13. Secret Revealed

6.9K 213 13
                                    

Sam's POV


Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita, yung nangyari samin nung isang araw ay hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan. Nakukunsensya ako kasi parang pinaglalaruan ko na ang mga feelings nila. Si Cedrick ay may gusto sakin pero kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. May gusto ako kay Sander pero alam kong mali yun dahil girlfriend niya ang bestfriend ko. Kahit na sabihin ni Sander na may gusto din siya sakin ay hindi talaga pwede kasi ayokong masaktan si Ericka.

Pagdating ko sa room ay nagtaka ako kasi masama ang tingin ng mga kaklase ko sakin. Yung mga alipores ni Madeline ay lumapit sakin pero hindi ko sila pinansin pero sadyang papansin ang mga yun kaya medyo nabadtrip ako. Sino ba naman ang hindi, kay aga-aga ay kung anu-ano ang pinagsasasabi nila.

"Ang landi mo talaga! Gumanda ka lang gusto mo lahat ng lalaki ay mapunta sayo"

"Nakuha mo na nga si Cedrick na para dapat kay Madeline tapos ngayon si Sander naman kahit alam mong may girlfriend na siya at bestfriend mo pa talaga ang pinili mong saktan ha? HIndi kaba nakukunsensya sa ginagawa mo?"

Tumayo na ako dahil punong-puno na ko sa mga naririnig ko sa dalawang to. Ano bang pakialam nila? at saka wala silang alam kaya wag nila kong huhusgahan. Hindi naman ako palaaway pero sa mga ganitong pagkakataon ay ang hirap kontrolin ng galit ko lalo na't ayaw kong makagawa ng eksena.

Nilapitan kami ng class president at sinubukang patigilan ang mga alipores ni Madeline.

"Sam, hayaan mo na lang sila" sinunod ko ang sinabi niya at naupo ulit. Umalis na din ang mga panira at kasabay nun ay nilapitan ako ng iba ko pang kaklase. Nagtataka ako kasi wala sila Jenny at Ericka na kailangang-kailangan ko ngayon.

"Anong bang nagyayari?" tanong ko sa katabi ko, tiningnan niya ako ng may pagtataka sa mukha niya.

"Hindi mo ba alam Sam?" umiling-iling ako 

Nagkakagulo din sa labas at ang iba ay masama talaga ang tingin sakin.

"Hindi mo ba nakita yung picture sa bulletin board?"

"Anong meron dun?" kinakabahan ako sa isasagot niya, hindi naman magiging ganito ang araw ko kung hindi importante ang nakapost dun sa bulletin board.

Hindi siya agad sumagot at mukhang nag dadalawang isip kung sasabihin niya ba sakin. Pinilit ko sila na sabihin kung anong meron dun at nung nalaman ko ay agad akong tumakbo papalabas ng room hanngang sa nakita ko ang kumpulan ng mga tao.

Nakisiksik ako sa sobrang dami ng tumitingin at nung nasa harap na ko ay automatic na tumulo ang luha ko sa mga nakita ko.

Hindi pwede to, bakit nandito ang picture namin ni Sander nung hinalikan niya ako. Naalala ko nung mga panahong yun, may narinig akong kalabog. Hindi kaya may nakakita samin at nakunan pa kami?

 Dali-dali kong tinanggal ang mga litratong yun dahil ayokong makita yun ni Ericka pero huli na nung narinig ko ang boses niya. Gumilid ang mga estudyanteng nakapalibot sakin. Kinakabahan na ako sa mga puwedeng mangyari, hindi ako papayag na masira ang pagkakaibigan namin ng dahil dito.

"Magpapaliwanag ako Ericka..." nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya pero iniwas niya yun at kita ko ang galit sa mga mata niya

Ngayon pa lang gusto ko ng magsisi sa lahat ng katangahang nagawa ko.

"Bakit Samantha?" nagsisimula na siyang umiyak pero naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang siya macomfort dahil yung katotohanang ako ang nakasakit ng sobra sa bestfriend ko.

"Ericka, magpapaliwanang ako"

"BAKIT?!!"

"I'm so sorry" napayuko nalang ako dahil ayoko siyang makitang umiiyak

"Alam mong boyfriend ko si Sander diba? bakit mo nagawa yun? Sa dinami dami ng mga lalaki sa campus ang yung boyfriend ko pa talaga ang nilandi mo! ganiyan ka naba ka-desperada?" 

Nagulat ako sa mga salitang binitawan ni Ericka pero kasalanan ko naman talaga kaya dapat lang na pagdusahan ko ang consequences ng katangahan ko, "Bakit ganyan ka Sam? may taong nagmamahal sayo pero mas pinili mong saktan siya at ngayon nilandi mo ang boyfriend ko"

"Tama na yan Ericka!" napatingin kami sa lalaking sumigaw at nakita ko si Cedrick. Nilapitan niya ko at hinila papalayo sa lugar na yun.

Iyak pa din ako ng iyak habang hila-hila ako ni Cedrick. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at nung nasa field na kami ng campus ay napahinto siya. Humarap siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi na ako nakareact sa ginawa niyang yun dahil kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Bakit ba sa tuwing nalulungkot ako ay lagi siyang nanjan sa tabi ko kahit na alam niyang hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sakin.

"Andito lang ako Sam" napaiyak na ako ng tuluyan ng marinig ko iyon, "kahit ipagtabuyan mo ko, hinding-hindi kita kayang iwan"


__

Hello readers, salamt sa mga patuloy na nagbabasa ng story na to at mas lalo kong naappreciate yung mga readers na patuloy sa pagvote at comment. You guys rock! kaya mahal na mahal ko kayo. <3


BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon