1. The Start

11.3K 274 10
                                    

Yay! this is it heto na po yung part 2 ng Transformation of a NERD. Fastened your seatbelt kasi magugulantang kayo sa mga mangyayari sa part 2. Nyahaha, Bagong buhay na para sakin pati sa mga characters ko. JUST ENJOY READING ALL THE CHAPTERS I MADE WALA LANG PARA HINDI KAYO MAGING MALUNGKOT?? XP

~~[1]

**Sander

Bakit ba hindi ko napigilan ang mga nanyari ngayon? Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang naipagtanggol si Sam. Of all the people bakit sakaniya pa nangyari ang ganito, ayoko siyang nakikita na nasasaktan at ng dahil sa kagaguhan ko. Kahit nalaman ko na ang mga pinaplano nila Madeline ay hindi ko pa rin talaga hawak ang oras at sitwasyon, NAPAKA TANGA KO!

Inalalayan na nila Jenny at Ericka si Samantha pababa ng stage, hindi ko magawang makalapit sa kanila dahil alam ko sa sarili ko na may kasalanan din ako kung bakit nagyari ito. Si Madeline ay isang biktima lang din ng pagkakataon, nagmahal lang naman siya pero hindi nagawang suklian yun ng pagmamahal na inaasahan niya kay Cedrick.

Nang makarating sila sa pinto ay napansin kong umiiyak si Samantha, gusto ko siyang icomfort sa mga oras na to dahil kahit wala na ang babaeng minahal ko ng minsan nakikita ko siya kay Samantha, siguro nga may pagka unfair ako dahil hanggang sa mga oras na to ay hindi ko pa din tanggap ang pagkawala niya kasi nag promise ako sa kaniya na mag mo-move ako. Pero ang hirap eh, ang hirap tanggapin na wala na siya at kahit kelan ay hindi ko na siya makikita.


"Sander pwede bang dalhin mo muna si Sammy sa clinic may importante lang kaming gagawin ni Jenny" 

Agad kong inalalayan si Sam papuntang clinic para makapag pahinga siya.

"Bakit ganun siya Sander? Tinuring ko naman siyang kaibigan. Bakit ganun na lang ang galit niya sakin?" hindi niya na mapigilang umiyak.

Kung alam mo lang Samantha kasalan ko rin kung bakit nangyari sayo to, hindi ko napigilan si Madeline kahit alam kong mangyayari ang ganitong bagay. Niyakap ko siya at alam kong  nagulat siya sa ginawa ko.

"S-sander"

"Nandito lang ako Samantha hindi kita iiwan"

Kung hindi ko naprotektahan si Gail noon sana maprotektahan ko si Samantha ngayon. Ayoko na ulit maramdaman na mawalan ng importanteng tao dahil sa katangahan ko. 

Biglang bumukas ang pinto na siyang dahilan ng paghiwalay ng pagkakayakap ko kay Samantha.

"Sammy boy ayos kana ba?"

"Oo Jenny salamat sa inyo" 

Inalalayan na niya si Sam at napagdisisyunan ko na din na lumabas ng kwarto para makapagpahinga siya. Hinatid ako ng Ericka sa labas at kita ko din sa mata niya ang pag aalala sa kaibigan niya.

"Salamat, Sander"

"I just wanna help... at may kasalanan din ako" napansin kong may pagtatanong sa expression ng mukha niya

"Alis na ako Ericka kayo na muna ang bahala kay Samantha" sabay tap ko sa ulo niya.


PAPAHALAGAHAN KO NA NGAYON ANG MGA BAGAY NA MERON AKO.



**Ericka

Hala namula ata ako sa ginawa niya, kahit simpleng tap lang sa ulo yun, ang laking big deal na nun sakin. Hindi pa din ako makapaniwala na ang dating pasulyap-sulyap ko sa kaniya noon ay ngayon abot kamay ko na. Hindi pa din ako makapaniwala na official na kami!!!!

Natigilan lang ako sa pag dday dream nung napansin kong may nakatingin sakin. Holo! Baka napagkamalan akong baliw.

"Ano pa bang ginagawa mo jan, Ericka?"

Napakamot ako ng ulo at tinulak si Jenny papasok ng kwarto.

Alam kong nalulungkot ng sobra si Sammy dahil sa ginawa sakaniya ni Madeline, alam ko din na itinuring niya itong totoong kaibigan, pero sinayang lang lahat yun ni Madeline! Akala pa naman namin nagbago na siya. Nakakagalit lang!

"Hoy Sam wag kana ngang mag emote dyan, hindi bagay sayo eh" 

"Hindi naman ako nag eemote."

"Kunwari ka pa dyan Sammy boy. Alam kong masama ang loob mo dahil sa ginawa sayo nung malanding babaeng yun"

"Jenny! wag ka ngang magsalita ng ganyan, may dahilan naman siya kung bakit niya nagawa yun. At wag natin siyang husgahan agad, siguro kailangan lang niya ng totoong kaibigan na magpapaalala sakaniya na mali na ang ginagawa niya."

"Ginawa niya lahat ng ito sayo dahil kay Cedrick" kumento ni Jenny

"Yun na nga Jenny, pinahiya na din niya si Sammy dahil akala niya siya yung umgaw kay Cedrick, which means magkakaroon ng bad image si Sammy boy sa mga schoolmates natin. What if kaya kung ituloy na natin yung matagal na nating binabalak na itransform si Sammy boy"

 "Hoy teka, ano ba yang pinag uusapan nyo?"

Nagkunwari kami na hindi namin naririnig si Sammy. Ngiti lang kami ng ngiti ni Jenny at para bang nag uusap ang mga isip namin. Pinatong ni Jenny ang kamay niya sa balikat ko at sabay kaming humarap kay Sammy.

"Ericka, naiisip mo ba ang naiisip ko ngayon?" sabay tango sakaniya.

"It's time for SHOPPING!" 

Hindi mapinta ang mukha ni Sammy, don't worry girl. We got your back!

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon