nila." iling iling na ani ni Dj.
"Aish! Pabayaan na lang natin sila. Baka wala lang talaga silang magawa sa mga buhay nila." sabi ko.
*ring**ring*
"Pabayaan na lang natin sila. Ang isipin na lang natin. No Assignments, Quizzes, at lahat ng ka-ekekan sa school tayo for 5 days! Dahil mamaya, aalis na tayo at pupunta ng BORACAY!" excited na sabi ni Katsumi na sinangayunan naman namin.
---------------------
*Fast Forward*
*ring**ring*
Okay tapos na ang morning session! Eto na kami ngayon ng barkada papunta sa canteen para bumili ng mga lunch namin. Pagkatapos namin bumili, as usual ay nagstay kami sagreen house para tumambay.
At dahil sa bored ang ilan samin, napagisipan ng barkada na mag-truth or dare. Ginamit naman nila yung binili na water bottle ni Neil kanina na hindi pa nabubuksan.
"Okay~ Ako na muna mags-spin!" pag-volunteer ni bes Juls na sinangayunan naman namin.
Pina-ikot naman na ni Bes yung bote, at pagkahinto nung bote ay tumapat ito kay Neil.
"TRUTH or DARE?" tanong ni bes.
"DARE!" ani ni Neil. Hahaha! Tapanggg.
"Okay, then~ pumunta ka sa harap naming lahat at mag-gwiyomi habang nag-gegentleman!" nakangising sabi ni Juls. Wala naman nagawa si Neil kundi sumunod. Tawanan tuloy kami.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" barkada. Pano ba naman kasi, hindi marunong mag-gwiyomi hindi pa rin marunong ng gentleman. Musta naman yung itsura niya. Hahaha!
"Sige tawa kayo diyan, gaganti ako mamaya." nasabi na lang ni Neil. Pfft.
Umupo naman na si Neil pagkatapos nun, at siya naman ang nagpaikot ng bote. At sa kasamaang palad, napatutok ito sa akin.
"Hoho! Oh, Kath. TRUTH or DARE?" tanong sakin ni Neil with matching nakakalokong ngiti pa.
"DARE!" sagot ko naman.
"Matapang ka din ah. Okay~ Dahil diyan halikan mo si DJ---" sabi ni Neil na pinutol ko agad.
"WHAT?!" shookt kong sabi.
"ATAT MUCH?" tanong ng barkada. Nagpout na lang ako. Oo nga naman, hindi pa tapos si Neil mag salita.
"Okay I-kiss mo si DJ sa.... cheeks! Bwahaha! Bata pa tayo no. Bawal PBB TEENS!" tawa ni Neil.
Wala naman akong nagawa kung hindi lumapit kay DJ.Hahalikan ko na sana si DJ sa cheeks ng biglang may tumawag sa kanya at napalingon siya sa side ko kaya hindi tuloy sa cheeks ang landing ng kiss ko.
Sa LIPS niya! HUWAAAAAAAAAA! Nakakahiyaaaa! Grabe bilog na bilog na siguro ang mga mata ko sa gulat.
Lahat naman na kami nagulat sa nangyari. Accident lang ang lahat. Nung makarecover na ako. Agad ko namang tinanggal ang lips ko sa kanya at lumipat ng pwesto. Pfft. Ano akala niyo sa akin? WALK OUT QUEEN? Hahaha! Hindi no.
At ayun nga. Mukhang kahit ang barkada hindi pa rin sila makarecover. Ang mga reactions lang naman nila eh ganto:
BARKADA: O_____O
DJ: >//////////<
Me: >___<
Oh diba? Muntimang lang kaming lahat. Pero laptrip talaga yung mukha nung barkada lahat sila nakanganga literally. Tas si DJ naman sobrang pula na Hindi na niya alam kung papano niya itatago ang mukha niya.
At ako naman, edi ito. Gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan. My goodness! Huhuhu!
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...