Rexan's POV
Hinintay ko si Jenny sa labas ng publication office nila para sabay na kaming umuwi pero hindi ko akalain na iinit lang ang ulo ko dahil sa nakita ko.
"Salamat sa tulong mo Henry."
"Wala yun Jenny, basta ikaw" nakita ko pa kung paano titigan ng lalaking yun si Jenny at alam kong may gusto siya kay Jenny.
May the best man win na lang.
Nung uwian na ay nakita ko si Jenny na nakatayong mag isa sa may waiting shed at nung lalapitan ko na sana siya ay bigla bumuhos ang malakas na ulan. Nakakabadtrip! wala pa naman akong dalang payong.
Pumunta ako sa malapit na tindahan at nagbakasakaling may tinitinda silang payong pero wala. Bakit ngayon ko pa kasi naiwanan ang payong ko.
Napatingin ako sa grupo ng mga lalaki na nakatambay sa katabing tindahan at nakilala ko agad ang isang lalaki dahil sa boses nito. Dahil na din sa nakaharang na plastic ay hindi nila ko masyadong makita.
"Seryoso ako sakaniya pare kaya wag mo kong papangunahan sa desisyon ko" nakita ko si Henry kasama ang ibang officer ng school publication at mukhang babae ang pinag uusapan nila.
"Ang tanong, magustuhan ka rin kaya niya?" tanong nung isa
"Alam mo Jonas, matinik yan si Henry sa mga babae kaya sisiw lang yan para sakaniya na makuha si Jenny"
Nagtawanan ang iba niyang kasama at tinapik ni Kevin na kaklase ko ang balikat ni Henry.
"Alam mo tol kung saka sakaling ipagpapatuloy mo ang binabalak mong panliligaw kay Jenny mukhang may makakalaban ka at tsak mahihirapan ka sakaniya" napatingin kay Kevin ang ibang kasamahan nila kasama na din si Henry
"At sino naman yun?" tanong ni Henry
"Sa palagay ko lang ha, kilala niyo naman siguro si Rexan? yung kaklase ko at isa rin sa mga sikat dito sa skwelahan natin kahit na transferee siya..." hindi niya natapos ang sinasabi niya ng biglang sumingit si Leo
"Oh anong meron sa tukmol na yun?"
"Pansin ko lang, tuwing nakikita niya si Jenny eh ang lagkit ng tingin niya sakaniya at saka alam ko bestfriend yun ng kaibigan ni Rexan kaya mukhang may advantage siya kung sakaling liligawan nya si Jenny kasi kung baga may backer siya"
May pagkatsismoso din pala ang Kevin na to, akala ko tahimik na walang pakialam sa mundo pero observant din pala siya. Sana lang hindi na ituloy ng Henry na yun ang binabalak niyang panliligaw kay Jenny
"Pano yan tol?"
"Magkaalaman nalang kung sino talaga ang pipiliin ni Jenny. Kung meron man gusto ang Rexan na yun sa kaniya ay uunahan ko na siya. Mukhang torpe naman ang isang yun eh at saka kahit anong gawin niya ay hindi niya makukuha si Jenny"
Gaano ka naman nakakasiguro? Tingnan nalang natin.
Pagkatapos ng usapang iyon ay nagsi-alisan na ang mga tukmol kaya umalis na din ako at chineck kung nasa waiting shed pa si Jenny, pero wala na siya dun.
Napagdesisyunan kong mag stay muna doon habang nagpapatila ng ulan at nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Sobrang pamilyar ng boses niya at automatic na napalingon ako sakaniya.
Nandito pa pala si Jenny.
"Yes dad, dito po sa waiting shed sa labas ng school. Opo, sige po" binaba niya na ang tawag at saka naupo. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sakaniya at dahil medyo halata na ang pagtitig ko sa kaniya ay napatingin siya sakin.
"Rexan?"
Nginitian ko siya at sa di ko malamang dahilan ay sinimangutan niya ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nagpapatila ng ulan. Ano paba sa tingin mo?"
"Yun lang ba talaga?"
"Oo naman, ano pa ba?"
Tiningnan niya muna ko ng masama at ilang sandali pa'y ibinalik niya ang tingin niya sa cellphone niya. Kakausapin ko sana ulit siya ng may biglang dumating na kotse sa harap at dali dali siyang sumakay.
Nakakainis! bakit ba ganun ko siya sinagot, malamang nabastusan siya sakin. Nakakaasar ka Rexan! bawas points ka kaagad kay Jenny.
Pagpasok ko kinabukasan ay naghanda agad ako ng plano kung paano ko pupormahan si Jenny at syempre sa tulong na din ni Sam. Ang sabi niya ay gusto daw ni Jenny ang chocolates kaya bumili muna ako ng chocolates bago pumasok. Nung nakita ko si Jenny ay kasama niya si Henry at may kung ano siyang inabot kay Jenny, napatingin ako sa chocolates na ibibigay ko sakaniya.
Makikita ng Henry na yun na hindi siya pipiliin ni Jenny.
Lumapit ako sakanila ng patago at narinig ko ang pinag uusapan nila,
"Manuod ka mamaya Jenny." tumango siya, naalala ko din na may practice pala ngayon ang basketball team na pinangungunahan ni Henry. Bukod pala sa school publication ay varsity din siya at captain ball pa ng basketball team.
Tinext ko si Sam sa pag aya ni Henry kay Jenny na manuod ng practice nila at nag suggest pa siya ng plano para maturn off si Jenny sa lalaking yun. Nung una ay hindi pa ko pumayag pero napag isip-isip ko na mamimili pa ba ko sa mga ganitong bagay
Nung nasa cr na ang mga players para magpalit ng damit ay pumasok na ako para gawin ang plano. Kinuha ko ang plastic na puno ng mga langgam at nilagay ko sa bag ni Henry para kapag isinuot niya ang damit na gagamitin niya ay mababaliw siya sa sakit galing sa kagat ng mga langgam. Pagdating talaga sa kalokohan ay maasahan ko si Sam.
Naghihintay na ang mga manunuod sa practice ng basket ball team at nung nakita ko si Jenny ay tumabi ako sa kinauupuan niya.
"Bakit ka nandito?" tanong niya habang nakakunot ang noo
"Manunuod?"
"Ang alam ko hindi ka interesado sa sports" napatingin ako sakaniya na may malaking ngiti sa mukha ko
"Pano mo nalaman?" nakita kong nag blush si Jenny na nakapagpadagdag ng ganda niya.
"Umalis ka nga sa tabi ko!"
"Ayoko nga, at saka manunuod din ako, kaya hindi mo dapat ako pinapaalis dito" hindi na siya nakaimik at ilang sandali pa ay lumabas na ang mga players at nung si Henry na ang lumabas ay halos pulang pula ang balat niya dahil sa kagat ng langgam.
Galit na galit si Henry sa mga kasamahan niya at tinanong kung sino ang may gawa nun pero kahit sino sa kanila ay walang sumagot. Napatingin ako kay Jenny na nakasimangot dahil sa inasta ni Henry sa harap niya dahil bukod sa pagsigaw nito sa ka-team mate niya ay hindi pa din maubos ang pag sasabi nito ng masasamang salita.
Tama nga si Sam, natuturn off si Jenny sa mga lalaking pala mura. Pano ba yan, dagdag points ako kay Jenny kasi hindi ako nagmumura.
Ano ka ngayon Henry, huh?
BINABASA MO ANG
BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)
Teen FictionCOMPLETED - [Book 2 will be available soon]