Rated SPG! Joke. Haha, Enjoy!
**Sam's POV
"Sander?!"
Yun na lang ang nasabi ko habang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako dinala sa lugar na to. Nakaramdam ako ng takot kasi hindi siya ang Sander na kilala ko. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon.
Itinulak niya ako sa pader, sa sobrang sakit ay napaaray ako. Sa ganitong sitwasyon hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko, nanghihina ako at gusto kong maiyak.
"Gail" rinig kong sinabi niya
Sino yung Gail? nagkakamali siya.
"S-sander"
Iniangat niya ang ulo niya at nagulat ako nung nakita ko siyang umiiyak. May mali kay Sander. Amoy alak din siya, kaya niya siguro nagagawa to.
"Gail, I'm sorry"
Tapos ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Hikbi pa rin siya ng hikbi. Naaawa ako sakaniya kaya niyakap ko siya para patahanin siya sa pag iyak. At ilang sandali pa ay tumigil na siya. Ilang minuto rin kami sa ganung ayos hanggang sa iangat na niya ang ulo niya at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko.
"Hindi mo na ako iiwan diba?" ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya
"Sander, hindi ako si Gail"
May pagtataka sa mga mata niya at parang ayaw niyang maniwala na hindi talaga ako si Gail. Akala ko maniniwala na siya sakin nung inulit ko ang sinabi ko pero nagulat ako ng bigla niya kong halikan.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Dahan-dahan lang ang paghalik niya sakin pero habang tumatagal ay nagiging marahas ang paraan ng paghalik niya. Nararamdaman ko ang diin ng labi niya sa labi ko. Nasasaktan na ako. Pero wala akong magawa, hindi ko rin siya magawang itulak dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa mga braso ko.
Naiyak nalang ako, hindi siya ang Sander na kilala ko.
"Sander..."
Yun nalang ang lumabas sa bibig ko habang hinahalikan niya ako sa leeg. Tapos itinaas niya ulit ang ulo niya para halikan ako sa labi ko. This time nag unahan na sa pag bagsak ang mga luha ko.
Parang natauhan si Sander sa ginagawa niya sakin kaya humiwalay siya at binitawan ang pagkakahawak sa mga braso ko. Napaupo nalang ako habang umiiyak .
Naramdaman kong hinawakn niya ang balikat ko, "I'm so sorry"
Lalo akong naiyak ng marinig ko yun. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Sander ang ganitong bagay.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng malakas na suntok na ikinagulat ko. Nakita ko nalang ang duguang kamay ni Sander. Bakas sa mukha niya ang galit, tumayo ako at nilapitan siya pero umiwas siya.
"Samantha, I'm so sorry."
Naiilang ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ngayon ay natatakot ako kay Sander. Hindi ko akalain na ganun ganun lang ang mangyayari sa first kiss ko. Nakaramdam din ako ng hiya dahil boyfriend pa talaga ng bestfriend ko ang fist kiss ko. Ano nalang ang iisipin niya pag nalaman niya ang nangyari ngayon?
Natigilan ako sa pag iisip ng biglang kumalampag ang pinto. Kinabahan ako, may nakakita kaya samin?
Dali-dali akong tumakbo papalabas at pumunta sa cefeteria para hanapin si Jenny. Nung nakita ko na siya ay nakasimangot niya kong hinarap.
"Saan kaba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap, hindi ka man lang nagsabi kong saan ka pupunta"
Sakto namang dating ni Rexan kaya pinakilala ko siya kay Jenny.
"Oh, hi Jenny" bati ni Rexan
"Magkakilala na kayo?"
Sasagot na sana ulit si Rexan ng biglang takpan ni Jenny ang bibig niya"
Ano kayang nagyari nung wala ako?
"Sam, okay ka lang ba?" tanong ni Rexan sabay turo sa leeg ko
Bigla kong tinakpan ang leeg ko kung saan hinalikan ni Sander.
"Ah, oo, wala to. Tara na" hindi ko alam ang isasagot ko kung nagpatuloy pa sa pagtatanong si Rexan.
Napatingin ako kay Jenny at para bang may gusto siyang sabihin pero nagpanggap ako na walang nangyari at okay lang ako.
Para mabago ang topic ay tinanong ko si Rexan, "Pano mo nakilala si Jenny?"
"Sammy!" natawa ako sa reaksyon ni Jenny.
Pagkatapos naming umorder ay naghanap na kami ng puwede naming maupuan at nung nakahanap ng bakanteng silya si Rexan ay agad siyang tumakbo papunta dun.
Habang kumakain ay pilit ko pa ding kinukulit ang dalawa kung anong nangyari sakanila kanina pero laging pinapatahimik ni Jenny si Rexan. Sa totoo lang, ang cute nilang mag asaran. Natigilan lang ako sa pangungulit sa kanila ng biglang may tinawag si Jenny sa likod ko.
"Sander, dito kana maupo"
Biglang nanlamig ang katawan ko nung parinig ko ang pangalan niya at naalala ko lahat ng nangyari kanina.
Ang awkward! Jusko!
--
Haha, rated spg kuno ang chapter na to. Tinry ko lang magsulat ng may kissing scene pero parang walang dating. Pag pasensyahan niyo na lang muna hindi ako kumportableng magsulat ng ganiyan eh. TRY lang. Papagandahin ko na lang next time. lol, talagang may next time. XD
Picture ni Jenny ang makikita niyo sa chapter na to. Pansin ko lang ha wala palang masyadong exposure si Cedrick sa chapter na to. :DD
Sa mga readers nito madalas na po ang update, mahaba pala to kaya inuunti unti ko na kasi pag nagpasukan na hindi na ako gaanong makakapag update. Baka maximum of 50 chapters to.
VOTE
COMMENT
--MsSayuri :)
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]