~*
Chapter 4
Pag uwi ko sa bahay sunod sunod na tanong ang ibinato sakin ni mama, umuwi ba naman ako na basang basa at mabaho, buti nalang walang gaanong tao nung pauwi ako dahil kung hindi hayy naku! wala na akong mukhang maihaharap sakanilang lahat!
Pagkatapos kong maligo at kumain dumiretso agad ako sa kwarto at pagkaupo ko sa harap ng salamin ay napaisip ako bigla.
"Ano bang problema nila at pinagtitripan nila ako? Dahil sa panget ako? eh ano naman ngayon? Pero kung mag aayos naman siguro ko kahit konti ay hahayaan na nila ako at hindi na nila ko gagambalain"
Ay tokwa naman oh! isabay na nung lalaking naging seat mate ko na walang ibang ginawa kundi ang titigan ang mga ginagawa ko. Nakakairita na siya masyado
xxx
Hindi na ako gumising ng maaga para makapag jogging, pakialam ko naman kung tumaba na naman ako kesa naman masalubong ko siya at gantihan na niya ako sa ginawa ko pero infairness hindi pa siya gumagawa ng move para makaganti sakin.
Pagkapasok ko sa room ay wala pang gaanong estudyante at nakita ko ang dalawa kong bestfriends na nag uusap
Inilapag ko muna ang bag ko sa mesa at saka sila nilapitan, "Good Morning bestfriends" matamlay kong bati sakanila dahil medyo masama ang pakiramdam ko ngayon
"Anong nangyari sayo Sammy?" pag aalalang tanong ni Erickaayoko naman magtago sakanila kaya sasabihin ko sakanila ang nangyari sakin kahapon"Ano kasi..." napansin kong nakatingin lang sakin si Jenny at hindi ko mabasa ang iniisip niya
"Ano Sammy?"
"Kahapon kasi nung nagpunta ako ng locker room bigla akong sinum--" hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil bigla ng pumasok ang maingay na grupo nila Madeline at grabe lang sila kung makatawa. Nung dumapo ang mga mata niya sakin ay para bang nakaramdam ako ng takot na para bang may mali at may mangyayari na naman na hindi ko magugustuhan
Nakatingin lang kaming tatlo sakanila hanggang sa nagsalita si Jenny, "May kinalaman ba sila kung bakit ka matamlay ngayon?" seryosong tanong ni Jenny
Napatango ako sabay yuko
Tatayo na sana si jenny para sugurin ang grupo nila Madeline, buti na lang at napigilan agad siya ni Ericka
"Huminahon ka Jenny, walang mangyayari kung susugurin mo lang sila basta basta, dapat mag isip tayo ng ideya para makaganti sakanila. Sumusobra na din kasi ang babaeng yan, wala na silang ibang ginawa kundi ang pag initan si Sammy"
"Ngayon lang to Ericka pero I swear talaga kapag hindi ako nakapagpigil baka masabunutan ko iya"
"I'm sorry" parang maiiyak na ako sa mga nangyayari
"Bakit ka naman nag sosorry Sammy? wag kang mag alala kailangan nila ng leksyon para matutunan nila ang tamang pakikitungo sa kapwa"
Nag kwento na ako sa kung ano talaga ang nangyari, mula sa pagbuhos sakin ng nakakadiring likido hanggang sa pagligtas sakin nung lalaking nakita ko sa tambayan namin
"Kilala mo ba kung sino yun?" kung kanina galit na galit si Jenny ngayon naman nung nabuksan ang topic tungkol dun sa nagligtas sakin ay para bang nagningning ang mga mata niya
"Hindi ko siya kilala at saka naging weird din ang una naming pagkikita dahil napagkamalam ko siyang isang malamig ng bangkay"
"Seriously? anong nangyari?" si Ericka naman ang naging interesado
"Kasi naman tutulog tulog kung saan at sakto namang nakalitaw ang kamay niya kaya nung nakita ko ay saka ko nalaman na hindi naman pala siya patay"
"Gwapo ba?" pagkarinig ko sa tanong na 'yun ay biglang nag init ang pisngi ko
"Bakit namumula ka?" nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti ng nakakaloko
"uyyy, namumula siya"
"Hindi ah!"
Buti na lang at dumating na ang teacher namin kaya naman save by the bell ako at hindi ko na kailangan pang harapan ang mga intrigang ibabato nila sakin pero alam ko mamaya ay kukulitin na naman nila ako tungkol sa bagay na 'yun.
Habang nagdidisscuss si maam ay biglang nahulog ang ballpen ko at nung pupulutin ko na ay naunahan na ako ng katabi ko
"Heto oh" sabay kindat
Yuck huh! kala mo naman kung sino
Bago kami pauwiin ay pinatawag ako ni Maam Tanya at inutusan na dalhin ang ilang gamit sa stock room at dahil mabait ako ay syempre pumayag ako na mautusan
CEDRICK
Pano ko kaya masisimulan ang mga pinaplano ko sa babaeng 'to? Nakakainis naman kasi ang teacher na bakit ba ang boring niyang magturo at halos wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niyaNapatingin ako sa gilid ko nung may nahulog na ballpen at ang babaeng 'yun ang may ari kaya naman mabilis kong kinuha 'yun para maiabot sakaniya. Asa naman siyang gagawin ko yun para makipagkaibigan eh ang panget panget niya! Sakto namang dadamputin din niya ang ballpen kaya nung pag angat niya ng ulo niya ay natitigan ko sandali ang mga mata niya
Ang ganda pala ng mga mata niya, hindi nga lang halata dahil sa salamin niya pero teka bakit nag iisip ako ng ganito tungkol sa kaniya. Nakakakilabot ah!"Heto oh" kinindatan ko siya at sa naging ekspresiyon ng mukha niya ay alam kong nandidiri siya. Gusto ko tuloy matawa
Bago pa kami palabasin ni maam Tanya ay narinig kong inutusan siya sa stock room. Mukhang heto na ang pagkakataon ko para maturuan siya ng leksyon kaya naman nung paglabas niya ng room ay sinundan ko siya agad at wala akong pakialam kung tintawag man ako ni Madeline
xxx
Pagpasok ni Samantha sa stock room ay agad kong sinara ang pinto at sa inisiyal na reaksyon pa lang niya ay gusto ko ng matawa dahil epic fail ang itsura niya at halos hindi ko mapigilan ang tawa ko. Parang gusto ko tuloy gumulong sa kakatawa, mukhang tanga lang kasi eh matakot ba naman sa ganun lang? Hindi ako kuntento sa ganun ganun lang gusto ko pa siyang matakot lalo para naman kahit papano ay mabawasan ang pangangati ng kamay ko na gantihan siya sa ginawa niya.Dahan dahan ko siyang nilapitan at nung nakita niya ako ay may takot pa din sa mukha niya kaya wala siyang ibang magawa kundi ang mapaatras. Nung halos wala na siyang maatrasan ay nabasandal siya sa pader at hinarangan ko siya ng dalawang braso ko para hindi siya makatakas sa gagawin ko.
Bingo! Ano ka ngayon
Nakapikit lang siya habang nagmamakaawa na patakasin na siya sa ginagawa ko, sayang at hindi ko magawang mavideohan ang reaksyon niya. Tinititigan ko ang mukha niya at nung hind na ako umiimik ay untiunti niyang iminulat ang mga mata niya hanggang sa nagtagpo ang mga paningin namin at gaya kanina ay humanga na naman ako sa ganda ng mga mata niya.
Bakit ba ang ganda ng mga mata niya!Dahil sa tahimik ang lugar ay halos naririnig ko na ang tibok ng puso niya. Effective pala ang naisip ko pero may naisip pa akong ideya para mas maging exciting ang nangyayari samin ngayon. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at halos nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko, nakita ko din ang pamumula ng mukha niya na parang kamatis. Siguro kung hahalikan ko siya ay first niya iyon pero asa naman siyang hahalikan ko siya!
"Wag kang assuming, kala mo naman hahalikan kita"
Agad niyang idinilat ang mga mata niya at tinulak niya ako ng buong lakas
"Manyak!" at dali-dali na siyang lumabas ng stock room
Cute pala siya kapag nagagalit
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]