~*SAMANTHA
Di pa rin talaga ko makapaniwala na ako ang bida sa play namin, hanggang ngayon lutang pa din ang isip ko. Pano kung di ko magampanan ng maayos 'yung role ko? Pano kung maging pabigat lang ako? Pano kung...nagpagulong gulong lang ako sa kama kasi ngayon palang ay kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyrai sa play na yun..
~~
"Samantha alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero kasi..." sa di malamang dahilan ay kumabog bigla ang dibdib ko at para bang hindi ko magugustuhan ang maririnig ko sa taong kaharap ko ngayon, "...mahal kita"Matapos kong marinig ang mga salitang 'yun ay halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ko naririnig ang mga salitang 'yun sakaniya? hindi ako makapaniwala na masasabi niya yun sa harap dahil ni minsan ay hindi ko man lang naiisip na darating ang araw na to at magtatapat siya sakin.
"Gusto kong kumpirmahin ag sinabi niya at gusto kong makita kung sino siya, nakakatawa mang isipin na talikuran niyang sinabi yun at hindi ko man lang makilala ang lalaking 'to. Ang weird lang ng nangyayari ngayon. Kung panaginip man 'to ay sana lang magising na ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.
"S-sino kaba?"
"Mahal kita Samantha" inulit na naman niya.
~~
"Hanggang kelan ba matutulog ang isang 'to? tanghaling tapat na pero tulog na tulog pa rin siya."
"Para siyang mantika"
"Alam ko na Jenny picturan natin si Sammy, nakakatuwa kaya ang itsura niya, may panis na laway pa siya oh"
~~
"Sino ka ba?" unti-unting humarap ang lalaki hanggang sa....
*BLAG*
Napabangon naman ako agad sa pag kakahiga ng marinig ko ang malakas na kalabog.-_-
?_?
O_o
O_O
WHAA!! anong ginagawa nyo dito? San kayo dumaan? At b-bakit. Bakit may hawak kayong cellphone?
"Ang O.A mo naman Sammy boy syempre dyan kami dumaan (sabay turo sa pinto). Alangan naman sa bintana. HALER! Nasa second floor po kaya ang kwarto mo. Hindi naman kami si Darna na makalibat para makapunta dito."
"Eh bakit hawak mo Ericka ang cellphone mo?"
"Bakit masama ba Sammy? FYI. may katxt po kaya ako kaya hawak ko to"
"Katxt ka dyan alam ko ang binabalak nyo Akin na yan. AKIN NA YAAAAAAAAAAAAANNN!" >O<
Sabay talon sa kama para kunin kay Ericka ang cellphone. Nagkaroon pa tuloy ng patintero para makuha ko lang ang cellphone nya. Isang malaking kahihiyan kapag hindi ko agad nadelete ang mga yun.>_<
"Nakakatakot ka Sammy, para kang amazona. Picture lang naman yun. Hindi naman namin ikakalat yun"
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]