❤ Magical 11 ❤

14.8K 318 4
                                    

Kathryn's POV

Kasalukuyan na po kaming nandito ng barkada sa may tabing dagat. Kaka-kain lang namin kanina, at dahil masyado silang atat magswimming, eh pinagbigyan na lang sila ni miss.

"KATH!" napalingon naman ako sa kung saan man nanggaling yung sigaw.

Nang makita ko si bes na kumakaway sa akin. Naliligo na pala sila at mukhang tinatawag niya ako para sumama rin sa kanila. Nakangiti naman akong umiling.

"Mamaya na ako. Go lang kayo diyan! " sigaw ko. Medyo malayo rin kasi kami sa isa't isa.  >3<

"AISH! Dali na! Wag KJ!" sigaw naman pabalik ni Yen na nagpatawa sakin. Mukha siguro kaming ewan dito na nagsisigawan.

"Mamaya nga po! Mag-enjoy na lang kayo muna jan." sigaw ko ulit na tinanguan naman nila, bago magsibalik sa paglalangoy.

At dahil sa feel ko lang magpaka-senti ngayon. Hahahaha! Naisipan ko na maglakad-lakad muna dito sa may tabi. Napatigil lang ako nang may marinig akong pamilyar na mga boses.

"Tingnan mo nga naman talaga oh. Sa laki ng lugar na to, talagang makikita ko pa yung pagmumukha mo?" maarteng sabi ni Bea na kinataas naman ng kilay ko. Oo, sila-sila nga ang nakita ko.

Ready na sana akong makipag-warla kaso narealize kong nag-iisa ako ngayon. My goodness! Bakit pa kasi ako gumala-gala?

"Teka nga, bakit ba kayo nandito? May pasok ah." takang tanong ko.

"Bakit? Kayo lang ba ang may karapatang mag-bakasyon?" irap na balik na tanong sakin ni Barbie.

"OO! Dahil deserve namin to. Eh kayo? Anong karapatan niyo?" pagtataray ko naman.

"Lika na. Tigilan na natin to, Barbie. Ayoko ng gulo.." umiiling na ani naman ni Enrique.

"Psh! Tanga ka ba?! Kaya nga tayo sumunod kasi kakalabanin natin sila right? Baka nakakalimutan mong dapat pa natin silang talunin para tayo na ang mamuno? Tapos aalis na lang tayo? NO WAY!" galit na sigaw ni Bianca.

"Oo nga. Kayo na ang nagsabi. Kakalabanin natin SILA. Hindi SIYA. Diba?" paglilinaw ni Khalil. Wala naman akong nagawa kung hindi ang manahimik dito sa gilid at makinig na lang sa mga diskusyon nila.

"Psh! Fine! Pero humanda kayo ng mga kasamahan mo sa ENCHANTED. *evil laugh* Baka kasi ilampaso lang namin kayo." pagmamayabang ni Barbie nang bumaling siya sakin.

"Ilampaso? Sigurado ba talaga kayo na kailangan pa namin kayong pag-handaan? Eh mukhang hindi niyo naman deserve yun." matapang kong sagot. Aba naman kasi! Minamaliit ata nito ang mga kakayahan ng Enchanted eh.

"ARGHH! Can you just shut up?!" pagsigaw naman sakin ni Bea na nagpangisi sakin. Pikon. Pft.

"Ayoko nga~ Ano ako utusan mo? Magdadaldal ako kung kelan ko gusto." asar ko ulit na ikinapula naman ng mga mukha sa galit ng mga girls.

"Lika na guys." sabi naman nung Zharm sabay hinila na sina Barbie at Bea.

Kahit medyo alangan ay sumunod rin naman yung iba pang mga kasamahan nila. Hmp~ Asaran pa lang talo na sila. Pano pa kaya kung bakbakan na? Hahaha!

"Ahm. Sorry nga pala kanina ah."

Napalingon naman ako sa nagsalita. Ahh~ Si Enrique pala. Agad naman akong umiling bago nagbigay ng tipid na ngiti.

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry." ani ko.

"Hm~ Teka, hindi ka ba sasama sa mga kaibigan mo?" tanong ko nang mapansin na hindi siya gumagalaw paalis mula sa harapan ko.

"Huh? Ah eh. Hindi na muna siguro. May sari-sarili naman kaming rooms eh. Hindi naman kailangan sabay sabay na bumalik. Ikaw ba? Ba't ka nandito?" tanong niya.

Magical Academy [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon