17. Bestfriends Forever

8.3K 201 9
  • Dedicated kay Sa lahat ng nagbasa nito. I love you all <3
                                    

Sam's POV


Ang hirap naman ng ganito, yung tipong gusto mo ng makapagsolo at mag emote pero hindi ka naman makaalis sa pagkakabantay ng lalaking to.

"Sam, ubusin mo yan ha" napasimangot ako dahil halos punong puno na ang plato ko pero sige pa rin siya sa paglagay ng kung anu-ano.

"Ang dami na nito Cedrick, at saka bakit ba nakikialam ka sa pagkain ko?" kung kanina pinakialaman na niya ako sa paggawa ng assignment namin tapos ngayon naman ay ito. Bakit ba siya ganyan?

"Mabuti nga yan para tumaba ka eh" nakangisi niya pang sagot.

Sumimangot ako dahil sa mga pinapakita niya sakin, naiirita ako pero kung sabagay nakakalimutan ko ang sama ng loob na nararamdaman ko sa nangyari samin ni Ericka pero ang ipinagtataka ko ay bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Jenny? alam na kaya niya ang nangyari samin?

Halos napapatulala na ako dahil sa pag iisip ng kung anu-ano ng may biglang sumigaw sa cafeteria at sabay kaming napalingon ni Cedrick sa babaeng sumigaw.

"Hala! bestie mukhang end of the world na ata. Huhuhu, nakita ko ang forever crush ko na si Rexan at si Jenny na magkaholding hands. Oh no, I can't take this anymore!" pag iinarte nung isang ka-school mate namin na kaklase ni Rexan. Dun ko rin narealized na kahit si Rexan ay hindi ko rin pala nakikita nung mga nakaraang araw.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, wag ka ng umasa di hamak naman na mas maganda sayo yun" tumawa yung iba pero kinomfort din siya nito sa bandang huli. Ang mga kaibigan talaga pagtatawan ka muna bago ka nila tutulungan.

Napadapo ang tingin ko kay Cedrick nung naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at nung tingnan ko siya ay ang aliwalas ng ngiti niya.

"Hoy, ano yan? tsansing ka ah"

"Hindi ah, gusto ko lang mag practice" sabi pa niya

"Anong practice ang pinagsasasabi mo jan ha?"

"Nagpapractice lang para kung sakaling maging tayo" iniangat niya ang kamay namin na magkaholding hands na naging dahilan ng pag init ng pisngi ko. Felling ko ang pula na ng pisngi ko ngayon.

"Hoy, Sam!" napabitaw ako sa pagkakahawak ng kamay namin nung biglang sumulpot sa harap namin sila Jenny at Rexan na noo'y nang aasar ang mga ngiti nila. Nasabi ko na ba na nanliligaw ulit si Cedrick sakin kahit walang approval ko? 

Sadyang makulit kasi ang unggoy na to, kahit sabihin ko na mababasted lang siya ay pilit pa ring nanliligaw. Kahit daw wala akong balak na sagutin siya, basta liligawan niya ako hanggang sa magbago ang isip ko. Sa totoo lang parang ayokong i-entertain ang mga ganitong usapin dahil marami pa akong pinoproblema lalo na samin ni Ericka pero ang sabi naman ni Cedrick ay mas kailangan ko daw siya ngayon sa tabi ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon kaya ayun didikit dikit na sakin at kahit saan ako magpunta ay nandun din siya puwera na nga lang sa cr dahil kung pati rin dun ay sasamahan niya ako ay makakatikiim na talaga siya sakin.

"Kayo na ba?" bago pa ko intrigahin ng dalawang to ay inunahan ko na sila ng tanong. Nakangiti lang ang dalawa at sa mga senyasan nila ay mukhang confirm nga ang hula ko.

"Congrats!" biglang tumayo si Cedrick at kinamayan si Rexan.

"Anong congrats ka jan, hindi pa kami noh. Nanliligaw palang siya" nagkatinginan kami Cedrick

"Pero naghoholding hands na kayo? nakita kayo nung classmate mo Rexan" pagtataka kong tanong at ilang sandali pa ay natawa si Rexan

"May nilagay lang ako sa kamay ni Jenny kanina"

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon