~*
Chapter 6
Last period? Done!
"Yes uwian na" heto ang pinakapaborito kong parte sa lahat sumunod lang ang break. Hehe
Nilapitan ko sila Ericka at Jenny na busy sa pag aayos ng mga sarili nila, "sabay na tayong umuwi" tumango lang sila
"Baka andun na ang service ko, dalian mo na nga Jenny sa pag aayos dyan, wala ka namang pinapagandahan pero kun todo ka sa paglipstick dyan" paninermon ni Ericka pero sinimangutan lang siya ni Jenny. NBSB kasi yang si Jenny kaya siguro tinamaan sa sinabi ni Ericka
"Ikaw na lumalovelife" napatingin ako kay Ericka, bakit hindi man lang nagkukwento 'to
"Hoy wala ah!"
"Fine!" sabay tago ng mga pampaganda ni Jenny sa bag. Tatayo na sana kami ng biglang may pumasok at halos mapangiwi kaming tatlo sa malakas na pagsigaw niya.
"Sam!!!"
Ay anak ng tokwa
"Kelangan ba talagang sumigaw? Hindi po ako bingi at pwede ba kutong lupa wag mo kong matawag tawag na Sam, hindi tayo close noh alam mo naman 'yun diba?"
"Kunyari kapa diyan Sam, pero nagustuhan mo din naman 'yung ginawa natin kanina"
Pakiramdam ko namumula na ako ngayon sa sinabi ni Cedrick at sa mga oras na 'to ay gusto ko siyang sakalin dahil sa pagpapaalala pa sakin sa nangyari sa stock room.
Lumapit siya samin at grabe lang kung makangiti, para bang hindi na siya sisikatan pa ng araw "Gusto mong sabay na lang tayong umuwi?"
"Ano?! In your Dreams!" sabay belat
Hindi ko alam ang nasa isip nila Ericka at Jenny dahil kanina pa sila tahimik na para bang wala silang balak na paalisin ang lalaking 'to kahit alam nila na may atraso siya sakin pwera na lang kung nakakaisip na naman ng kalokohan ang dalawang 'to
"Bakit hindi ka na lang pumayag Sam?" tiningnan ko ng masama si Ericka
"Oo nga naman kesa mag ingay pa kayo diyan. Nasa likuran niyo lang naman kami para kung sakaling itanan ka ni Cedrick ay may susuporta pa sainyo"
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!"
Asar ah
Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa lalaking 'to, madaldal din siya pero nakakainis ang kadaldalan niya ah puro non-sense ang mga lumalabas sa bibig niya sayang lang at wala akong dalang masking tape para takpan ang bibig niya
"Andito na ang service ko una na ko sainyo" nagbabye na kami kay Ericka at sumunod na din nag paalam si Jenny pero bago siya tuluyang sumakay ay lumapit muna siya sakin at binulungan ako
"Enjoy lang kayo ah, Magdate kayo kung saan niyo gusto" sabay kindat. Kinilabutan ako sa narinig ko"Pano ba 'yan Sam tayo nalang ang naiwan, gusto mong mamasyal?"
"Gusto ko na umuwi! Asa ka namang sasama ko sayo"
"Maaga pa naman eh, sige na" gusto kong masuka nung bigla siyang nag pout at nag puppy dog eyes pa. Kadiri
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo, masama ba 'yun"
Oo masama lalo na kung ikaw ang makikipagkaibigan, buti sana kung iba wag lang ikaw, Kutong lupa!
"Masamang-masama!"
"Bahala ka basta magkaibigan na tayo ngayon"
Aba! Aba!
Nung napadaan kami sa seven eleven ay bigla akong nag crave sa ice cream. Gusto kong bumili pero naalala kong bumubuntot pa rin si Cedrick hanggang dito, baka magpalibre pa siya sakin eh wala na nga akong pera
"Samantha malapit na ba bahay niyo dito?"
"Paki mo"
"Daan muna tayo sa Seven Eleven bili tayo ng ice cream, dont worry libre ko"
Nahulaan niya ba na bigla akong nag crave sa ice cream? o nababasa niya ang naiisip ko? Pero bahala na kung ano man ang kapangyarihang meron ang isang 'to at nahulaan niya ang importante ay libre niya daw eh. Hihi
Pagpasok namin sa Seven Eleven ay napansin naming madaming tao at halos lahat ng upuan ay naoccupy na nilang lahat.
"Samantha kainin na lang natin 'yung ice cream habang naglalakad tayo, wala ng bakanteng upuan eh"
Bahala siya ang importante ay ang makakain ako ng ice cream. Pumila na si Cedrick hanggang sa makapunta siya sa counter para umorder at bigla niya akong tinawag at tinanong
"Anong flavor sayo?"
"Chocolate" my forever favorite
Bumalik ang atensiyon niya sa babae at sinabi ang order niya, "Ice cream for two, vanilla and chocolate"
Nung inabot na sakaniya yung ice cream ay lumapit siya sakin para ibigay ang chocolate ice cream at ang lapad ng ngiti ko. Tinalikuran ko na siya nung nakuha ko na ang gusto ko at hihintayin ko na lang siya sa labas pero bago pa ko makapunta sa pinto ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Cedrick"Samantha tumingin ka sa dinadaanan mo"
---
Cedrick
Matapos kung tanungin ang flavor na gusto ni Samantha ay nakita kong parang nagningning ang mga mata niya, siguro adik sa chocolate ang babaeng 'yun kaya ganun. What's new
Binigay na nung babae yung dalawang chocolate flavor na order ko at inabot ko agad kay Samantha ang isa at bumalik sa counter para bayaran ang binili ko kaya lang nung binigay na sakin 'yung sukli ko ay nakita ko si Samantha na mababanggaan ang lalaki na nakatayo sa may pintuan
"Samantha tumingin ka sa dinadaanan mo!"
*Poinks*
Napailing-iling na lang ako sa pagiging clumsy niya, porket may hawak na siyang ice cream ay nakalimutan niya ng tumingin sa dinadaan niya? Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Nainis 'yung lalaking nabanggan ni Samantha dahil nadumihan ang puti niyang damit, kahit naman ako ay ganun din ang magiging reaksiyon ko. Humingi ako ng pasensiya sa ginawa ng babaeng 'to buti lang at tinanggap niya naman ang apology sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.Tiningnan ko si Samantha na nakatingin din sa nahulog na ice cream sa lapag at halos hindi maipinta ang mukha niya. Teka, iiyak ba siya? para 'yun lang eh. hayss
"Ang ice cream ko, ang chocolate ice cream ko"
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" may sumulpot na lalaki samin at nagulat ako nung makita ko siya, pati si Samantha ay nagulat din nung makita niya ang lalaking 'to
"Mister sungit?"
"Sander?"
Sabay pa kaming nagsalita ni Samantha kaya nagkatinginan kami
"Magkakilala kayo?" nagsabay ulit kami.Tsk!
"Kelan ka pa dumating? bakit di ka man lang nagtext?" nakita ko ang pagtatakang ekspresiyon ni Samantha,
"Last week pa" biglang kumunot ang noo ko, bakit ngayon lang siya nagpakita? parang hindi ko siya bestfriend ah
Dumako ang tingin niya kay Samantha at nakita kong namula ang babaeng 'to, "Ang hilig mo talagang gumawa ng eksena"
Magkakilala ba sila?
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]