Ericka's POV
Matapos ang nangyari kagabi ay hindi ko pa nakakausap si Sander hanggang ngayon. Dalawang araw na ang nakakalipas pero kapag nag aattempt akong kausapin siya ay siya na mismo ang magdadahilan para hindi kami magkausap. Tapos ang masakit pa nun ay nakikita kong si Sam lagi ang kasama niya. Hindi ako manhid, alam kong may kung ano sa dalawang 'yun. Pero alam naman ni Sam na ako ang girlfriend ni Sander at alam kong alam din niya kung anong mararamdaman ko tuwing magkasama silang dalawa. Halos ako na ang nanghihingi ng oras para sa atensyon ni Sander.
Bakit parang ang unfair?
Dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na pinasukan ang sunod na klase namin. Nakita ko din si Cedrick na mag isang nakaupo sa ilalim ng puno kaya nilapitan ko siya at mukhang may pinoproblema din siya gaya ko.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko kay Cedrick
"Wala"
Natahimik kaming dalawa sandali at saka siya nagsalita ulit, "Ang hirap pala ng ganito Ericka, 'yung magkagusto ka sa isang tao na hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinigay mo sakaniya. Hindi ko akalain na ganito pala ang epekto ng pagkagusto ko kay Sam. Aabot pala sa puntong masasaktan ako ng sobra."
Sumadal ako sa puno at tumingin sa langit, "Minsan kahit anong pagsisikap mong mahalin at alagaan ang isang tao, kung hindi naman ikaw ang kailangan niya, hindi talaga magiging sapat ang binibigay mo kahit sabihin mong sobra sobra yun"
"Tama ka Ericka" narinig kong bumuntong hininga siya ng malalim at saka tumayo, "pero kahit ganun, gusto kong makitang laging masaya si Sam. Gusto ko siyang nakikitang nakangiti kahit alam kong hindi ako ang nasa likod ng mga ngiting yun."
Tumayo na din ako at bumalik sa building namin. Nung napadaan ako sa gate ay nakasalubong ko si Rexan na nagmamadaling lumabas. Tinawag ko siya pero hindi niya ko narinig.
Saan kaya siya pupunta? Hindi pa tapos ang klase namin. Ang weird.
Hindi ko na lang pinansin ang isang 'yun at dumiretso sa klase namin. Naging normal ang araw ko at nung uwian na ay hindi ko nakasabay sila Jenny at Sammy. Pagdating ko sa bahay ay nagtaka ako dahil ang daming nakapark na kotse sa labas ng bahay namin. Hindi ko na ikinagulat na halos mapuno ang bahay namin ng mga bisita ni papa na puro mga business partners niya. Nilapitan ako ni kuya at ipinatong ang palad niya sa ulo ko.
"Anong meron, kuya?" tanong ko sakaniya, nagtataka kasi talaga ko, halos isang buwan na din kasing hindi umuuwi si papa dahil busy siya sa trabaho at ngayon madadatna ko na lang siya dito sa bahay na kasama ang mga business partners niya.
"Dun na lang natin pag usapan sa kwarto mo" umakyat kami at ewan ko ba pero parang may sasabihin ata siya na hindi ko magugustuhan. Napatingin ako kay kuya at ang seryoso ng mukha niya.
"May problema ba?" tiningnan niya lang ako at parang naaawa siya sakin
"Gusto kang ipakasal ni papa sa anak ng kasosyo niya."
Nung marinig ko yun ay hindi ko alam ang magiging reaksyonko. Akala ko sa sinaunang panahon lang nangyayari ang mga arrange marriages pero bakit ako? Ayoko sa lahat yung pinapangunahan ang desisyon ko lalo na kung tungkol sa personal life ko.
Agad akong bumaba at nilapitan si papa, napangiti naman siya nung nakita niya ko.
"Nakauwi kana pala, anak. Halika at ipapakilala kit--"
Pinatigil ko si papa sa pagpapakila sakin sa mga bisita. Mukhang alam niya na ang ibig kong sabihin sa mga tingin kong yun sakaniya. May sasabihin na sana siya ng may lumapit samin na naging dahilan ng paghinto niya.
"Ericka, ikaw naba yan? dalagang dalaga kana"
Naiirita ako, ayokong matuloy ang binabalak nila. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaki na prenteng-prente sa pagkakaupo at halatang nasisiyahan sa nakikita niya. Lumapit sakaniya yung lalaking bumati sakin at saka pinakilala sakin.
Tango lang ako ng tango at nung matapos na silang ipakilala kami sa isat-isa ay saka ako nagsalita.
"Papa..." nakatingin silang lahat sakin, "hindi po ako papayag na kayo ang magdisisyon sa sarili ko sa mga ganitong bagay. Sorry po pero hindi ako papayag sa arrange marriage" hindi ko na sila hinintay na magsalita pa, umalis ako ng bahay dahil kung hindi ko pa gagawin yun ay tyak na pipilitin lang ako ni papa na pumayag sa isang bagay na ayoko.
Lakad lang ako ng lakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nahihiya akong tawagan sila Sam at Jenny, pakiramdam ko isa akong malaking loser. Ayoko ng ganito.
Naramdaman kong nag vibrate ang cp ko at binasa ang text galing kay Sam. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumunta na lang ako sa bahay nila. Habang nasa daan ako ay may napag desisyunan ako pero hindi ko alam kong paano ko sisimulan. Nang makarasting ako sa tapat ng bahay nila ay tinawagan ko si Sam.
"Bakit ngayon ka lang? kanina ka pa namin hinihintay ni Jenny. Wag mong sabihing nakalimutan mo?" agad niya akong hinila papasok ng bahay nila, nung una ay hindi ko pa alam kung anong meron pero nung sinabi nilang dalawa na bhessary namin ay saka ko lang naalala ang importanteng araw na 'to.
Nagcelebrate kaning tatlo. Kapag kasama ko sila gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang mga problema ko. Sana ganito nalang lagi.
"Bigayan na ng regalo!" biglang sumigaw si Jenny at si Sam naman ay excited na tumayo at may kinuha sa drawer niya. Binigay sakin nila Jenny at Sam ang regalo nila.
"Buksan mo na Ericka, dali" excited na sabi ni Sam, wala na akong nagawa at nung pagbukas ko ng regalo nila ay bahagya pa kong naiyak kasi naramdam ko kung gaano nila pinapahalagahan ang friendship namin. Tumayo ako at niyakap si Sam at Jenny.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Jenny
"Oo naman, basta siguro galing sa inyo ay magugustuhan ko talaga" lumapit si Sam sakin at pinunasan ang pisngi ko.
"Wag kang umiyak Ericka, sige ka papangit ka nyan." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako
"Baka ipagpalit kana ni Sander kapag pumangit ka" dagdag naman ni Jenny, "Tahan na nga!" natawa na ako nung sumigaw si Jenny at saka niyakap ako ulit.
Nung natapos ang yakapan namin ay nagtaka ako dahil nakatingin ang dalawa sakin at nagniningning ang mga mata nila.
"Bakit?" tanong ko sakanila
"Yung regalo namin?" tanong ni Sam, ang cute niya. Gusto kong matawa kasi para siyang bata
"Ah, ano kasi.. Hmm"
Kung kanina nagniningning ang mga mata nila ngayon naman ay automatic na kumunot ang mga noo nila, "Hehe, ihahabol ko na lang. Nakalimutan ko kasi eh."
"Halaaaaaaaa! Ang daya mo Ericka" napatakip kami ng tenga nung biglang sumigaw na naman si Jenny.
"Jenny naman! Wag ka ngang basta-bastang sumisigaw jan. Ilang megaphone ba ang nalunok mo?" nabigla kami ni Sam nung hinagisan niya kami ng unan.
"Mega phone pala ah!"
"Hoy Jenny! Wait! Hahahaha!" tumayo na din kami ni Sam at saka pinagtulungan si Jenny. Kumuha din kami ng unan at saka binato sakaniya.
Sa sobrang pagod naming tatlo sa paghaharutan ay nahiga nalang kami sa kama. Ang saya ko ngayong araw dahil yun sakanila.
"Ericka" napatingin ako kay Sam
"Bakit?"
"Ano kasi..." napansin kong nag aalangan siya sa sasabihin niya, "ah, wala matulog na lang tayo. Good night"
Nahiga na siya at hindi niya na nasabi ang gusto niyang sabihin. Hindi ako mapakali, alam kong may importante siyang sasabihin.
Hindi kaya tungkol kay Sander?
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]