Chapter 9

12.5K 329 18
                                    

~*

SAMANTHA

Pag pasok namin ng room di pa rin maalis ang pang aasar ng dalawa sakin. Hmm, Sila na updated ako na huli sa balita. Ibang klase silang mang asar tapos si Ericka naman parang baliw na.

"Sander hindi kaba pumunta ng cafeteria?" tanong ni Ericka

"Busy ako"

Hindi lang sya masungit, nayayabangan din ako sakaniya. Bakit siya pa ang nagustuhan ni Ericka. DI SILA BAGAY EVER! Napaka lovable ng bestfriend ko tapos mapupunta lang siya sa isang 'yun, ni hindi ko maimagine kung sakaling maging sila na.

Napalingon ako sa katabing upuan ko at nagtaka ako kasi hanggang ngayon ay wala pa din siya kahit magta time na. Magiging absent siya dahil sa ginagawa niya eh masyado pa naman mahigpit sa attendance ang sunod naming teacher ang gusto niya lahat present at kapag hindi ka lang niya nakita sa upuan mo absent kana agad.

Teka nga bakit ko ba siya iniisip at bakit parang concern ka sa kanya. Yuck!


Nung biglang bumukas ang pinto ay napatingin ako at nakita ko siyang mukhang problemado. Ano kayang nangyari sakaniya?

"Cedrick ayos ka lang ba?" tanong ni Jenny nung napadaan siya sa harap niya, pati siya ay nahalata ang problemadong mukha ng isang 'to

nakakapanibago tuloy

"Samantha"

Sa di ko malamang dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nung tinawag niya ang pangalan ko.

"Bakit?" naghihintay lang ako ng susunod niyang sasabihin pero nakatingin lang talaga siya diretso sa mga mata ko. Nakakailang tuloy!

"W-wala naman"

Eh?

Okaaayy, ano bang problema ng isang 'to. Anak ng tinapa naman oh bakit bumilis ang tibok ng puso ko at para makaiwas sa klase ng tingin niya sakin ay tumingin na lang ako sa likod at mas lalo naman akong nagtaka nung nakita kong nakatingin din si Sander sakin.

Ano bang problema ng mga lalaking to? Oo na ako na ang pangit!!

***
Natapos ang buong subject namin na ganun pa rin ang mood ni Cedrick, napansin ko rin na hindi pumasok si Madeline. Teka nga baka may kinalaman si Madeline kung bakit ganun ang mood ni Cedrick. Kung ano man ang dahilan ng dalawang 'yun labas na ko dun.

Nag ring na ang bell at ibig sabihin lang nun ay uwian na, nilapitan ko si Jenny na nag aayos ng mga gamit niya. Balak ko kasing ayain sila na mag ice cream, ewan ko ba bigla akong natakam sa ice cream.

"Sabay tayong umuwi Jenny"

"Pasensya na Sam di ako makakasabay ngayon may pinapaayos pala sakin sa school publication"

"Okay, kami nalang ni Ericka" sakto namang lumapit na din si Ericka samin pero bago pa ko makapagsalita ay naunahan niya na ako.

"Sorry girls mukhang di ako makakasama sa pag uwi kasi biglang nagtext yung sa club namin at kailangan daw naming magpractice ngayon"

"Bakit nagsabay naman ata, hmm ang daya"
 nakakalungkot naman yung mga ganitong pangyayari, sumali na din kaya ako sa mga clubs para naman may mapagkaabalahan ako pero sa tingin ko wala namang tatanggap sakin

"Babawi kami bukas Sammy"

"Ano pa bang magagawa ko"

Nakakadepress naman oh

xxx

CEDRICK
Hindi na pumasok si Madeline galit talaga siya sakin. Tama ba naman na isipin nyang si Samantha ang dahilan kung bakit ako nakikipag break sa kaniya. Pero iba si Samantha, gusto ko lagi ko siyang nakikita at inaasar. Sa ganung paraan nakukuha ko ang atensyon niya. Natutuwa din naman ako kapag naasar na siya sakin.

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon