14A.

6.5K 182 5
                                    

Janus POV


Pagpasok ko ay bumungad agad sakin ang kumpulan ng mga tao na nasa may bulletin board, dahil baguhan pa lamang kami  dito sa school na to ay hindi pa kami pamilyar sa mga kaganapan dito. Abala ako sa paghahanap kay ate pero nacurious ako sa kung ano ang tinitingnan nila sa may bulletin board. Paglapit ko sa lugar ay nakita ko ang isang babaeng umiiyak at ang isa naman ay galit na galit, naawa ako sa babae dahil naalala ko ang sarili ko sakaniya noon, buti na lang ay nandun si ate Janua para tulungan ako.

Napalingon ako sa gawing kanan ko at nakita ko ang isang lalaki na parang bang nanggigil sa mga nangyayari.

"Alam mong boyfriend ko si Sander diba? bakit mo nagawa yun? Sa dinami dami ng mga lalaki sa campus ang yung boyfriend ko pa talaga ang nilandi mo! ganiyan ka naba ka-desperada?"

"Tama na yan Ericka!"

Gusto kong tulungan ang babae dahil sobra na ang awang nararamdaman ko sakaniya. Naririnig ko din sa mga bulungan ng ibang estudyante sa paligid ko. Narinig ko ring mag bestfriends pala ang dalawa at dahil sa lalaki ay nag aaway sila ngayon.

Nung umalis na yung isang babae ay umalis na din ang halos karamihan sa mga estudyante at sakto namang dating ni ate Janua. Naglakad na kami papunta sa room namin at nung pag dating namin ay parang huminto ang mundo ng mga kaklase namin. Hehe, sabagay hindi ko sila masisisi dahil may itsura naman talaga kami ni ate at siguro naninibago sila dahil mga mukhang Koreana kami.

May lumapit saming isang babae at nagulat kami pareho ni ate nung bigla niya kaming niyakap. 

"Teka..." halos hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa niya.

Nilapitan na kami nung iba naming kaklase at hinatak na yung makulit na bata pabalik sa upuan niya. Humingi na din ng tawad ang ilang kaibigan niya sa inasal niya, sadyang makulit lang daw yung batang yun.

Nakisalamuha na din kami ni ate sa iba at masasabi kong na-eenjoy ko na ang unang araw namin ng biglang may dumating na limang babae at sa pag asta pa lang nila ay mukhang anak mayaman sila. Nakilala ko ang isa sakanila dahil siya yung nagpaiyak dun sa babae kanina, gusto ko tuloy siyang sabunutan dahil sa ginawa niya sa babae.

"Tama lang yung ginawa mo sakaniya, Ericka. Kung tutuusin nga kulang pa yun, dahil sakaniya ay nasira na ang relasyon niyo ni Sander" sabi nung isang babae na makapal ang make-up. Bakit ba imbes na tulungan nilang magkabati ang dalawa ay sinusulsulan pa nila lalo?

"Kung gusto mo ay tutulungan ka pa namin sa..." hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nung napansin niyang nakikinig ako sa usapan nila.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Sino kaba?" may lumapit samin at mukhang yung class president at saka pinaliwanag na transferee kami pero pagkatapos niyang sabihin yun ay bumalik sila sa pinag uusapan nila at mukhang may masama silang binabalak dun sa babae kanina.

Nalaman ko din na kaklase din pala namin yung kinawawa nila kanina kaya biglang lumakas ang loob ko na tulungan siya sa mga malditang to.

Nung nag uwian na ay nakita ko yung babae, narinig ko din na Samantha pala ang pangalan niya. Papunta siya sa kabilang building kaya sinundan ko siya pero bago pa ko makasunod ay bigla akong kinabahan dahil sumunod din ang mga babae kanina at may dala silang lubid. Kumaripas agad ako ng takbo at pagdating ko sa bakanteng room ay nagulat ako sa nakita ko.


"Siguro naman magtatanda kana ngayon?"

__

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon