Salamat sa patuloy na sumusuporta sa story na to at dahil ikaw ang nangungulit na iupdate ang story na to ay sayo ko idedicate ang chappy na to. Sa totoo lang natatouch ako sa mga kagaya mong nagbabasa nito kahit na sobrang dami ng mga error at minsan walang sense ang upadate at sobrang ikli pa pero wala eh sadyang blessed ako sa mga kagaya mo .
Enjoy Reading :))
~Sayuri
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jenny's POV
Ilang araw din akong absent sa klase dahil na rin sa kagagawan ng damuhong yun. Kahit kailan talaga ang epal niya, napakapapansin pa. Kung hindi lang din siguro ko nagpauto sa kasinungalingan niya ay hindi yun mangyayari sakin. Mabait naman akong tao pero utang na loob naman, may hangganan din ang kabaitan kong 'to! Namimiss ko na tuloy ang mga bestfriends ko dahil ilang araw ko din silang hindi nakita.
Dahil hind ko inaasahan ang naging desisyon nila mama at papa na mag set ng isang date sakin at sa close friend nila na taga Japan ay wala na akong nagawa kundi ang puntahan yung lalaki sa restaurant kung saan ang date namin. Pagbaba ko ng kotse namin ay tumunog ang cellphone ko at nung tingnan ko ay nakita kong tumatawag si Rexan. Hinayaan ko ang tawag nyang yun at nung pagpasok ko ng restaurant ay sumulpot ang isang waiter para iguide ako sa mesa kung nasaan ang kadate ko. Ganito naman lagi ang ginagawa ko at ang kailangan ko lang gawin ay iturn off ang lalaki sa mga gagawin kong moves para siya na mismo ang umayaw.
Hinatid ako ng waiter sa mesa namin at nakita ko ang lalaking nakatalikod. Kung tutuusin mukhag gwapo naman eh kasi likod pa lang pwede na, siguro naman hindi pipili sila mama at papa na hindi pasado sa standards ko pagdating sa mga lalaki.
Nakitang kong kinuha niya ang cellphone niya para siguro tawagan ako dahil sobrang late na talaga ako sa date na to. Biglang nagring ang cellphone ko, inaasahan kong unknown number ang lilitaw sa screen ng pero nung nakita ko ang pangalan ni Rexan ay kumunot ang noo ko. Sakto namang lumingon yung lalaki at mas lalo lang akong nabadtrip nung nakita ko kung sino.
"Bakit ang tagal mo?" hindi ko inaasahan na siya pala ang magiging kadate ko.
Inirapan ko muna siya bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad papalabas ng restaurant. Alam kong susundan niya ako kaya binilisan ko ang paglakad ko at nung nakakita ako ang taxi ay sumakay agad ako para hindi na mahabol pa ng abnormal na yun.
"Manong paandarin mo na po yung sasakyan, may humahabol pong baliw sakin!" halos natataranta na ako dahil alam kong ilang sandali lang a lalabas na si Rexan ng restaurant
"Saan po ba tayo miss?"
"Basta manong paandarin mo na!" pinaandar ni manong ng mabilis ang taxi at nung malayo na kami sa restaurant ay nakahinga ako ng maluwag dahil nawala na rin sa paningin ko ang Rexan na yun.
"Kala niya maiisahan niya ko? Mabulok siya sa kakahanap sakin." nakikita kong tumitingin sakin si kuya mula sa salamin, siguro naiingayan lang ang isang yun sakin pero wala akong pakialam, basta ang importante ay natakasan ko ang damuhong yun. Nakaramdam ako ng pagkaantok kaya naidlip muna ko.
"I love you Jenny."
"Ano bang kalokohan yan Rexan?"
"Hindi kita niloloko, seryoso ako sayo. Maniwala ka."
Nilapitan niya ako at nilapat ang mga palad niya sa pisngi ko. Dahan dahan siyang lumalapit sa mukha ko at nung alam kong lalapat na ang mga labi namin ay napapikit ako ng biglang...
BEEEEEPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPP!
"Ay baklang kabayo!"
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]