~*
Chapter 7
Nagkita ulit kami ng lalaking 'to at ano pa nga ba ang aasahan ko, syempre nagsungit na naman ang isang yun. Pero this time ay dahil na sa katangahan ko!
Teka, bakit ako? kasalanan pala 'yun nung lalaking nakaharang sa pinto!
"Kelan ka pa dumating? bakit hindi ka man lang nag text?"
"Last week pa"
Napansin kong nakatingin siya sakin at hindi kay Cedrick kaya nakaramdam ako ng pagka uneasy. Ang init pala sa pakiramdam na matitigan ka ng kagaya niya. Whooo! Aircon Please!
"Ang hilig mo talagang gumawa ng eksena" ngumiti siya at kung kanina ay naiinitan lang ako ngayon naman ay gusto kong sumabog
Kung hindi lang siguro umepal si Cedrick ay hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko sa sarili ko. Kahit papano may magandang patutunguhan din pala ang pagiging epal niya
"Sander si Samantha nga pala"
"Kilala ko na siya"
kasi inistorbo ko ang mahimbing na pagtulog niya. tss
Nag usap lang ang dalawa na para bang hindi ako nag eexist sa paligid nila. Ano pa bang gagawin ko sa lugar na 'to eh wala na rin naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Nagpaalam ako sakanila at bago pa ako makaalis sa seven eleven ay hindi nakatakas sakin ang tingin ni Sander na kahit nakatalikod na ako ay ramdam ko pa din ang pagsunod niya ng tingin.
xxx
Last day of school, Friday na ngayon at ang bilis lang dumaan ng araw ng pagiging third year student ko. Syempre andiyan na yung mga schoolworks pero kapag nakikita ko naman si sir Levi ay namomotivate ulit akong pumasok at may extrang inspirasiyon pa, wag nga lang lilingon sa gilid at sira na agad ang magandang simula ng araw ko
Pati si mama ay nagtataka na din dahil hindi na ako nag jajogging tuwing umaga, sino ba naman ang hindi madadala kung makakilala pa ako ng isa pang 'Cedrick' na gugulo na naman sa tahimik kong buhay. Okay na ang isa, eh sa ayaw lumubay eh! Ano pang magagawa ko
Nakakapagpadagdag pa ng good mood ko ang makakita ng bulaklak sa daan at pagpasok ko sa gate ng school namin ay napansin ko agad na nagkakagulo ang mga estudyante sa bulletin board.
"Ano ba yan ang aga-aga pinagkakaguluhan nila 'yung bulletin board" sambit ko sa sarili ko dahil halos blockbuster lang ang peg sa sobrang dami ng mga nagkukumpulang estudyante
"Ang gwapo niya talaga!" napalingon ako sa nagsalita.
Ano daw? Sino yung gwapo?
Dahil sa kuryusidad ko ay nilapitan ko ang pinagkakaguluhan nila at nakitingin na din kung sino ang pinag uusapan ng halos lahat ng kababaihan na nakakasalubong ko.
"E-excuse me, aaray, pasingit naman"
"Ouch! Sino kaba? Wag ka ngang sumingit. Tabi diyan panget!"
Aba, akala mo naman kung sinong maganda
Nasiko nung babae ang dibdib ko na ininda ko naman, kaya para makaganti ay tinulak ko siya. Hindi naman pwede na ako lang ang masaktan samin.
"Aba panget bakit ka nanunulak?" deadma. Kausapin mo lelang mo, makikitingin lang eh. Teka nga sino ba pinagkakaguluhan nila dito?Nasa unahan na ako at bago ko tingnan ang bulletin board ay inayos ko muna ang salamin ko at nung ibinaling ko na ang atensiyon ko sa board ay halos mapanganga ako sa nakita ko
"Ang masungit na si Sander?!" natahimik ang paligid at halos lahat ng mga mata at nakatingin sakin
"Ah..Eh.. Good Morning" sabay takbo
Bakit nakapost ang pag mumukha niya? Wanted ba siya? May nirape siguro siya. Pero imposible naman na rapist siya, pagkakaguluhan ba siya ng mga babae na halos maihi sa kilig kung napist talaga ang lalaking 'yun
"Ang gwapo niya talaga. Bumalik na ang Campus Prince natin" rinig kong usapan ng mga babae ng paakyat na ako sa room namin
Sino?
"Ang gwapo talaga ni Prince Sander"
Mga ilusyunada! Hehe, parang bitter lang ako. Anong oras na ba?
Napatingin ako sa wrist watch ko at halos takbuhin ko ang fourth floor nung makita kong 7:30 na! Late na ko...
Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng room namin at nagtaka pa ako nung madatnan kong madaming taong sumisilip silip, akala ko nagkamali ako ng napuntahang room pero nung tiningnan ko ang section na nasa taas ng pinto ay tama naman. Ano na naman ba ang meron dito?
"Sana dito na lang din ang section ko para kaklase ko si Prince"
"Ang swerte nila"
Ano bang pinagsasabi ng mga to? Makapasok na nga lang.
"Ekskyus Me. Makikiraan po" bakit ba kanina pa ko singit ng singit
Hayy, nakapasok na din, grabe 'yung mga babaeng 'yun. May artista ba dito sa room?
"Sam! andyan ka na pala umupo kana dito". Sabay turo sa tabi niyang upuan.
Heto nanaman po si Boy Sigaw. Bakit ba lagi nalang siyang sumisigaw? Hindi naman ako bingi at mas lalong hindi naman milya-milya ang layo namin
"Ano ba talaga problema mo?" sinimangutan ko siya nung nakaupo na ako sa upuan ko pero imbes na maintimidate ay ngumiti lang ang mokong
"Bakit madaming tao dito sa room? May artista ba?"
"Meron, ako!"
Okayyyyy, dismissal na ba? gusto ko ng umuwi. tsk
"Nakakainlove!"
Ano ba hindi ba sila titigil?!
"Bakit ba andito ang mga yan?" tanong ko kay Ericka na noon ay busy sa cellphone niya
"Hindi mo ba nakikita Sammy? pinagkakaguluhan nila si Sander sa room natin"
Panong nangyari 'yun? Pag lingon ko sa likod ang seryoso ng mukha niya na para bang hindi na niya nagugustuhan ang atensiyon na nakukuha niya sa ibang estudyante especially ng mga babae na nasa labas ng room namin. Katabi niya rin pala si Ericka, hala ang bestfriend ko kung makatitig kay Mr. Sungit parang gusto niya tunawin.
"Hoy" sinamaan ko ng tingin si Cedrick nung tinapik niya ako sa balikat
"Bakit ka ba nananapik?"
"Kung makatingin ka kasi eh"
"Pakialam mo ba? mata ko naman 'to, hindi naman sayo ang ginagamit ko para tingnan sila"
"Sila o siya?"
Ano ba ang gusto niyang palabasin?
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]