3. Meet my Bestfriend

12.9K 283 8
                                    

Sam's POV


"Nakakainis ka Rexan bakit ka naman nananakot ng ganun"

Halos mamatay ako sa takot dahil sa kalokohan ng isang to. Nakaka badtrip!

"Kanina pa kaya kita sinusundan hindi mo ba ko nakita sa mall kanina? Ganyan kana porket kasama mo yung mga kaibigan mo, hindi mo na ko napapansin. Ipapaalala ko lang sayo ha, bestfriend mo din ako"

"Ang adik mo, kung tinawag mo ko eh di sana nalaman kong nasa mall ka din. Napakilala pa sana kita kila Jenny at Ericka."

Teka nga, bakit nga ba bigla siyang napadpad dito?

Hindi ko na siya nagawang tanungin dahil bigla niyang kong hinatak pauwi.

"Tara na uwi na tayo"

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong nila mama at papa. Nung una nga eh hindi sila makapaniwala kasi nasa harap nila si Rexan akala kasi nila hindi na ulit magpapakita ang panget na to. Masaya ako na nakita ko ulit siya kaya lang...

"Di pa rin talaga nagbabago ang kwarto mo Sam-sam, nakakamiss si Twinkle"

Niyakap niya yung teddy bear ko pero agad ko siyang tinulak papaalis sa kama ko. Ang mokong pangiti-ngiti lang.

"Madudumihan mo lang to eh"

"Grabe ka naman" sagot niya at ginala niya ang tingin niya sa kwarto ko.

"Bakit ka nga ba biglang nagpakita?" ang mokong, hindi man lang ako sinagot

"Hoy, Rexan!"

"Sabi pala ng mama mo, dito ako matutulog"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ayoko nga, labas na!"

Pero binalewala niya lang yung sinabi ko. Nakakainis naman ang isang to.


Nung tumayo na siya ay akala ko aalis na siya ng kwarto ko pero hindi! Nahiga ulit siya at this time ay talagang binalot niya na ang sarili niya sa kumot ko!

"Hoy Rexan kung dito ka matutulog wag jan sa kama ko. Ako lang ang pwedeng matulog dyan! Alis na!" pinipilit ko siyang hilahin papaalis ng kama at nung naramdaman niyang seryoso ako sa pag papaalis sa kaniya ay tumayo nalang siya ng kusa.

"Ang damot mo na ah, gumanda ka lang tapos ayaw mo na akong makatabi sa pagtulog. Naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo..."

"Noon yun nung mga bata pa tayo! Mga dalaga't binata na tayo oy! Baka halayin mo pa ko" 

Sinipa ko ang pwet niya papaalis ng kwarto ko pero ang mokong ang lakas mang trip. Pangiti ngiti lang siya at para bang nasisiyahan siya masyado sa pag tukso sakin.

"Ikaw hahalayin ko? Hahahahahaha! Spell asa? Ang dumi ng utak mo Sam-sam"

Sabi na eh, nakakawalang-gana talagang kausap ang isang to. Dapat hindi na lang siya bumalik. Perwesyo sa buhay ko. 

Tumalukbong na ako gamit ang kumot at natulog. Matulog siya sa sala, basta wag lang dito sa kwarto ko.

**

Pag-gising ko kinabukasan ay nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at wala na si Rexan sa kwarto ko, kaya agad akong bumaba para makapag almusal na kaya lang...pag minamalas ka nga naman oh.

"Bakit andito kapa?"

"Oh Sam tara kain tayo. Ang sarap ng niluto ni tita hindi pa rin talaga siya nagbabago. The best ang mga luto niya!"

Tsk, nambola pa siya. And What the heck! anong ibig sabihin ng suot niya huh?

Nilapitan niya ako at pinaupo sa may bakanteng upuan. Tapos, nilagyan na din niya ng pagkain ang plato ko. 

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon