5. AMINAN NA TO!

9.4K 283 12
                                    

Enjoy Reading :)

Ang picture na makikita niyo sa chapter na to ay si Cedrick.

Dedicated to wincy kasi magkabirthday kami. ADVANCE HAPPY BIRTHDAY SATIN WINCY! :))))

Bukas ko sana ipopost ko kaya lang nagbago isip ko ngayon na lang total napos na rin naman ang chapter na to kaya ipopost ko na.

--

**Cedrick's POV


Habang tumatambay ako sa field ay nakita ko sila Sander at Sam na papunta sa likod ng school. Nagtaka ako nung una kasi parang hinahatak ni Sander si Sam kaya agad akong tumayo at sinundan sila. Hindi kasi ako mapakali lalo na ngayon na magkasama ang dalawa. Pakiramdam ko may tumutusok sakin pag nakikita ko silang magkasama.

Bago pa man ako makarating sa paroroonan ko ay may tumawag sa pangalan ko, si Ericka.

"Bakit wala ka kanina? hinanap ka nung dalawa"

Napansin kong pilit ang ngiti niya. 

"May inasikaso lang ako, saan ka pupunta?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo, na nakita ko si Sam kasama si Sander at ngayon nga ay balak akong sundun kung saan man sila nagpunta.

"Ahh, ano, babalik na sa room" yun nalang ako lumabas sa bibig ko.

Agad na akong nagpaalam sa kaniya at patakbong tinungo ang direksyon kung saan nagpunta sila Sam at Sander. Nung nasa malapit na ko sa lugar ay bigla kong naalala na ito din ang lugar kung saan nakita ko sila Sam at Sander na magkayakap noon.

Hindi ko alam ang iisipin nung mga panahon na yun. Aaminin ko nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang magkasama lalo na kapag masaya si Sam pag nagkakausap sila ni Sander. Hindi ko man lang siya magawang mapasaya ng ganun kapag kasama ko siya. At dagdagan pa ang ginawa ni Madeline sakaniya, ang tanga tanga ko ngayon ko lang narealize kung gaano kaimportante sakin si Sam.

Nang malapit na ako sa kwarto ay nakasalubong ko ang isang lalaki na nagmamadaling umalis. Dahil na din sa pagmamadali niya ay hindi niya na napansin na nasa harap niya ko kaya nagkabungguan kami.

"Tabi dyan!" pasigaw niyang sabi

Nakilala ko ang lalaki dahil siya yung matagal ng nang sstalk kay Madeline. Kilala din ang isang to na mahilig sa gulo.

Dahil nakaramdam ako na para bang may mali ay hinarangan ko siya at hinigit ang kwelyo ng uniform niya na naging dahilan ng pagbagsak ng cellphone niya. Kinuha ko yun at nagulat ako sa nakita ko.

"Akin na yan!" pasigaw niyang sabi pero dahil galit ang nangingibabaw sakin ngayon ay sinuntok ko siya ng malakas.

Mas lalo akong nakaramdam ng galit nung napanuod ko ang video na hinahalikan ni Sander si Sam. Patakbo kong hinanap kung nasaan man ang dalawa ngayon pero kahit isa isahin ko man ang mga kwarto dun ay hindi ko makita kung nasaan ang dalawa.

Pinakalma ko ang sarili ko, pero tang*na! Bakit kung kelan ko narealized na mahalaga sakin si Sam ay saka naman umeksena ang g*gong yun! Ngayon ko mas lalong nararamdaman ang sakit lalo na may posibilidad na mawala ang taong mahalaga sakin.

Nung naglalakad na ako pabalik ay nakasalubong ko ulit si Ericka at may pagtataka sa mukha niya.

"Anong nangyari? bakit ko umiiyak?" nung una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya at nung hawakan ko ang pisngi ko ay dun ko lang naramdaman na basa iyon.

Inabot sakin ni Ericka ang panyo niya at sa mga oras na to, nahihiya ako dahil kalalaki kong tao pero umiiyak ako.

"Salamat, Ericka"

"Kung sino man ang dahilan ng pag iyak mo ay maswerte siya, kasi hindi ko alam na kaya niyang paiyakin ang kagaya mo. No offense ha, akala ko kasi noon nung kayo pa ni Madeline ay napaka yabang mo, yung tipong gusto mo lahat ng atensyon ay nasayo at..." timigil siya sa pagsasalita at tumingin sakin

"Ang hirap mainlove noh? kaya kung may mahal ka ay sabihin at iparamdam mo sakaniya kung gaano siya kaimportante sayo. Mahirap kayang magsisi sa huli."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang yun ay tumayo na siya at naglakad pabalik sa building kung saang ang klase namin. Tama si Ericka, kung ang makuha ko mang sagot ay kabaliktaran sa inaasahan ko ay atleast nasabi ko at naiparamdam sa kaniya na mahalaga siya sakin.

Nagtaka ako kasi huminto si Ericka sa paglalakad at lumingon ulit sakin. Nakangiti sya at sumigaw.

"Wag kang matakot na magconfess, alam mo naman kung gaano kaslow si Sammy."

Napangiti ako sa sinabi ni Ericka. So, simula pa lang pala ay alam niya na na may gusto na ako kay Sam. Hindi ko sasayangin na pagkakataon na to. Kung mahal ni Sander si Sam makikipagsabayan ako sa kaniya. Kilala ko si Sander, hindi siya tumitigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. pero this time hindi pwedeng pati si Sam ay makuha niya din sakin.

--

Thanks for reading! Enjoy your day.

:)

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon