Minulat ko ang mga mata ko nung nararamdaman ko na ang sinag ng araw sa mukha ko. Pag tingin ko sa orasan ay bumangon agad ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko si mama sa kusina na nag luluto ng almusal. Agad ko siyang binati at inabot sakin ang baso ng tubig.
"Mukhang excited ka ngayon na pumasok, ang aga ng gising mo"
Sa totoo lang, excited talaga kong pumasok ngayon. Hindi ko akalain na mamimiss ko din palang pumasok ng eskwelahan. Pagkatapos kong mag almusal ay nag ayos na ako,
"Sana maging memorable ang junior year ko. Sabi nila maraming ganap sa third year at isa daw yun sa pinakaexciting part ng highschool. Well, let see kung totoo nga yun"
Ako nga pala si Samantha at estudyante ako ng Tashkent High School. Pangalan palang tunog sosyal na diba? Well, sosyal naman talaga ang highschool na iyon. Madami kasing mga nakakaangat at sosyal na nag aaral dun. Ako? First and foremost, hindi ako sosyal at hindi rin kami ganun kayaman, afford lang nila mama at papa na pag-aralin ako sa highschool na yun dahil only child lang ako.
"Samantha bumaba ka na diyan, baka malate ka pa"
Binilisan ko na ang pag aayos at chineck ko kung kumpleto na ba yung mga gamit ko. Nung okay na lahat ay bumaba na ako. Nagpaalam na ako sakanila at excited na naglakad papasok. Nung nasa harap na ako ng gate ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Since new school year, it means na bago din ang mga magiging kaklase ko. Sana marami akong maging kaibigan ngayong taon!
"Let's do this Samantha!" bulong ko sa sarili ko
Hindi pa ko nakakalayo sa gate ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Pag lingon ko ay nakita ko si Ericka na nakangiting tumatakbo papunta sa direksyon ko.
"Namiss kita Sammy! Kamusta ang summer vacation mo? Sobrang excited akong pumasok ngayon dahil makikita na ulit kita at saka alam mo na!"
Natawa ako sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya ay yung masungit naming teacher last school year. Since third year na kami ay hindi na namin siya magiging teacher.
"Nagmemenopause siguro si Maam Torres kaya ganun na lang kung magsungit yun" dagdag pa niya. Natatawa talaga ako kapag nag rarant siya tungkol sa mga teachers namin dahil bukod sa expressions niya ay may pa hand gestures pa, "Malay mo maging teacher natin siya ulit" pagbibiro ko
"Naku Sammy! Bawiin mo sinabi mo! Pag nangyari iyon baka mag drop out nalang ako!" ant lang siya ng rant hanggang sa makarating kami sa building ng third year. Sa sobrang dami niyang sinasabi hinihingal niyang inakyat ang building. Hinanap namin kung saang section kami this year,
"Hyacinth, Daisy, Cosmos! Sammy, tingnan mo nasa star section tayo!"
"Talaga? Ang saya naman!"
Hinanap namin yung room at pagpasok namin ay ang dami ng mga estudyante sa loob. Halos lahat ng upuan sa harapan ay occupied na ng mga classmates namin at yung nasa likuran nalang ang available. Hindi ko gustong umupo sa likuran kasi malabo ang mata ko pero no choice. Hayy!
Naramdaman siguro ni Ericka na medyo disappointed ako sa naiwang bakanteng upuan, "Don't worry Sammy, hindi pa naman permanent 'to". Tama naman siya, may chance pa na mabago ang seating arrangements kapag dumating ang adviser namin. "Teka Sammy, labas lang ako may nakalimutan akong icheck sa bulletin board" Tumango lang ako at habang hinhintay namin ang adviser namin ay tiningnan ko ang mga classmates ko, yung iba sakanila ay naging classmates ko na previously, pero mas marami iyong first timer. Sana makasundo ko sila.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang isa ko pang best friend, si Jenny. Sa sobrang excited ko na makita niya ko ay hindi ko namalayan na napalakas ang pag tawag ko sakaniya kaya napatingin sakin ng mga classmates ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya kasi pinagtitinginan na ako ngayon, yung iba ay nagbubulungan habang nakatingin sakin. Narinig ko pa ang sinabi nung isa sa di kalayuan,
"May nerd na naman! Tingnan mo, hindi ba siya marunong mag ayos? Ni hindi man lang nagsuklay" sabi nung isang babae
"Oh my, I cannot even look at her" dagdag naman nung isa
"I thought this school is so particular with the image of the student. Then, why..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "You're right Madeline, there's something wrong with this school"
First time kong makarinig ng harsh words. Eh ano naman kung mukhang nerd ako? Wala silang pakialam. Lumapit sakin si Jenny at tiningnan ang mga babaeng yun at pinagtaasan ng kilay,
"Bakit ganyan kayo makapagsalita? Sa tingin niyo ikakaganda niyo yan?" Natahimik sila. Pinagtitinginan na din kami ng iba naming classmates kaya inawat ko na si Jenny kasi alam kong kaya niyang patulan ang mga babaeng yun. Mukhang hindi rin nila inexpect iyon kaya tumigil na din sila.
Nung okay na ay tinignan ako ni Jenny at niyakap ng mahigpit. Sakto namang dating ni Ericka, "Wow, classmates tayong tatlo!" masayang sabi ni Ericka
"Namiss ko kayong dalawa!" masayang sabi ni Jenny, "Alam mo bang pinagkaisahan ng mga babaeng yun si Sammy boy, Ericka?" sabay tingin sa grupo
"Ano?!"
"Okay na Ericka, binawian naman sila ni Jenny" inawat ko na ang issue kasi baka mas lumala pa. Ang dalawa pa namang ito ay go na go sa away kapag mag naaagrabiyado sa isa samin "Next time Sammy, wag kang papayag na apihin ng mga iyon. Kung magyari man ulit to, sabihan mo kami. Kaming bahala sayo" dagdag pa ni Ericka
Ang swerte ko naman sa dalawang bestfriends ko, ang over protective nila. Magkukuwentuhan pa sana kami ng biglang pumasok ang adviser namin. Pagkita ko sa adviser namin ay hindi ko maiwasang mapasabi ng, "ang gwapo naman niya"
"Ano Sammy?" sabay tanong ng dalawa
"Ano yun?" bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko namalayan na sinabi ko pala yung iniisip ko lang. Ayan tuloy hindi na tumitigil yung dalawa sa panunukso sakin.
"Good morning, third year" umupo na kami at gaya ko marami ring humanga sa adviser namin. Kasi naman, may itsura kasi talaga siya! Hala, mukhang crush ko na siya. "Kamusta ang summer vacation niyo? Handa na ba kayo sa bagong school year?"
"Yes sir!" majority ng sumagot ay mga babae. Napatawa ako, grabe ang stage presence ni sir, nakaka wow talaga.
"Mukhang ang energetic ng section na to. Well, that's good! By the way, my name is Levi Morales and I'm going to be your section adviser"
"Sir may asawa na po kayo?" tanong nung isang babae, after nun gumatong naman yung iba.
"Nasa itsura ko na ba ngayon ang may asawa?" biglang naghiyawan na naman sila. Yung totoo, wala ba kaming naiistorbong klase? Hindi ko sila masisi, sobrang rare naman kasi talaga ng ganitong teacher, bukod sa gwapo na, ang cool pa niyang tingnan.
"Hoy Sammy, grabeng makatingin, pinag nanasaan mo na ata si sir Levi"
"Hindi ah! Grabe ka naman Ericka!"
"Crush mo na si sir noh?" pag gatong pa ni Jenny, "Don't worry, susuportahan ka namin" sabay kindat.
Nagpakilala na kami isa isa. Heto yung ayaw ko kapag bago ang school year. Walang katapusan ang self introduction. Hayy! Napatingin ko sa susunod na magsasalita, siya 'yung nang insulto sa itsura ko, Maganda nga at mukhang sosyal pero hindi ko naman gusto ang ugali.
"Good morning everyone, I'm Madeline Mendez. I hope we'll get along well" pag upo niya ay tumingin siya sakin at nag smirk. Kinabahan ako bigla, mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng 'yun.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]