Daniel's POV
*sigh* Kahapon lang nagyari yung tungkol sa amin ni Kath. Kasalukuyan akong nasa harapan ngayon ng gate ng Magical Academy.
Marami na rin pala talaga ang nangyare no? Simula nung nag-transfer kami ni Diego dito. Hanggang sa nakilala ko ang barkada. At hanggnag sa nakasama ko ULIT ang Parking 5.
Pero ngayon? Dito na lang ba matatapos lahat? Dahil lang sa iisang lihim na hindi pwedeng sabihin. Tsk. Kung pwede ko lang talaga sabihin kay Kathryn yung tungkol dito eh sinabi ko na.
Pero kasi maraming pwedeng mapahamak. Kasama na si Kath at ang barkada. Lahat ng mga Maharlika ay hindi pwedeng makipag-kaibigan sa mga Fire Knights.
Bakit kasi kailangan pang maging ganito kakumplekado lahat? Ang dami pa kasing kaartehan ng mga propesiya na yan eh. =_=
Pano na kaya kami magkakaayos ni Kath? Hay! Ano na kaya ang mangayayari mamaya?
Pumasok na lang ako sa gate at dumeretso na sa classroom. Napansin ko na wala pa rin yung barkada.
Umupo na ako kaagad sa upuan ko. Hihintayin ko na lang sila. Baka kasama rin nila si Kath ngayon.
Napangiti na lang ako ng malungkot bago umubob sa desk ko para matulog.
...
...
Maya-maya ay nagising nalang ako dahil parang may umuuga sa akin.
Pagka-dilat ko naman nakita ko P5FG Meaning Parking 5 Fan Girls. Sabi nila eh hahaha!
"Bakit?" tanong ko kina Joebhel, Zhena, Jerica, Faith at Kirsten.
"*sigh* Alam namin na may problema kayo." panimula ni Zhena.
Tumango na lang ako at yumuko.
"Pero siyempre! Wag kang mag-alala kuya DJ. Tutulungan ka naman namin eh." hyper na ani ni Joebhel. Napabaling naman ang paningin ko sa kanila.
"Huh? Pero paano?" tanong ko.
"May natitira pa kaming magagawa. Nakita ni Jerica sa FUTURE na nagbabalak umalis ng bansa si Kath." panimula ni Kirsten.
"Ha?! Pero. Bakit?" nalilitong tanong ko. Oo, sabi niya aalis siya. Pero mangingimambansa? Hindi ko naman alam na ganung alis pala ang tinutukoy niya.
"She needed time to think." Zhena.
"At yun ang pipigilan namin. Ang pag-alis niya. Nga pala, hindi siya makakapasok ngayon kasi nagpapa-book na siya ng flight. At mukhang kailangan na nating dalian kumilos dahil narin sa masyado na ata siyang desidido na umalis." Jerica.
"Eh nasaan naman ang barkada?" tanong ko.
"Actually, hindi pa namin yan masasagot. Pero, ang masasabi lang namin for sure ay hindi kasama ng barkada si Kath." Joebhel. Napatango na lang ako bago sila nginitian.
"Kung ganun, salamat sa inyo ah. Kung di siguro dahil sa inyo baka wala na talagang pag-asa." pasasalamat ko.
"Wag ka munang mag-pasalamat. Hindi pa tapos. Pero kailangan natin gawin ang lahat. Para hindi matuloy si Kath." seryosong ani ni Zhena na sinangayunan ko naman.
Nag-tanguan na lang kami at ngumiti. Nang biglang may sumigaw.
"Teka!" Napalingon naman kami sa nagsalita. Si EJ pala. Kasama ang P5 at ang Barkada.
"Sama naman kami diyan!" nakangiting ani ni Yen.
"Oo nga! Ano to? Sosolohin niyo na lang yang problema?" Kiray.
Ngumiti naman ako sa kanila. Actually hindi rin alam ng barkada ang dahilan ko kung bakit hindi ko pwedeng sabihin kay Kath. Pero nagpapasalamat ako dahil hindi naman nila ako pinipilit sa pagsabi ng rason ko.
Kasi katulad ni Kath, ang barkada ay mga MAHARLIKA rin. Kaya bawal rin talaga nilang malaman. Hindi rin siguro alam ng P5FG yung tungkol dito dahil FUTURE lang ang kayang makita ni Jerica and not the past.
"So, ano na ang plano natin?" Neil.
"Pipigilan nating umalis ng bansa si Kath." ani ko.
"Pero paano natin siya mapipigilan kung hindi natin malalaman kung kelan siya aalis in the first place?" Diego.
"Wait! Baka nakakalimutan niyo na we have Jerica who can predict the future?" Julia.
"Oo nga no? Kelan nga ba?" Kirsten.
"Hm~ Ngayong Linggo na ang alis niya. Tuesday pa lang ngayon so may time pa tayo." Jerica.
"Okay. Mukhang kailangan natin gamitin ang powers natin ha?" Seth.
"Okay lang. Basta para sa KathNiel! *O*" ani ni Kats na napangiti naman saming lahat.
Kathryn's POV
Kakatapos ko lang magpa-book ng flight ko. Wag masyadong OA ah. Mga 2 years lang naman ako mawawala.
Hahaha! Chos! Talagang nila-lang ko lang yung 2 years eh no? Pfft.
Siguro kailangan lang talaga namin ng time para makapag-isip isip.
Siguro gusto niyong malaman kung saang bansa ba ako magii-stay noh? Sa Korea lang naman. South Korea to be specific.
Sana lang, hindi ko pagsisihan kung ano mang desisyon tong gagawin ko. Huhuhuhu!
Kailangan ko ng mapagtatanungan. Sino pwede readers?!
Chos! Hahahaha! Syempre hindi kayo papayag na umalis ako. Kampi kayo kay DJ eh. Pfft.
Siguro hindi na lang ako rin ako papasok muna. Last week ko na rin naman kasi eh. Saka baka pigilan lang ako ng barkada at mas lalo lang akong mahihirapan na umalis. Baka hindi lang ako makatuloy.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...