9. Signs

7K 202 4
                                    

Sam's POV


Pag gising ko ay halos wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid, ni hindi ko din magalaw ang mga braso ko dahil sa mahigpit na pagkakatali sakin. Naalala ko na may mga lalaki pa lang kumidnap sakin.

Ano bang pakay nila sakin?

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, nagkunwari akong tulog para hindi nila mahalata na pinapakinggan ko na sila. Baka may makuha akong impormasyon kung bakit nila ako kinidnap.

"Hindi pa rin siya gising" sabi nung isang boses

"Hayaan mo muna ang babaeng yan, ilang minuto lang ay darating na ang g*gong Sander na yun" 

Anong kinalaman ni Sander dito?

"Pagbabayaran niya ang ginawa niya satin, at hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin siya" 

Natatakot ako sa kung ano man ang kayang gawin ng mga to kay Sander. Ilang sandali pa ay natigil ang dalawa sa pagsasalita ng biglang may dumating. 

"Oh heto na." sabi nung isang lalaki na dumating

"Malilintikan talaga sakin ang Sander na yun"

Bahagya kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang kutsilyo na hawak nung lalaki. Mas lalo akong natakot sa pwedeng gawing ng mga lalaking to. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi pumunta dito si Sander.

Nung lumabas ang tatlo ay dali-dali kong sinubukang tanggalin ang pagkakatali nila sakin. Ilang minuto ko ding sinubukang tanggalin pero hindi ko matanggal ang tali. Naisipan ko na lang na tumayo kasama ang upuan na pinagtatalian sakin. Hindi ko akalain na malalagay ako sa ganitong sitwasyon, ang akala ko ay sa mga movies ko lang to makikita. 

Sa di kalayuan ay may nakita akong bintana pero dahil medyo may kataasan ay hindi rin ako nakahingi ng tulong. Ilang sandali pa ay narinig ko na silang naglalakd pabalik sa lugar ko. Bumalik ako sa pinagpwestuhan ko kanina at kung nung una ay dalawa lang sila ngayon ay masasabi kong lampas lima na sila. Bigla akong kinabahan lalo na nung hawakan nung isang lalaki buhok ko.

"Sayang siya pare, maganda pa naman. Kung paglaruan muna kaya natin siya bago nating ibigay kay boss" nagpanggap pa din akong tulog pero mukhang hindi ko na kayang magpanggap dahil habang tumatagal ay gusto ko ng sumigaw sa pang hahalay sakin ng lalaking 'to.

"Tama na yan" nakahinga ako ng maluwag nung sumunod ang lalaki sa utos nung isa. Kaya lang naramdaman kong punutol nila ang tali sa kamay ko at saka pilit nila kong pinatayo. Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang mga sinasabi nila. Tinanong ko ang isang lalaki kung saan kami pupunta at sabi ay sa boss daw nila.

 Nung nasa harap na kami ng pintuan ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. NUng pagbukas nila ng pinto ay bumungad sakin ang matabang lalaki na galit na galit.

"Makakaganti na rin ako sa pamangkin ko. Ikaw lang pala ang dahilan kung bakit niya yun nagawa. Napakalaki niyang tanga!" 

Hindi ko naintindihan pero pamangkin daw niya si Sander? Pero bakit niya gagantihan ang pamangkin niya, may ginawa bang mali si Sander?

Tumayo yung lalaki at may kinuha sa drawer at nanlaki ang mga mata ko nung tinutok niya ang baril sa ulo ko. Hindi ako halos makagalaw dahil alam kong isang maling galaw ko lang ay papaputukin niya ang baril sa ulo ko. Tumawa siya ng malakas at natauhan ako nung sinampal niya ako.

"Hindi muna ngayon, hintayin ko muna ang magaling kong pamangkin"

Halos maiyak ako sa sobrang sakit ng pagkakasampal niya sakin, "Bakit mo ba ginagawa to?"

Tiningnan ako ng masama ng lalaki, "Manahimik ka na lang dyan at hintayin mong iligtas ka ng magaling kong pamangkin" tumawa siya ulit ng makalas, "Pero sisiguraduhin kong hindi kayo makakatakas sa lugar na 'to"


Napatingin kami pareho sa pinto ng dumating ang tauhan niya at binalitang may pulis na paparating sa lugar na 'to. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay may tutulong na din sakin mula sa mga taong 'to. Pati ang tito ni Sander ay natataranta na din pero nabigla ako nung hinila niya ako palabas ng kwarto.

Nung nasa likod na kami ng bahay na pinagtataguan nila ay nakasalubong namin si Sander. At sa mga tingin pa lang ng dalawa ay mararamdaman na talaga ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Nagkita rin tayo, Sander"

"Bitawan mo si Sam!" sigaw ni Sander, imbes na matakot ay tumawa lang ito ng malakas.

"Pano kaya kong patayin ko ang babaeng 'to sa harapan mo mismo?" tinutok niya ulit ang baril sa ulo at nung hawakan niya na ang gatilyo ay napapikit ako.

"Huwag!"

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Sander, ganyan ka din ba nung namatay ang anak ko? Nagpakita ka man lang ba kahit konting simpatya?"

"Wala kang alam tito" napayuko siya, "sinubukan ko pero..."

"Hinayaan mo pa din siyang mamatay!"

"Mali kayo!"

"Hinding hindi kita mapapatawad Sander, bilang kabayaran..." mukhang seryoso na talaga siyang barilin ako sa ulo

Hinihintay ko ang pagbaon ng bala sa ulo ko pero bakit hindi ko pa din maramdaman ang sakit kahit na may narinig akong putok ng baril.

"Sam!" napadilat ako at ang rumihistro na lang sa utak ko ay ang pagbagsak ng tito ni Sander. Halos hindi ako makagalaw dahil sa dami dugo na nakikita ko. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sakin ni Sander at ilang sandali pa ay dumating na ang mga pulis.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang mga kaibigan ko. Nilapitan nila akong lahat maliban kay Ericka. Nung napatingin ako sa kaniya ay para bang galit siya sakin at saka lang pumasok sa isip ko,


Alam na kaya ni Ericka ang nararamdaman ko kay Sander?


 **

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon