Sam's POV
"Siguro naman ngayon magtatanda kana ngayon?" gigil kong sabi sa babaeng 'to dahil kanina pa ko nanggigil sakanilang tatlo.
"How dare you!" galit na din niyang sagot, sila ang nagsimula kaya lumaban lang ako. Hindi na ako magpapatalo sakanila. Dati na nila kong pinagkaisahan pero ngayon hindi na ko papayag na paglaruan o kawawain nila.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagsampal sakin ni Ericka na noo'y kasama ng mga kaibigan ni Madeline, halos maiyak ako sa ginawa niya hindi dahil sa sakit ng sampal niya kundi sa reyalidad na tapos na ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa lalaki.
"Kulang pa nga yan Samantha, hindi mo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon! Ang sama sama mong kaibigan, mang aagaw ka!" kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ko na wag umiiyak ay wala ring nagawa iyon dahil kusa ng tumulo ang mga luha ko. Kung nung una palang talaga ay tinigil ko na ang nararamdaman ko kay Sander eh di sana maayos kami ngayon, eh di sana hindi ko nasasaktan ng ganito si Ericka, eh di sana...
"Simula ngayon Samantha ay hindi na kita kaibigan. Eto naman ang gusto mo diba? ang masolo si Sander? kahit maglandian pa kayo ay wala na kong pakialam sa inyo. MAGSAMA KAYONG DALAWA!"
"Ericka..." yumuko ako dahil hindi ko na talaga kaya ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.
Lumabas na sila at naiwan akong umiiyak. Wala na talaga, hindi ko na mababalik ang dati. Kasalanan kong lahat 'to. Ang tanga-tanga ko kasi!
Hindi ko namalayan na may nakalapit na pala sakin at pag angat ko ng ulo ay nakita ko ang isang babae at inaabot ang panyo niya sakin. Kinuha ko yun at pinunasan ang mukha ko, kahit nahihiya ako dahil sa mga nakikita niya ay hinayaan ko lang iyon dahil masama ang loob ko ngayon.
"Bakit ba pumapayag kang ganyanin nila?" napatingin ako sakaniya, "nandun ako kanina at nakita ko kung pano ka umiyak dahil sa babaeng 'yun, at ngayon ulit."
"Bestfriend ko siya, pero dahil sa katangahan ko ay nasira ang pagkakaibigan namin"
"Nakikita ko ang sarili ko sayo. Naranasan ko rin ang mga nararanasan mo ngayon pero gumawa ako ng paraan para hindi na nila ulit ako maapi kasi kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo ay mas lalo mo lang pinapakita sa kaibigan mo na mahina kang tao. Kailangan mong bumangon at lumaban."
"Hindi ko kayang gumawa ng ikasasama ni Ericka, dahil sa simula pa lang ay kasalanan ko naman talaga"
Tinapik niya ang balikat ko at may bumulong.
Bago ako pumasok sa eskwelahan ay sinigurado kong nasa ayos na ang lahat, nagtaka sila mama sa ayos ko ngayon.
"Bakit ganiyang ang itsura mo?" tanong ni papa sakin, medyo napagtaasan niya ako ng boses pero hindi ko siya pinansin. Lumabas na ako ng bahay at rinig ko pa din ang pagsigaw ni papa.
Nung nasa gate na ako ay halos lahat ng mga nakakasabay at nakakasalubong kong estudyante ay nakatingin sakin. Inisip ko na lang ang sinabi sakin ni Janus na kapag ginawa ko ito ay tyak wala ng makakapang-api sakin. Sawang-sawa na din akong maging mahina at inaapi-api ng iba.
"Hoy ano ba" rinig kong sigaw nung isang babae
"Ate Sam..." ngumiti siya sakin habang yung isang kasama niya ay hinihila na siya papalayo.
"Tara na kasi Kaycee"
Bakit ba ganun na lang kung makahila ang babaeng yun? natatakot ba siya na baka kung anong gawin ko sa kaibigan niya? Hindi ko naman siya susungitan o sasaktan. Dahil ba sa nag iba ang ayos ko ngayon ay nag iba na din ang tingin nila sakin?
May narinig akong bulungan galing sa mga estudyanteng nasa paligid at ilang sandali pa ay dumating na sila Ericka at ang mga kaibigan ni Madeline. Kung bakit ako nagbago ngayon ay dahil yun sakanila, ayoko ng magpa api sa mga kagaya nila.
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa nung isa sakanila at sabay ngisi, "Nagmukha ka lalong pokpok" hindi ko mapigilan ang galit ko sa mga lumalabas sa bibig ng babaeng yun, parang gusto ko siyang sampalin ng makita niya ang hinahanap niya.
"Paraan mo ba yan para akitin na talaga ang lahat ng mga lalaki dito? Ang landi mo talaga!" dahil hindi ko na talaga mapigilan ay lumapit na ako sa kaniya at sinampal siya ng malakas. Ang mga estudyante naman sa paligid ay nagulat sa ginawa ko.
"Ailee!" sigaw nung isa sakanila
"Ang kapal talaga ng mukha mong saktan si Ailee!" lumapit yung isang babae sakin at saka ako sinabunutan pero hindi ko hinayaan na masaktan nila ulit ako.
"Tama na yan!" napatigil kami nung biglang sumigaw si Ericka, akala ko ay tutulungan niya ako pero hindi ko inaasahan ang pagsampal niya sakin. Sa pangalawang pagkakataon ay naging mahina na naman ako sa harap ng maraming tao.
"Tama na yan Ericka!" biglang lumitaw si Cedrick sa eksena at pinigilan si Ericka, ako naman ay pinipilit ang sarili ko na hindi umiyak sa harapan nila.
"Bakit mo ba ginagawa to kay Sam? Parang wala kayong pinagsamahan."
"Bakit?! naisip niya ba ang mga pinagsamahan namin nung landiin niya si Sander? Hindi diba? Kaya wag kang umasta na parang bayani na pilit kaming pag aayusin dahil mukhang hindi na yun mangyayari. Kung tutuusin dapat ako ang kinakampihan mo Cedrick eh dahil sa babaeng yan ay nahihirapan ka ngayon." tiningnan ko si Cedrick at may lungkot ng mukha niya.
"Tama na, Ericka"
"Ayoko! Umalis ka, Cedrick"
Dahil nagkakagulo na ay inawat na kami ng teacher kaya ang mga estudyanteng kanina ay nanunuod ay halos wala na. Inalalayan ako ni Cedrick na tumayo, halos hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil na rin sa hiya sa mga bagay na nagawa ko sakaniya lalo na ang saktan siya ng ilang beses.
Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang make up sa mukha ko. Habang ginagawa niya yun ay may napansin akong sugat malapit sa mata niya.
"Wag mo na ulit gagawin to Sam" tiningnan niya ako sa mga mata ko, "simula ngayon poprotektahan na kita."
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]