Chapter 10: PLAY ( part 1 )

14.1K 336 19
                                    

 ~*

Chapter 10: PLAY ( part 1 )

 SAMANTHA

"Good Afternoon class"

"Good Afternoon sir Levi" sabay sabay naming sagot


"Before tayong mag start may iaanounce lang ako, magkakaroon kayo ng isang play as a class. This is going to be your first project in my subject, I hope that all of you will cooperate"

 "Sir about po saan ang play namin?" tanong ni Janna

"Well kayo na ang mag decide but make sure that it is something different"

"Sir ang hirap naman ata nun" yung iba ay nagbubulungan na sa kung ano ang dapat naming iperform, syempre ayokong mabagsak sa subject na 'to kaya mag iisip na ko ng pwedeng isuggest.

"Dito ko makikita kung makikipag cooperate ang bawat isa sa inyo. This is going to be perform before the fourth grading ends kaya marami pa kayong oras para mapaghandaan yan."

"Yes Sir.."

"I'll dismissed you earlier so that you will decide what play do you want to perform and to choose the best characters. Good luck everyone!"

Ok lang sakin kahit extra lang ako basta may exposure kahit papano. Wiiiiii naeexcite ako!

Natapos ang buong time ni Sir Levi na puro yung play lang ang iniisip ko. Honestly speaking 'yun yung passion ko, to perform. San ka pa? Kaya lang masyado akong mahiyain, kaya nga naiinis ako sa sarili ko, di ko maovercome ang hiya na yun yan tuloy nakukuntento na lang ako sa isang sulok nag eemo.

"Classmates let settle now what play we will be going to perform and the characters" pagsisimula ng class President, umayos na din ako ng upo kasi gusto ko talagang makipag cooperate sa project na 'to, isang factor din si sir Levi kaya magiging active ako ngayon. Hihi.

"Oo nga excited na ko, gusto ko ako yung bida" napatingin ako sa babaeng nagsalita at bumarandra na naman ang malanding kaibigan slash alipores ni Madeline

"Wag ka ngang ambisyosa ang bidang role ay bagay kay Madeline."

Speaking of Madeline, hindi ko pa din siya nakikita. Hindi pa rin ba siya pumasok? Pati si Sander wala din, tapos itong kutong lupa na 'to di ko makausap ng maayos. Mukhang malala ang pinag awayan nila ah.

"Sammy boy anong nangyayri diyan kay Cedrick?" tanong ni Jenny

"Wala kong ideya, ang sungit na nga rin niya eh"

"May suggestion ako, Love story ang iperform natin" napadako ang tingin namin sa katabi ni Jenny at para bang hindi sang ayon ang lahat sa naging suhestiyon niya.

"Pangkaraniwan na yun teh diba nga sabi ni sir something different nga daw."

"Eh di mag musical play tayo okay din 'yun tapos may banda pa. ASTIG!"

"Sige mag musical play ka mag isa mo." pagtataray ng vice president, napakamot nalang ng ulo si Denise dahil sa naging reaksiyon ng buong klase.

"Hey guys I have a brilliant idea" napatingin ako sa likod kasi si Ericka ang nagsalita. GO BESTIE!

"Baka issuggest mo action."

"Offcourse not! What if kung pagsamahin natin yung love story at musical play sa tingin ko swak na swak yun. Something different naman 'yun diba?"

"Pwede rin Ericka, Hey classmates agree ba kayo sa isang musical love story play?" amaze na tanong ng class president, syempre agree ako kasi bestfriend ko ang nagsuggest nun. Hehe, Bias!

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon